“Kawawa naman si Ava. Pinaiyak na naman,” naiiling na sabi ng mga estudyanteng nadaanan ko. Uwian na pero nakakarinig pa rin ako ng mga usapan tungkol sa nangyari sa canteen. “Ang sungit talaga ni Silvien. Si Caleb yata ang ‘di masungit sa kanila. Kasi ‘yong panganay sa magpipinsan, tahimik lang din daw iyon! Naging schoolmate dati ng ate ko.” I was walking in front of two students. At para marinig ang pinag-uusapan ng mga ito, medyo binagalan ko ang aking lakad. Hanggang sa nilagpasan na nila ako, iyon ang kanilang usapan. Sinundan ko ang mga ito ng tingin. And it got me thinking. Silvien Leander, huh? Ganoon ba talaga karami ang pinaiyak nito para maging ganito? I’m never really wrong. Walang taste ang mga babae sa lugar na ito! Iniiyakan ang lalaking ganoon. Can he even take h

