Chapter 42

1457 Words

KASABAY ang pagsikat ng araw ay nagising si Sieviana mula sa kaniyang mahimbing na pagtulog. Kumunot ang kaniyang noo nang makapa niya ang isang malambot na unan. Sa pagkakatanda niya ay nakatulog siya sa mismong kandungan ni Lauthner. Napadilat siya at napatingin sa kaniyang tabi at nakitang wala na si Lauthner. Kinusot niya ang kaniyang mga mata at nag-unat bago umayos ng upo. "Good morning," pagbati niya sa sarili sabay hikab. Napatingin siya sa kaniyang gilid at napatanong sa sarili kung bakit hindi man lang siya ginising ni Lauthner nang umalis ito. Tumayo na siya at pumunta sa kusina upang maghilamos. Binuksan niya ang gripo at nagsimula nang linisan ang kaniyang pagmumukha na hindi man lang inisip na wala pala siyang dala na basahan. Aalis na sana siya ng kusina upang pumunta sa

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD