Hindi ko alam kung bakit nga ba umasa pa akong aatras si Tita Finella. Ako naman ang may ideya nito noong una. She just agreed and even backed up the plan. Handa pa siyang ibigay ang lahat ng kailangan ko. At heto ako, halos umaatras na. Nanliit ang mga mata ko sa daan habang nagmamaneho. I really think that Silvien is playing with me... na sinabi niya ‘yon para tuluyan akong alisin sa kaniyang landas. Na tingin niya, mapapasuko niya ako dahil lang sa sinabi niyang kondisyon na alam na alam niyang hindi ko papayagan. Because of course, I will be afraid of a marriage offered by him. Sinong hindi matatakot? Siya lang yata ang kilala kong kayang gawin ang ganoon. He offered it like it was just nothing. Na parang hindi isang sumpaan ang pinag-uusapan namin! At balak niya pa talagang ma

