Prologo
“Nasaan na ang magaling mong boyfriend, Triana Marie?” walang kasing talim na tanong ni Tita Finella noong pumasok sa kwarto. Malakas ang pagkakabukas niya sa pinto kaya napalingon kaming lahat.
In her long black dress and black gloves, my Auntie Finella is seething in anger. Namumula pa sa iritasyon habang lakad dito at lakad doon ang ginagawa.
“My God, sinasabi ko na nga ba, hindi talaga ako nagkakamali sa lalaking ‘yan!”
Napatingin na lang ako sa hawak kong wedding bouquet habang kalmado pa rin. Everyone inside the room is worried. We have a decent number of guests. Anong oras na ngunit hindi pa rin dumarating ang groom at nauna na nga kami.
“Kuya Elonzo?! What?! Naghihintay na raw ang mga guest! Tutunganga na lang ba tayo at hahayaang mapahiya si Triana?” galit na tanong ni Tita Finella at naiiyak na sa kahihiyang dadalhin nito sa aming pamilya. “Do something! Hinding-hindi ko ito kakayanin!”
“I’m calling Rhys, Mama! Chill, okay?” naiiling na sagot ng pinsan kong si Cleo habang problemado ring tumatawag sa telepono. Wala namang sumagot dito.
Si Mommy ay nag-aalala rin habang hinahaplos ang aking balikat. Pilit kong kinakalma ang sarili ko ngunit humuhulagpos ang kagustuhan na magngitngit ng aking mga ngipin. I kept sighing and closing my eyes to calm myself down!
“Ipakukulong ko iyang Rhys na iyan, Triana. Oh, my gosh, nakakahiya. Nakakahiya!” Mangiyak-ngiyak na si Tita Finella, my youngest auntie on my father’s side, ang mga Altarejos.
“Kumalma ka nga, Mama. Lalong nape-pressure sa ‘yo si Triana!” naiiling na sambit ni Cleo habang patuloy pa rin sa pagsubok na kontakin ang bwisit kong groom, ngunit bago pa may makasagot ay humugot na ako ng malalim na paghinga at tumayo na.
Pabato kong binitawan ang bouquet at tinanggal ang belo. My chest is heavy but I don’t feel like crying. Ang tanging nararamdaman ko ngayon ay ang matinding poot at iritasyon. I imagined strangling the asshole’s neck until he couldn’t breathe.
Ang pait ng aking ekspresyon. Napailing-iling naman si Daddy, who was just chilling all this time!
“Sinasabi ko na nga ba. You should’ve chosen what I wanted for you. Kung si Silv—”
“Dad, stop. Past is past!” Doon lamang ako nakapag-react, sa akmang pagkakabanggit ng isang pangalang binaon ko na sa limot. Sa isang iglap, hindi na matutuloy ang kasal.
Huwag kang mag-alala, Tita Finella. Ako pa mismo ang magkukulong sa lalaking iyon kapag nahanap ko siya.
That jerk... huwag na huwag siyang magpapakita sa akin dahil kapag natunton ko siya at ang babae niya kung nasaan man silang lupalop, sisiguraduhin kong pagbabayaran nilang dalawa ang panloloko nila sa ‘kin at pamamahiya.
At sino nga ba iyong babae niya at saan niya iyon tinatago? Dahil nasisiguro kong meron. At sigurado akong iyon ang dahilan kaya hindi siya sumipot sa kasal.
That’s what happened a few days ago. Hindi na natuloy ang kasal namin ng boyfriend kong si Rhys, now my ex-boyfriend. Dalawang taon pa lamang kaming magkakilala, and we’ve been dating for almost a year now.
We share some interest kaya siguro ay nagkasundo kami. It was a whirlwind romance, alright. At nagulat din ako noong nag-propose na siya sa akin. He was charming I admit. And as the reckless girl that I am, sinagot ko naman siya!
He’s nice, rich, and has a good family background. Kahit nga hindi gaanong pabor ang mga magulang ko sa kaniya ay tinuloy pa rin namin.
At baka tanga lang din ako dahil naniwala ako sa ideyang ito! Ano nga bang naisip ko kung bakit ako pakakasal sa bwisit na iyon?
“Hayaan mo na siya, Triana. You shouldn’t settle for a cheater guy like that! He gives off small d*ck vibes after all!” sambit ng isang kaibigan.
“I don’t know. We haven’t had s*x yet!” sigaw ko at nilaklak ang panibagong alak. We were partying on a high-end club in New York. Inaaliw nila ako at iniisip na ganoon ako kamiserable pagtapos ng nangyari.
“Good thing dahil ‘di niya deserve ang sampaguita mo!”
Napailing-iling na lamang ako at napangisi nang kaunti. Lahat kami ay sumasayaw sa nakakaengganyong saliw ng tugtugin.
This is my life in the US. Dito sana kami ikakasal ni Rhys. Muntik na talaga akong mahulog sa mga salita niya. Hindi ko alam na ganoon naman pala iyon, sumama sa ibang babae at pinili niya pa talagang gawin iyon kung kailan ikakasal na kami.
Nahihilo na ako sa kalasingan. Hindi ako brokenhearted ngunit nag-uulap ang isipan ko.
Mahal ko naman si Rhys. Hindi ba?
Napangiwi ako sa sarili kong tanong. Nalilito ako. Sinasabi ng isipan ko na mahal ko siya, that’s why I agreed to get married... ngunit bakit kapag puso na ang tinatanong ay iba ang sagot na ibinibigay nito sa akin?
Habang sumasayaw ay naramdaman kong tila may lumapit sa aking likod. Humawak ito sa aking bewang habang gumigiling ako sa saliw ng tugtugin.
“Hey,” bati ng isang magaspang na tinig. His voice was so gentle that it sent shivers down my spine. Napapikit ako nang kaunti. It was a familiar voice o baka’y masiyado lamang akong nag-iisip kaya kung ano-ano na ang narinig ko. “You’re alone?” malalim na tanong nito.
My heart skipped. Napalayo na nga siguro ako sa mga kaibigan.
“No...” sagot ko.
Masiyado na yata akong lasing, and all I had in mind is to have fun, kaya medyo ngumisi ako. Hindi na rin ito nagsalita. We danced along the nightclub’s music. Ngunit hindi rin ako nagtagal dahil sa imahe ng isang taong palaging sumasagi sa aking isipan.
“Uhm, excuse me!” paalam ko noong umalis na at dumiretso sa restroom.
I’ve always been the liberated one. There was no taming in me, at ito siguro ang dahilan kung bakit hanggang ngayon ay tila may malaking kawalan sa aking sarili... may hinahanap akong hindi ko matagpuan.
Like the usual night outs, bagsak na naman ako pag-uwi sa aking condo at agad nakatulog suot pa ang lahat ng aking damit at heels. I was so drunk last night. My head is spinning and it hurts so bad!
Nagising ako sa sunod-sunod na mga tawag at mensahe. My phone is being bombarded with messages na sinasabing huwag akong panghinaan ng loob, and that they felt sorry sa nangyari sa kasal ko. Para akong namatayan kung makapagpadala sila ng mga mensahe. Nanakit lalo ang aking ulo.
I didn’t even realize yet kung gaano kalaking kahihiyan ang aking tinamo, until my family called again. Si Daddy iyon.
“Have you seen the news, hija?” Ang unang bungad sa tawag hindi pa man ako nakakapagsalita. Kumalabog naman ang aking dibdib at medyo nagising ang aking diwa.
“What news, Dad?” I asked, still not fully awake.
“God, Triana! Pinagpipyestahan ka na sa social media! Iba-iba ang kumakalat na rason kung bakit ka iniwan sa mismong kasal n’yo. You’re being the latest hot topic!” Boses ni Tita Finella.
Oh, damn. W-What?
“Don’t check on social media. Ipinapa-take down na namin ang mga articles na kumakalat tungkol sa iyo, anak.”
“Calm down, Tri, okay? Everything will be alright,” sabi naman ni Mommy.
Nailalayo ko na ang phone ko, naguguluhan na sa nangyayari.
“Oh, come on. Dapat i-check mo ito, Triana! At sagutin natin ang mga ito. Magpapa-press con ako. Sumunod ka na rin dito sa Pilipinas.” Si Tita Finella na sumingit sa usapan.
“Ano ka ba, Mama? Lalong pagpipyestahan si Triana.” Si Cleo.
Noong natapos ang tawag na iyon, kunot na kunot ang aking noo at panay ang hilot sa aking sentido. Kahit ganoon ay sinikap ko na magbukas ng social media.
Bumungad sa akin ang isang article. Our family is known in the field of business. Ang tito ko na si Iverson Altarejos ay nagmamay-ari ng namamayagpag na hotel chain. Ang pamilya naman namin ay inclined sa showbusiness. Tita Finella is a model, at sikat ding personalidad ang aking ama.
Tiningnan ko ang isa sa mga hotseat topics at trending sa Philippine Showbiz at ganoon na lamang ang pagkakatigil ko sa screen ng aking cellphone.
Daughter of renowned business tycoon Elonzo Altarejos, Triana Marie Altarejos, got ditched on her very own wedding day with actor businessman, Rhys Ignacio!
Marami pang ibang article roon, pagalingan ang mga mamamalita ng nakakaakit na headline. Mayroon pang nagsasabi na dahil nabuntis ako ng ibang lalaki! Mayroon ding nagsasabi na magaspang daw ang pag-uugali ko, at ang pinakamatindi ay dahil lalakero daw ako!
“Oh, sh*t!” I cursed, nanlalaki ang aking mga mata habang nakikita ang kumakalat na pictures ko sa isang bar habang may lalaking tila nakikipagsayaw sa aking likuran. Nakahawak ito sa aking bewang at mukha talaga kaming magkadikit na magkadikit!
In fairness, he’s a hot guy! Hindi ko alam na ganito pala ang itsura noong nakipagsayaw sa akin?
Medyo nakatalikod ito mula sa anggulo ng camera kaya ‘di kita ang mukha. Nakasuot din ng itim na cap. Pero ang mukha ko ay malinaw na malinaw sa kuha! Spies and f*cking paparazzi!
Nasa ibang bansa na ako pero pinagpipyestahan pa rin ako!
Hindi ko makilala kung sino ang lalaki na iyon. Ni hindi nga kami nito nag-usap. Parang napadaan lang ito pero ngayon, magiging rason pa ng pagbagsak ng buong career ko at maging pamilya namin. He should be glad that his face wasn’t caught on cam!
Hindi ko alam kung dahil ba sa bugbog ako ng problema kaya hindi ako makaiyak. Na kahit noong nasa airport na ako ng Maynila ay dire-diretso pa ang lakad ko at taas-noo. Naka-disguised ako at nakasuot ng shades. Hila-hila ko ang aking maleta.
Si Tita Finella ang sumundo sa akin. Siya rin ang nagpatuloy sa akin sa kaniyang condo sa Makati.
“Magpapa-press con ako. Make up a story para maayos natin ito.” Iyon ang kaniyang suhestiyon.
“Tita, wala akong maipapakilalang boyfriend kung iyon ang ibig mong ipakahulugan...”
“That’s why you need to have someone who can pretend! Pansamantala lang naman ito, Tri, hanggang sa kumalma ang usapan tungkol sa iyo at sa pamilya natin!” Tila mas determinado sa akin si Tita Finella at para bang nabuo niya na ang plano bago pa ako magdesisyon na sumunod na rin sa kanila rito sa Pilipinas.
“Well, Tita,” sambit ko at bumuntonghininga habang ang hawak ang wine.
“What is it?” tanong niya.
“I need to find Rhys...” ang sabi ko. Umirap naman si Tita Finella. Ang kaniyang mukha ay natatabunan ng sheet mask na kaniyang skincare habang prenteng nakaupo sa kaniyang mamahaling massage chair.
“Oh, Triana, dear, stop me with that kind of stupidity. That boy is good for nothing.”
“What I mean... kailangan kong mahanap si Rhys para pagbayarin. At iyong babae niya,” seryosong sabi ko sa plano ko naman. “I will find that woman.”
Napaisip na si Tita Finella at sa huli, napangisi rin siya. Inalis niya ang kaniyang sheet mask.
“Oh. I like that idea...” naeengganyong sambit ni Tita. “Don’t worry, dear, ako ang hahanap kung sino ang babaeng kumaladkad sa kaladkarin mong ex-boyfriend. We will make them pay, darling.”
Ako ngayon ang medyo tinubuan ng takot. Ngumiti lamang ako sa malditang reaksyon ni Tita.
Iyon nga ang nangyari. Tita Finella found the woman at dahil sa mga koneksyon na mayroon siya, nahanap din namin agad kung sino nga ba ang babae ng matino kong ex.
“That’s the name and everything you need to know about her,” sabi ni Tita Finella.
I scrolled at the file, at nakita ko agad ang pangalan ng babae. Ngunit sa halip na mapangisi ako’y dahan-dahan akong napakurap dahil sa pangalan. Familiar name, huh... Helena.
“What’s the problem, dear?” tanong ni Tita Finella. I just smiled and shook my head, may naalala.
“Nothing, Tita. Ako na ang bahala rito. In no time, mahahanap ko rin ang dalawang ‘to,” sabi ko. I have nothing in mind but revenge... pinahiya nila akong dalawa kaya bakit hahayaan ko na maging masaya sila. If I’ll be miserable, I’ll make sure they’re miserable, too!
Ngunit sa paghahanap ko sa babae na iyon, hindi ko akalain na mauugnay ako sa isang pangalang matagal ko nang binaon sa limot. Pangalang kahit ang marinig lamang ay nakakapagpatahimik sa akin.
“Miss Triana, ito na po ang hinihingi n’yo,” sabi ng isang napag-utusan. Nandito na ako sa hotel ng mga Altarejos sa Maynila at kasalukuyang naka-check in.
Nasa pool ako noong in-examine ko ang dumating na impormasyon. At muli na namang nawalan ng kulay ang aking mukha nang tila may makumpirmang noong nakaraan ko pa iniisip. Dahil sa pangalang Helena, isang posibilidad ang lumutang sa aking isipan.
At ngayon... lalo kong natiyak.
“Si Helena Paris ay anak ng isang may-ari ng minahan sa probinsya ng El Amadeo. At siya rin ang sana’y magiging fiancee ng isa sa mga magpipinsang De Alba, iyong pangalawa.”
Habang naririnig ko ang impormasyon na iyon, hindi ko namamalayan ang lumalakas na dagundong sa aking dibdib, at ganoon na rin ang tila panghihina ng aking kalamnan.
“P-Pangalawa?”
“Si Silvien Leander De Alba.”
Namutla ako. Pinanlamigan! Is this really happening?
Malamig kong tiningnan ang balita na nagsasaad na nakatakda na palang ma-engage ang dalawa.
“H-He’s getting married?” napapaos kong tanong.
Ngumiwi ang tauhan. “Hindi na ngayon, Miss Triana. Dahil iniwan din siya ng babae.”
Napalunok akong muli. “Where is he right now?”
“Nasa Batangas po, Miss Triana. Mayroon siyang race ngayong weekend.”
Hindi ko alam kung saan nanggaling ang aking lakas ngunit sa may panggigil kong tinig, nag-utos ako.
“Ihanda ninyo ang chopper. Kailangan natin siyang maabutan. We will be in Batangas early in the morning,” deklara ko at titig sa pangalang sinubukan ko nang kalimutan at binaon sa nakaraan... gaya ng kung paano niya rin binitawan ang mga sinumpaan naming pangako noon.
“Masusunod, Miss Triana.”