NASA labas ng cabin ni Sieviana si Lauthner at nag-alangan kung kakatok ba siya o hindi. Gusto niya sana na imbitahan ito na magmeryenda pero wala siyang ideya kung paano niya ito sisimulan. Kung may makakakita man sa kaniya sa kalagayan niya ngayon ay iisipin nito na parang nagbibinata si Lauthner dahil sa kaniyang ikinikilos. Humugot siya ng isang malalim na hininga at inihanda ang sarili. Bahagya niyang itinaas ang kaniyang kamay habang nakayukom ito at handa nang kumatok. Subalit, bago niya pa ito magawa ay agad na tumunog ang telepono ni Lauthner. Kinuha niya ito sa kaniyang bulsa at tinignan kung sino ang tumatawag. Nang makita niya kung sino ang caller ay agad na lumambot ang ekspresyon niya. "Hello, Baby." Nakangiti si Lauthner nang banggitin ang salitang iyon at bahagyang lu

