2 - Mr. De Luca

2018 Words
Kabanata 2 “Kaloka!!!” sigaw ni Luningning pagbalik ko sa backstage. “Anong nangyari? Bakit ang init ng labanan? Magkakilala ba ang mga iyon o sadyang pareho lang ng gusto? At ikaw pa talaga ang pinag aagawan?! First time nangyari ‘yan dito at first time mo rin dito!” manghang dugtong pa niya habang nagpapalakpak. Maging ako ay hindi rin makapaniwala sa nangyari at halos nalula sa lakihan ng kanilang bid sa akin… Sa akin nga ba talaga? Hindi lang talaga ako makapaniwala. Alam ba nila ang background ko? Kilala ba nila ako? O sadyang ganito lang dito kapag may nakikita silang bagong mukha sa stage? Maraming tanong sa isip ko ngunit kahit papaano ay nagpapasalamat ako. Kahit papaano ay magkakapera ako kahit na kapit sa patalim ang ginagawa ko. Nagising ako sa katotohanan ng niyugyog ako ni Luningning. Winagayway pa nito ang kanyang kamay sa aking mukha para gisingin sa katotohanan. Umuwang ang labi ko at napatingin sa kanya bago napabuga ng malalim na hininga. “Gaga! Anyare sa ‘yo, teh! Umayos ka nga, mag aayos ka pa at sasama doon sa lalaking naka bid sa ‘yo ng tumatagingting na ilang milyong pesos. Nakachamba na naman si Tessa nito, unang salang pa lang ng manok, milyon na kaagad ang kikitain!” aniya pa. Akmang magsasalita na sana ako nang sumulpot ang mga kasamahan ko kanina sa stage. Lahat sila ay nakatingin sa akin, hindi ko alam kung bakit ang riin ng tingin nila na parang bang hinuhusgahan na ang buong pagkatao ko. Fair naman ‘yon diba? Na unang salang ko pa lang ay gano’n na kaagad kalaki diba? Ni hindi ko nga alam kung ano ang sinubok ko dahil nasilaw ako sa mga sinabi ni Auntie na kikita ko sa isang gabi. Kailangan ko talaga ng pera ngayon… kailangan namin ni Auntie ng pera ngayon… “Pinili lang ‘yan dahil pa-vi-rgin siya, baka hindi na nga ‘yan vi-rgin eh. Dapat si Kim iyong pipiliin ni Mr. De Luca mukhang titikman muna ang isang ‘to.” Dinig kong bulong ng isa. Hindi ko alam kung bulong ba iyon o sadyang pinaparinig talaga sa akin. Hindi ko alam na uso din pala ang inggitan dito eh pare-pareho lang naman kami ng trabaho – magpasaya ng lalaki. Pareho lang din naman kami kumakapit sa patalim, pero nanghuhusga din pala. Sanay na ako dito sa totoo lang. Simula ata noong high school ako hanggang sa naging first year college, iyon na ang bansag sa akin. Dahil mahinhin ako at mukha raw na mabait, ay nasa loob daw ang kulo ko. Na darating ang araw ay mabubuntis din ako ng kung sinong sino lalaki. Ni hindi nga ako nakapagnobyo noon eh. Iyong mga kaklase kong nanghusga sa akin sila pa iyong unang nabuntis keysa sa akin. Iyong mga babaeng inaway ako dahil inagaw ko raw ang mga nobyo nila, sila pa iyong malakas ang loob na awayin ako kahit na ang totoo ay sa ibang babae nagcheat ang mga boyfriend nila. Palagi akong naiipit sa gitna na hindi ko alam kung bakit nangyayari iyon. Natigil na lang ako noong magsesecond year na dahil hindi na kaya ni Auntie, paano ba naman kasi ay pinagsusugal niya iyong pera na dapat sana ay pangkain namin. Hindi naman ako makareklamo sa kanya dahil isusumbat lamang niya ang tinulong niya sa akin simula noong bata ako. Kaya sa edad na bente tres wala akong maipagmamalaki sa buhay. Ni hindi ako nakatapos, ni wala akong ipon, ni wala akong pera ngayon. Isa lang naman ang hiling ko, makaalis sa puder ni Auntie ay makapag aral ulit kaya sinubukan ko ang trabahong ito kahit labag man sa loob ko. “Nakakatawa lang dahil first time niya tapos gano’n ang nangyari, may kapit ba ‘yan? Sino ang handler niyan?” may kung sino pa ang nagsalita. “Si Tessa, iyong kilala notorious na mangungutang kaya dinadamihan ang hinahandle para magkaroon ng pera. Ngayon mukhang tiba tiba ang gagang ‘yon dahil sa manok niya.” sagot ng hindi ko kilala. “Baldogera din ang isang ‘yon.” komento pa. “Makakaahon–” Naputol ang sasabihin ng isa dahil sa pagsulpot ni Kim. Agad nilang binigyan ng daan ang babae na para bang prinsesa ng mundo. Mariin ang tingin niya sa akin bago inirapan na parang may inggit sa kanyang kalooban. “Che! Sakit ang inggit baka mamamatay ka teh!” sigaw ni Luningning. Agad ko namang hinila ang kaibigan ko papasok sa dressing room dahil sa inasta niya. Baka pag initan pa kami ng grupo dahil sa gagawin niya. Hindi na ‘to natoto si Luningning. Naalala ko pa dati na umiiyak na pumunta sa bahay dahil pinagkaisahan ng mga babaeng nandito dahil malaki ang nakuha niyang bid. “Ano ba baka mag away away pa kayo dito, nakakahiya maraming bisita.” pangaral ko kay Luningning. Umikot ang mata niya. “Hindi na ako takot sa kanya ‘no, kaya ko na sarili ko ngayon. Hindi na ako mabait. Kaya ikaw h’wag kang magbait baitan baka ikaw ay maging kawawa.” Binasa ko ang pang ibabang labi ko habang nakatingin sa salamin. Ang kolerete sa mukha ko ay nandoon pa rin at parang walang natanggal doon. Kahit ang lipstick ko ay makulay pa rin kaya walang problema na doon. Inayos ni Luningning ang bag na gagamitin ko. Ilang minuto na ako sa loob ng dressing room ngunit hindi ko pa rin nakikita si Auntie, gusto ko siyang makausap tungkol sa perang makukuha ko. Hindi ko alam kung ilang pesyento ang makukuha ko roon pero alam kong malaki laki iyon dahil sa laki ng bid sa akin. Kahit ito lang ay ibigay na sa akin ni Auntie, ginawa ko ang lahat kahit lubog sa loob ang gagawin ko ngayon. Gagawin ko ang lahat para sa pangarap kong makabalik sa pag-aaral at makakuha ng matinong trabaho. “Ano nakita mo na si Auntie, Lu?” tanong ko nang pumasok si Luningning. “Oo, kinakausap na si Madam para sa transaction ng pera. Hinahati na nila, medyo malaki iyon kaya medyo matagal ang proceso. Makukuha mo ang pera pagkatapos ng gabi, kailangan din makasiguro ang kostumer na makukuha niya ang binayaran niya.” Paliwanag niya. Alam ko naman iyon dahil sinabi na iyon ni Auntie sa akin bago pa ako pumanta rito. Sana nga ay malaki ang makukuha ko para makapagsimula na rin ako na malayo kay Auntie. Inaya na ako ni Luningning papalabas at binigay ang aking bag. Binalik ko ang maskara na suot kanina bago ko niyakap si Luningning na para bang saan ako pupunta eh magkikita din naman kami kinabukasan. “Goods ‘yan kapag hanggang pusod, iyan ang masarap.” bilin ni Luningning na hindi ko maintidihan. "Sarapan mo lang, para hindi ka niya pakawalan, ganyan ang mga tao dito babalik at babalik talaga sila sa una nilang nakukuha." dugtong niya sabay ng malanding ngiti sa akin. May lumapit na sa aming lalaki at tinawag akong Letty. Iyon ang nilagay ni Auntie na palayaw ko para hindi ako mahanap ng lalaking makakasama ko ngayon gabi dahil isang gabi lang naman daw ang binayaran niya para makasama ako. Isang gabi para sa ilang milyong peso, hindi ako makapaniwala na kaya ng mga taong iyong gumastos ng gano'ng kalaking pera para sa isang gabi. Hindi ko rin naman sila masisi dahil siguro sa dami ng pera nila wala na silang ibang gawin kung 'di ang gastahin iyon. Pumasok ako sa isang Van, kasama ang dalawang lalaki na driver at nasa front seat. Hindi ko alam kung ilang minuto ang byahe namin at nakarating kami sa isang mamahalin na building. Napalunok ako dahil sa tingkad ng building na animo'y nasa panibagong mundo. Ganito ba talaga ang mga mayayaman? Pinagbuksan ako ng pintuan ng lalaki at lumabas naman ako at sumunod sa kanila. Pagkapasok sa building ay nayakap ako sa aking sarili dahil sa lamig ng aircon at sa inipis ng damit ko. Walang katao tao dito at kami lang din naman. Hindi naman ako natatakot dahil sa logo na nasa damit ng mga kalalakihan, iyon ang logo sa underground bidding. Pumasok kami sa loob ng elevator at tahimik hanggang sa bumukas na iyon. Muli kaming naglakad at medyo malawak ang daanan at mukhang malaki talaga iyong building. Hindi ko nabasa kung ano ito kaya wala akong ideya, isa pa gabi na rin kaya wala sigurong gano’ng tao. “Nasa dulo po ang room ni Mr. De Luca, ayon sa kanya ay bawal na kami roon at kayo na ang pumasok.” bilin ng isang lalaki sa akin. “Gano’n ba… ano ba ang sasabihin ko?” nahihiya kong tanong. “Baguhan po ba kayo, Miss?” tanong no'ng isa. Tumango ako bilang tugon. “Kaya pala medyo naninibago ka sa ganito. Kumatok lamang kayo at nandiyan na si Mr. De Luca. Tawagan ninyo kami kapag may ginawa siyang labag sa kontrata dahil may malaking multa po iyon at pare-pareho tayong makikinabang. At ayaw din po namin na sinasaktan ang mga babae sa underground dahil malilintikan kami kay Madame.” paliwanag niya. May binigay silang papel sa akin na nakasulat na limang numero. Numero daw iyon na nakaset sa kanilang cellphone. Tumango ako at tuluyan naman na silang umalis. Napakagat ako ng labi at tuluyan ng lumapit sa pinakadulong room. Napalunok ako bago kumatok ng tatlong beses bago ako nakarinig ng tunog at pagbukas ng pintuan. Nanuyo ang lalamunan ko nang tumambad sa akin ang lalaki. Hubo’t hubad ang pang itaas niya ngunit naka sweat pants pa naman sa ibaba. Maganda ang katawan niya ngunit parang mas namangha ako sa mukha niya. Ang buong mukha niya ay parang pinaghalong manganib at mapang-akit. Ang kulay abong mata ay mariing nakatitig sa akin na parang hinihila ang buong pagkatao ko. Nakakatakot iyon pero hindi man lang ako nakaramdam dahil parang nalunod ako dahil sa ganda. Hindi ko alam na may ganito kaperkpektong mukha na may inilikha ang diyos. Ang kanyang jawline ay parang inukit para sa kanya, kulay itim ang kanyang buhok na tinatago ang kanyang noo na nagdadag ng mapang-akit na aura niya, idagdag pa ang kanyang mapupulang labi. Kita ko rin ang papatubong bigote sa kanyang panga na parang gusto ko nang hawakan kaagad. His face speaks for both romance and rebellion. Plus, ang tattoo na nagkalat sa kanyang braso at dibdib. “I didn’t pay you just to stare at me.” aniya sa malalim na boses. Nagising ako sa katotohanan dahil sa malamig na boses galing sa kanya. Iyon lang mukhang pangit ang ugali. “Pinasabi ko na h’wag kang magdala ng damit, bakit may dala kang bag? Itapon mo ‘yan!” Mas lalo akong sinampal sa lahat ng mga inimagine ko kanina dahil sa inasta niya. May mga bagong damit ako dito nakakabili lang para sa gabing ito, hindi ko kayang itapon ang bag ko! Isa pa sayang iyon dahil ang naiwang pera ko pa ang binili ko para lang mapaghandaan ang araw na 'to! “Dito ko na lang ilalagay malapit sa basura kung ayaw mong ipasok sa loob ng kwarto mo.” mahinang wika ko dahil sa kaba. Mas lalong umikit ang galit sa kanyang mukha dahil sa hirit ko. Hindi ko talaga kayang itapon ang gamit ko, sayang ang lahat ng ‘to. Ni hindi ko pa naisuot ang iba. Ni hindi nga sinabi sa amin na hindi na dapat ako magdadala ng gamit eh. Madilim ang mukha niya pero kita ko ang pagpakawala niya ng hininga bago nagsalita. “Place that inside the cabinet and don’t f*****g open it. Samahan mo ‘ko sa pool area, may gagawin ako.” Nakahinga ako ng maluwag sa sinabi niya. Mabuti naman at binawi ang naunang sinabi. Lumapit ako sa cabinet at binuksan iyon. Walang laman iyon at mukhang hindi niya nga ito bahay, dito lang magaganap ang unang gabi. Pinasok ko sa loob ang aking gamit. Hinubad ang suot na heels dahil masyado ng masakit ang aking paa at tuluyan lumapit sa pool area na sinasabi niya. “Strip and come here with me.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD