Katulad nga ng inasahan ko ay mabilis talagang kumalat ang usapan na crush ko si Silvien kaya ko nagawa na pagbintangan siya. Dahil doon, mas tumindi ang tingin ng mga estudyante sa akin. I didn’t bother at all. Lalo pa dahil ang mga babae ay tila bumalik na rin ang sigla sa pagtingala kay Silvien. Wala na ang dinulot kong usapin sa kaniya. Sa tuwing dumaraan siya, halos may nababalian na naman ng leeg kakamasid. He’d always walk around looking so clean and decent! Ang huli kong narinig na usapan ay noong sinabi nilang assumera daw kasi ako. Spoiled brat at liberated. They labeled me as a playgirl! “Ano, Triana? Hindi ka mag-e-explain?” may pagkairitang tanong ni Cleo isang beses noong kinompronta niya ako tungkol doon. Sa sobra ngang dami niyon, hindi ko na rin alam ang iba! N

