Relentlessly (La Esperanza Series #1) Free - TagalogUpdated at Dec 3, 2025, 02:54
Relentlessly I:
Nang malaman ni Isla Laurena na itinakda siya ng mga magulang na ikasal sa isang lalaking hindi niya kilala para sa negosyo ay naisipan niyang tumakas at magpakalayo-layo. Until she reached the small town of La Esperanza. Sa gabing maulan ay muntik na niyang harapin ang kamatayan sa kamay ng mga hindi nakikilalang lalaki. Desperate to save her life, hinarang niya ang isang sasakyan sa gitna ng madilim na kalsada at rumaragasang ulan, making her cross paths with Seatiel Del Fuego, the man who saved and cared for her, and the exact same man whom she was meant to marry. Ang lalaking tinakbuhan niya sa nakatakda nilang kasal ay siya ring lalaking kumopkop sa kaniya nang mapadpad siya sa La Esperanza.
Fate sent her to Seatiel like a wave crashing against the shore and no matter how hard she tried to unravel, Isla was still caught in his burning love that ignited her, fiercely and relentlessly.
Relentlessly II:
Marami man ang pilit naghiwalay, nagawang mag-isang dibdib nina Seatiel at Isla. Masalimuot man ang kanilang pinagdaanan nang paglayuin sila ng mga bagay na bahagi ng mapait na nakaraan, matibay ang kanilang pananalig sa kanilang pag-iibigan. They withstood distance, longing, and a battlefield of heartache... and thought it is now road to forever.
So, when Seatiel left, Isla is beyond wounded. Hindi man malinaw ang rason ng asawa, nagawa niyang maghintay at nanalig sa pagbabalik nito. Kaya nang umugong ang balita tungkol sa paglalayag ng cargo vessel ng mga Del Fuego sa gitna ng karagatan, wala siyang nais paniwalaan. Her faith remained unshaken.
Pinanghawakan ni Isla ang mga pangakong kanilang sinumpaan. Sa bawat paglipas ng panahon ay nanatili siyang naghihintay sa pagbabalik ni Seatiel. Standing by the shore and waiting for a lover to come back, she refused to grieve, forget, and bury their love. She’d like to think he’s just sailing somewhere across the sea, at na isang araw ay muli itong magbabalik.
Ngunit hanggang kailan siya mananatiling naghihintay sa muli nilang pagtatagpo? Hanggang kailan niya kayang panghawakan ang mga pangakong tinangay na ng mga alon at inihip ng hangin?
And if the heavens bring them together one more time, can they truly revive the love that got lost somewhere in forever?
Written by: Tila Reav