Pinikit ko ang mga mata ko sa pagod. Ngunit naalala ko lamang ang mga salita ni Silvien at ang pag-ikot ng matigas niyang braso sa aking tiyan. Admittedly, I know I’m at fault. Tuwing naiisip ko ang mga sinabi ko, gusto ko na lang ilubog ang sarili ko sa lupa. Pagtapos naming mag-usap ni Silvien, halos tumakbo na ako pauwi. Sinundan niya pa rin ako ngunit hindi ko na siya pinansin. I marched my way to our house to attempt saving my pride. Noong narating ko ang mababang harang patungo sa aming main door na gawa sa kahoy, mabilis ko iyong binuksan at tumakbo na papasok. I didn’t look back. As soon as I entered my room, tears ran down my cheeks. Buong gabi kong iniyakan ang nangyari. Gusto ko na lang na lalong mairita sa kaniya. Pagtapos ko siyang insultuhin ay sinamahan niya pa rin

