Hindi maka-move on si Tita Finella at galit pa rin kay Rhys. Akala ko nga ay sa akin siya galit, and that she’ll call me stupid for it. Pero wala akong narinig ni isang panlalait mula kay Tita Finella. Ni hindi niya pinagnuknukan sa aking pagmumukha that she warned me already and I didn’t listen! “Are you mad at me, Tita Finella?” pagtatanong ko noong sinundo niya ako mula sa airport. Sumunod ako sa Pilipinas para na rin sa bakasyong ito. Saglit lang dito sina Mommy at Daddy. Babalik din sila agad sa New York. Ni hindi ko nga alam kung paano nila napasama si Cleo. Pero hinayaan ko na dahil kailangan din nila ng bakasyon. Ngumuso ako. Ganoon ba talaga nakakahiya ang nangyari? Oh, Triana... malamang! Dahil kung hindi, hindi naman sana maaapektuhan ang trabaho. Everything will conti

