Kabanata 1
“Ano ba ‘yang ginagawa mo, Mona?! H’wag ka ngang masyadong malikot baka hindi gumanda ang make up ko sa ‘yo!” ilang saway sa akin ni Luningning nang gumalaw ako para matignan ang aking mukha sa salamin.
Hindi ko alam kung ano ang ginagawa niya sa mukha ko at hindi rin ako sigurado kung sinusunod niya ba ang mga sinabi ko bago niya ginalaw ang mukha ko. Kaya gusto ko sanang tignan iyon ngunit hindi naman niya ako binibigyan ng pagkakataon.
“Gusto ko lang naman tignan ang mukha ko–”
Pinutol niya ang sasabihin ko. “H’wag mo nang tignan, alam naman natin na maganda ka!”
Umirap ako at wala nang nagawa dahil sa kanya. Busy si Luningning sa ginagawa niya sa akin habang ako naman ay kabang kaba na dahil ito ang unang araw ko sa trabaho. Nakakabirthday ko lang noong isang linggo, legal naman ako sa edad na bente dos pero pakiramdam ko ay minor pa rin ako dahil sa trabaho na papasukin ko.
Ni hindi ko nga naisip na kakagat ako sa trabaho ni Auntie. Sabi ko pa naman dati ay magtatrabaho ako ng matino at mag iipon para makabalik ulit sa pag aaral ngunit hindi rin nangyari iyon dahil masyadong maliit ang sahod ko. Mas lalo pa akong nalubog sa utang kay Auntie dahil sa pagkahospital ko noong isang buwan dahil sa sobrang pagtratrabaho.
Kaya ngayon, nandito ako sa isang illegal na pagbebenta ng mga babae. Oo tama nga ang narinig niyo, auction siya ng mga sikat na mga negosyante na gustong magkaroon ng pansamantalang ligaya. One lady in a night. Iyon ang tawag nila at isa ako sa mga babaeng sasali roon.
Pangit mang sabihin pero hinihiling ko na sana ay mayroong bumili sa akin mamaya para may pera akong pambayad kay Auntie at panimula na rin namin. Kukunin na sa amin ang bahay na pinapaupahan sa amin, wala na kaming gamit sa loob ng bahay dahil halos lahat ay naibenta na ni Auntie para may pangkain kami.
Kahit ganito ang trabaho ni Auntie ay hindi pa rin talaga sapat dahil marami siyang pinagkakautangan, isama pa ang kanyang pagsusugal. Hindi ko naman mapagsabihan dahil panigurado ay mag-aaway lang kaming dalawa at hindi magkikibuan at ako lang din ang kawawa dahil wala pa akong trabaho sa kanya.
Kaya kapit sa patalim talaga ang gagawin ko. Ayaw ko man ay gagawin ko para magkaroon ako ng pera ay kung papalarin na malaki ang offer ay aalis ako sa puder ni Auntie at sasama na lang kay Luningning dahil kahit papaano ay maayos ayos doon sa kanya keysa kasama si Auntie.
“Ano Luningning, matagal tagal pa ba ‘yan?! Magsisimula na ang auction, lahat ng babae nandito na, si Mona na lang wala!” sigaw ni Auntie sa likuran ni Luningning.
Isa rin si Luningning sa mga babaeng nasa auction. Kaya lang ay ilang linggo na raw na walang bumibili sa kanya kaya wala siyang magawa kung ‘di ang hindi sumali ngayon. Maraming babae rin ang willing na sumali dahil sa laki ng makukuha niya, kagaya ko ngayon.
“Ito na magtatapos na, buhok na lang lalabas na siya!” sigaw pabalik ni Luningning.
Napakagat ako ng labi. Habang papalapit nang papalapit kasi ay mas lalo akong kinakabahan at sinasampal ng katotohanan dahil sa mga desisyon ko sa buhay.
“Nako, basta ha. Ang turo ko sa ‘yo. Kapag may bibili sa ‘yo. Masakit iyon sa una, sympre first time mo eh. Pero kapag nagtagal naman ay masasarapan ka, kagaya ng pinapanood ko sa ‘yo noong pumunta—”
“H’wag na nga nating pag usapan iyon, Luisiana!” tigil ko sa kanya.
Bumabalik na naman sa isipin ko ang po-rn na pinanood niya sa akin noong isang araw. Para raw magkaroon ako ng ideya kung ano ang gagawin ko kung sakali mang may bibili sa aking lalaki. Sa unang tingin ko pa lang ay nandiri talaga ako at ani pa nga ni Luningning ay natural daw iyon dahil first time. Pero kinalaunan ay hindi ko rin pinanood dahil masyado akong nanibago.
“O iyong binabasa mo dati, alam kong may rated spg doon kahit hindi mo sabihin sa akin. Kahit papaano naman siguro may ideya ka sa s-ex diba? Basta umung0l ka lang nang umung0l dahil iyon ang gusto ng mga client at kapag nilabasan ka naman. Charan, naabot mo na ang langit at sympre magaling iyong nakabili sa ‘yo!” dugtong pa niya.
Marami pang binilin sa akin si Luningning na mga safety tips and se-x tips na sa tingin ko naman ay seryoso siya sa mga bilin na iyon. Nakikinig lamang ako sa kanya at muli kaming tinawag ni Auntie na mukhang galit na galit na. Sa boses pa lang niya ay mukhang bubuga na ng apoy.
Panghuli ay nilagyan ako ni Luningning ng pulang lipstick. Napatingin ako sa aking sarili sa salamin. Nanibago ng kaunti dahil sa koloreteng nilagay ng kaibigan ko peor mukhang maayos naman dahil gumanda naman ako ng kaunti sa kanyang ginawa.
“Ganda ng ilong mo, dinig ko Tita Tessa may lahi ka raw kaya medyo foreigner ang mukha mo.” puna pa niya.
Dinig ko noong bata pa ako ay spanish daw si Papa ngunit hindi niya pinanagutan si Mama kaya hindi ko na siya nakilala pa. Lumaki ako kay Mama, umuwi kami ng pilipinas noon at dito namuhay hanggang sa nagkasakit siya siya ng cancer at iniwan ako kay Auntie na half sister niya sa ama. Medyo magulo ang buhay ko noong bata dahil paiba iba ako ng pamilya bago nakarating kay Auntie. Nagpapasalamat ako kahit papaano dahil kinupkop niya ako at pinakain sa mahabang tao.
“Hala sige na bilis, nandito na ulit ang dragonita. Isuot mo na ‘to!” sabay bigay niya sa akin ng maskara.
Kinuha ko iyon at mabilis na sinuot bago lumabas at sumama kay Auntie. Dinig kong nagsimula na ang auction. Ramdam ko ang excitement sa mga kasamahan ko, kahit hindi nakikita ang kanilang buong mukha ramdam ko na magaganda sila. Sa hubog ng kanilang katawan, ramdam kong may bibili sa kanila.
“Oo, naka 3 million ang bet sa akin dati. Ako ang title holder. 3 million in one night, imagine diba? Sobrang yaman ng lalaki pero may pamilya na kaya ayon…” dinig ko sabi ng isang babaeng, nakakulay black na maskara at black din na fitted dress.
Habang ako naman ay kulay pula ang dress maging ang maskarang gamit. Medyo nailang ako sa kanila dahil parang wala trabaho na talaga nila ang lahat ng ‘to, ni hindi sila naiilang sa kanilang suot, sa kanilang gagawin mamaya, at kung ilang lalaki na ang naikama nila.
“Almost one million lang sa akin, pero kaunti lang din naman nakuha ko dahil maramin kaltas. Isama pa ang handler natin na paniguradong maraming makukuha sa atin.” ani pa ng isang babae.
“Pero pasalamat ka, Girl, dahil kung wala ‘yan wala kang pera.” sabi no’ng naka 3 million. “Isang million ang nakuha ko doon, naipatayo ko ng bahay pero kailangan ko ulit ng pera kaya nagbabasakali ulit. Alam ko naman ako ulit iyong highest bid ngayon.” may pagmamalaki pa sa boses niya.
“Go, Kim! Idol talaga kita! Be the highest bidder ulit!” cheer pa ng mga babae doon.
“Ano ka ba, ako lang ‘to! Dinig ko rin kay Madam Baby, nandito si Malcolm. Iyong sikat na businessman. Mapili daw iyon at ito ang pangatlong beses na bisita pero ni isang babae ay wala raw siyang kinuha. Siguro walang pasok sa standards niya.” kwento ni Kim.
“Baka ikaw ang hinihintay niya!” excited na wika ng isang babae.
“Baka nga!”
Tahimik lang ako habang nakikinig sa kanila hanggang sa pinapasok na kami sa stage. Ako ang panghuli kaya nakaramdam ako ng takot na baka walang pumansin sa akin dahil nasa pinakagilid ako. Medyo matangkad naman ako pero hindi kasing tangkad nila.
Kita ko si Luningning sa gilid at nginitian niya ako dahilan para mapangiti rin ako.
Nagsimula na sila sa pinaunang babae. Marami kaagad ang nagtaas ng kanilang mga number, ang kaba ko ay sobra sobra na at baka walang magtaas sa akin. Halos naka isang million ang unang babae na bid sa kanya. Sunod sunod na ang lahat ng babae at halos lahat ay malalaki ang bid sa kanila hanggang kay Kim na, iyong babaeng may title holder daw na highest bid.
Pagsabi sa number niya ay agad na nagsitaasan ng number ang mga lalaki sa harap. Hindi nga siya nagsinungaling dahil parang binabalik balikan na siya ng mga lalaking nandito.
“Three million!” sabi ng isang lalaki.
“Wow, another three million for number 6. Going once or going twice, is there any interested for number 6!?” ani announcer.
“Four million!”
Laglag ang labi ko dahil doon. Halos lahat ng babaeng narito ay napasinghap dahil sa laki ng bid sa kanya ngunit parang hindi natutuwa si Kim dahil hindi siya kumikibo na para bang hindi intresado sa bid sa kanya hanggang sa dumapo ang tingin niya sa akin dahilan para umiwas ako ng tingin.
Baka kung ano ang isipin niya sa akin dahil sa titig ko. Gulat lang ako dahil sa laki ng bid sa kanya.
“Wow, more?”
Wala ng may nagtaas hanggang sa tuluyang natapos ang bidding sa kanya. Kita ko kung paano siya ngitian ng mga babaeng kasamahan sa amin na proud na proud dahil sa laki ng makukuha niyang pera.
“Last but not the least, number 7. She is new, a virgin, but don’t underestimate her abilities ‘cause she can rock your world.” pakilala ng announcer sa akin.
Napakagat ako ng labi dahil sa hiya. Talagang sinabi pa iyon sa dami ng pwedeng sabihin introduction para sa akin! Namumula na ang pisngi ko dahil sa hiya pero paniguradong hindi naman iyon makikita dahil sa suot kong maskara.
Umuwang na lamang ang labi ko dahil kahit papaano ay may limang nagtaas ng number para sa akin. Ang akala ko ay wala dahil baguhan nga ako at vir-gin pa, isipin na hindi ako magaling sa kama at sayang ang kanilang pera.
“Twenty thousand,” iyon ang first offer, isang medyo matandang lalaki dahil sa kulay ng kanyang buhok.
Nakahinga ako ng maluwag dahil kahit papaano ay mayroon. Malaki na rin iyong twenty thousand pero alam kong marami pa iyong kakaltas, ayon sa mga babaeng nandito na pinag-usapan iyon kanina kaya kailangan ko ng mataas na bid.
“One hundred thousand.” sabi pa ng isang lalaki.
Parang nagwagi na ako sa one hundred thousand ngunit hindi pa pala iyon natatapos.
“Three hundred thousand.”
Mas lalo akong nagulat dahil masyadong mabilis na nagtaas ang kanilang offer.
“Sir, from the back?” tanong ng announcer at turo sa likurang parte.
“One million.” sabi ng lalaking nakakulay blue na suit.
Samo’t saring reaskyon ang naroon sa buong sulok ng silid. Napatingin ako kay Luningning at mukhang gulat na gulat din. Si Auntie ay lumabas sa back stage para tignan kung sino ang nag offer ng isang million para sa akin.
“And you, Sir?”
“Two million.” ani naman ng nakaitim, may tattoo sa kamay.
Sa diin ng titig niya ay parang tinatawag na ako no’n kaya nag iba ako ng tingin.
Halos mapamura ako dahil sa laki ng itinaas.
“Three million,” sabi ulit ng naka blue.
Hindi na ako mapakali dahil sa kanila.
“Four,”
“Five!”
“Jusmeyo, anlaki!” dinig ko sabi ng isang babae sa likuran ko.
“Hala siya na ata ang may highest bidder, natalo ka na, Kim! Grabe naman siya, first time pero five million agad.”
Maging ako ay gulat nga rin at hindi mapaniwala dahil sa laki ng kanilang offer. Ngayon, iniisip ko na lang kung paano makakabawi sa kanila dahil sa laki ng kanilang dib sa akin. Ayaw ko silang madismaya at maisip na inaksaya lang nila ang kanilang pera sa akin.
“Two hundred thousand,” ani ng naka itim na suit.
Nagulat ang announcer dahil bumaba ang kanyang bid sa akin. Maging ako ay napatingin din sa lalaking naka itim na suit. Akala ko ay lalakihan pa niya ang offer. Mukhang hindi naman pala niya kayang lakihan iyon, ibig sabihin iyong lalaking nakakulay blue ang makakapiling ko ngayong gabi?
“Sir? Two hundred thousand?” nalilitong tanong ng announcer ngunit hindi nagsalita ang lalaki. “Which means, lady number 7, will going to the man at the back in the blue su—”
“Dollars,” cool na sabi ng lalaking naka kulay itim na suit.
Halos lahat ng audience ay napatingin sa kanya. Hindi ko alam kung magkano iyon sa peso pero nakakasigurado ako na malaki laki iyon… o sobrang laki talaga?
“W-What, Sir? Can you repeat, Sir?”
“Two hundred thousand dollars,” inulit nga niya ang sinabi.
Napasinghap ang mga babae na nasa likuran ko. Maging ako ay kinabahan din dahil sa laki ng offer niya sa akin. Napahawak ako ng mahigpit sa dress na suot ko at hindi pa rin talaga pumapasok sa isip ko ang mga nangyayari ngayon.
“W-WOW! I can now declare that lady number 7 will be going to the man in a black suit for bidding two hundred thousand dollars. Lady in number 7 is now the highest bidder among girls here on the stage!”