WALA ni isang tao ang nandoon sa bahay ni Sieviana pero malinis naman ang bawat sulok ng bahay. Nagtulungan ang dalawa na ilagay sa loob ang mga gamit ni Sieviana at pagkatapos no’n ay agad din silang umalis upang pumunta ng mall. Pagkarating nila sa mall ay dumiretso sila sa isang restaurant upang kumain ng tanghalian. Nag-order na kaagad sila at habang naghihintay sila sa kanilang order ay panay naman ang pagtingin ng mga tao na nasa loob sa kanilang gawi. Sanay na si Sieviana sa ganitong sitwasyon at hinayaan niya na lang ito. Matapos ang ilang minutong paghihintay ay dumating na sa wakas ang kanilang pagkain. “Kanina pa ako nagugutom,” usal ni Lanie at nagsimula na siyang kumain. Tumawa naman si Sieviana at mapang-asar itong tinignan. “Halata nga,” patungkol niya sa ginawa nitong

