BAGSAK ang balikat ni Celine habang inaalala kung paano siya hindi pansinin ni Aidan kanina. Nakakasiguro siya na nakita siya ng lalake dahil nagtama ang kanilang mga mata, ang hindi niya lang maintindihan ay kung bakit hindi man lang ito ngumiti sa kaniya. Imposible naman na hindi siya nito nakita pero ang ipinagtataka niya ay kung sino ang kasama nitong babae kanina at bakit ganoon na lamang ito kung makadikit sa kaniya. Puno ng katanungan ang isipan ni Celine at dahil dito ay wala sa sarili siyang nagbabalat ng saging para lulutuin niya mamaya para may meryenda siya. "Hayy..." usal niya at napapabuntong hininga pa. Mabuti na lang at wala ang kaniyang ina dahil tiyak na kanina pa siya nito napansin dahil sa malungkot niyang pagmumukha. Hindi lang sila nagkita ni Aidan ng ilang araw ti

