Napahalakhak si Lanie at tumayo habang nakatutok pa rin ang camera sa kaniya, "Ano ka ba! Dapat lang para makita nila ang malaking pagbabago mo. Teka, kailan ka ba babalik? Palagi na akong kinukulit ng mga nasa itaas dahil tambak na ang mga projects na nakalaan para sa 'yo. Sinabihan ko naman sila na 'yong iba ay ibigay na lang sa mga nangangailangan pero ayaw naman nila. Masyadong loyal sa 'yo!" "Siguro next month uuwi na ako ng Maynila. Pero sa totoo lang ay parang ayaw ko nang bumalik diyan. Nagustuhan ko na 'tong isla dahil dito, malaya akong nakakakilos at nagagawa ang mga gusto kong gawin. Pero kapag pinili kong huwag nang bumalik diyan—mawawalan ka naman ng trabaho," wika ni Sieviana sa isang malungkot na boses. "Naku, huwag mo akong intindihin! Kung iyon nga talaga ang gusto mo

