Sa gitna ng paglalakad ni Lauthner ay napagtanto niya na kahit malalim na ang gabi ay marami pa rin ang mga taong palaboy-laboy sa isla. Pero hindi siya nakaramdam ng kahit kaunting takot dahil bakit naman siya matatakot kung siya naman ang may-ari ng islang 'to. He doesn't want to go there empty handed. Kaya bumili siya ng midnight snacks na maaari nilang pagsaluhan ni Sieviana kung ito ay gising pa. "Two serving of potato chips, and fries," aniya sabay abot ng bayad. "Make it quick." "Yes, Sir Lauthner!" wika ng lalake na nakakakilala sa kaniya. Nakatayo lang siya sa stall habang nakatingin kung paano ihanda at lutuin ng lalake ang kaniyang order. No'ng maluto na ito ay agad na itong binalot ng lalake at ibinigay sa kaniya. Hinablot ito kaagad ni Lauthner at hindi niya na nagawan

