Aidan was caught off guard. Amara is being straightforward towards him and he is not used to it. Marahil ay isa ito sa nakuhang kilos ng dalaga no'ng ito ay namalagi sa ibang bansa. He snickers. "I wouldn't mind if that's what you want." Amara giggled because of what he said. Nag-order na ng pagkain si Amara at hindi naman nagtagal ay sabay na dumating ang kanilang pagkain. Habang kumakain ang dalawa, napapasulyap naman si Amara kay Aidan na pinagsabay ang pagkain at ang trabaho nito. "Sobrang busy mo naman," pagpukaw ni Amara sa atensyon nito sabay higop ng kape. "A, eto ba?" aniya sabay taas ng ginawa niyang sketch. "I need to submit this to Lauthner as soon as possible and this will be my last project for him this year." "Why? I thought you're working for him?" magkasalubong ang

