Chapter 5
Nakangiti ako sa first day ng prelims namin. Hindi ko alam kung bakit o dahil siguro sa dm sa akin kagabi ni Jonas. Syempre sino ba namang hindi gaganahan kung nag-good luck sa'yo si crush? Feeling ko pasado ako.
"Oh? Ngiting-ngiti ka ah?" Pagpuna sa akin ni mama. Kakatapos lang namin kumain, mabuti nalang at naliligo na si Papa kung hindi pati siya ay magtataka.
"In-start ko lang po na masaya ang araw ko para pasado ako sa exams." Ngiting sagot ko kay mama. Tumango-tango siya pagkatapos ay bahagyang umiling.
"Nako. Baka in-love ka lang at hindi mo pa sinasabi sa amin ah!" May halong pagtatampo ang boses niya.
"Ma! Bawal bang maging masaya?" Pinakitaan ko pa siya ng mawalak na ngiti kaya bahagya siyang natawa.
"Iba yung kislap ng mga mata mo. Basta enjoy-in mo lang. Kapag nasaktan ka, iyak ka sakin. Handa akong makinig sa'yo." Lalong lumawak ang ngiti ko sa sinabi ni mama kaya niyakap ko siya bago magpaalam.
Nag-abang na ako ng jeep papunta sa town. Maaga talaga akong pumapasok para hindi ako datnan ng traffic sa may bokawkan hanggang town.
Pagkababa ko sa market ay naglakad nalang ako papuntang UB, malapit nalang din naman. Sayang ang nine pesos kung mamasahe pa ako. Ang nakakapagod lang, paakyat kasi kaya instant hiking ang ganap. Pero ayos lang din dahil para na akong nakapag exercise.
Pagdating ko sa classroom, bumungad sa akin si Gail na naglalagay ng lip tint. Ngumiti siya sa akin tiyaka bumati ng good morning. Tumabi na ako sakaniya, himala at wala pa si Iverson.
Nakaugalian na naming hindi magbasa hour before the exam para marelax ang utak namin. Pero syempre kaninang madaling araw ay nakapagbasa na kami.
Nagkukuwento si Gail sa akin pero kakaiba ngayon. Nagkukuwentuhan kami tungkol sa nireview namin para kahit papano ay marefresh ang utak namin. Minsan may nakakalimutan ako na naalala ko kapag nagkukuwentuhan na kami.
Dumating si Iverson sa room tiyaka umupo sa tabi ko. Bali nasa gitna nila akong dalawa ni Gail.
"Nalate ka ah?" Puna ko sakaniya. Lagi kasing maaga sa amin si Iverson lalo na kapag exam day.
"Hinatid ko pa kasi si Averianne sa SLU lab elem. Nalate ng gising," kibit-balikat na sagot ni Iverson. Averianne, his younger sister. Grade 2 palang iyon pero kasama na sa honor roll ng SLU siya pa nga ang top sa klase nila, mana sa kuya.
Nag-start na ang exam namin. Tahimik lang kaming sumasagot-sagot hindi kagaya ng nasa likod ko na pasipa-sipa pa sa sahig dahil siguro nakalimutan ang ang sagot.
Hindi rin kami nagkokopyahan nina Gail, hindi kasi biro ang course namin. Hindi ko nga alam kung bakit may cheating pa sa mga nasa premed or med school, buhay ang hawak namin sa mga susunod na araw at hindi biro iyon. So, why cheat?
Naunang natapos sa amin si Iverson syempre, kaya nagpasa na siya ng papel niya. Kinuha na niya ang bag niya para lumabas. Hindi kasi pwedeng mag stay sa loob kapag nakapagpasa ka na. Panigurado hinihintay na niya kami sa labas. May exam pa kami mamaya after one hour.
Halos sabay kaming natapos ni Gail. Nauna nga lang siyang nagpasa sa akin. Tinapik niya ang balikat ko tiyaka sumunod kay Iverson. Nag double check pa kasi ako, baka may nakaligtaan akong number o kaya may mali akong nasagutan. Nang matapos kong i-check ay pinasa ko na rin. Kinuha ko na ang bag ko tiyaka lumabas.
"That was not easy huh." Agad na rant ni Gail sa amin. Bumaba kami para pumunta sa seven eleven. May seven eleven kasi sa UB.
Kumuha ako ng chuckie tiyaka sandwich. Sabi kasi nila chocolate is good for memory daw. Umupo kami sa isang upuan habang kumakain. Ayaw din naming pag-usapan ang mga tanong sa exam kanina dahil baka mastress lang kami kapag hindi kami pare-pareho ng sagot. Maapektuhan pa ang mga exam na hindi pa namin natetake.
"Sabay-sabay tayong magtake ng NMAT ah?" Wika ni Gail sa amin. Kailangan kasing maipasa ang exam na iyon bago makapasok sa med school.
NMAT is National Medical Admission Test.
"Did you both decide if where will you study med?" Tanong ni Iverson sa amin. Napanguso ako dahil hindi pa rin talaga ako sure.
"I'm not sure pa. Pinag-iisipan ko pa kung mag stay ako sa UB or sa SLU na," I honestly said. Si Iverson mukhang desidido na sa SLU siya. Kapag nagstay ako sa UB baka magtake nalang ako ng dentistry.
"Either, I'll stay here or UST," sagot pa rin ni Gail "I didn't decide pa. Hindi pa natin alam kung anong mangyayari sa susunod na bukas." She added.
Next year na iyon, kailangan ko na nga sigurong pag-isipan. Siguro kakausapin ko muna sina tito kung saan nila gusto. Baka nagbago na ang isip nila sa SLU.
"Nag enroll tayo four years ago na walang jowa, ga-graduate tayong tatlo na walang jowa." Umiiling at natatawang wika sa amin ni Gail.
"That's a distractions, mas okay na yung happy crush lang." wika ko. Tumango sa akin si Gail.
"Oo nga! May crush nga ako sa SLU. Nakita ko yung ID niya background is red, tiga SEA!" Excited na wika pa ni Gail. Napailing nalang ako sa sinabi niya. "Ikaw ba? Imposible naman na wala kang crush?" Tanong niya sa akin.
"Ano ba iyan, para tayong high shool" natatawang wika ko sakaniya "Meron din. SLU. SOM" namilog ang mata ni Gail sa sinabi ko.
"Hala maharot!" Wika niya pa sa akin. Natawa nalang ako sa sinabi niya. "Kabatch nina kuya?" Tanong ni Gail. Tumango nalang ako, tumili siya dahil don na agad naman kaming sinuway ni Iverson.
"Sshh. Para kayong high school." Umiiling na wika ni Iverson habang tumingin sa paligid na mukhang nahihiya.
"Ikaw ba Iverson? May crush ka ba?" Tanong sakaniya ni Gail. Hindi naman umimik si Iverson "Bilis na. Sabihin mo lang naman kung saang school at anong course! Hindi naman kami nagtanong ng follow up ah?" Banat agad ni Gail sakaniya.
"UB. Nursing," walang emosyon na wika ni Iverson. Agad namilog ang mata ni Gail at pinigilang tumili.
"Hala! Kablock natin? Or sa ibang block? O lower year?" Sunod-sunod na tanong ni Gail. Mukhang excited, ako rin naman dahil kaming dalawa lang lagi ni Gail ang kasama niya.
"You said no follow up question?" Pambabara ni Iverson sakaniya.
"Ang sungit." singit ko sakanilang dalawa.
"Kaya nga. Akala ko pa naman mapapalitan ko na ang GC name natin," nakangusong wika ni Gail. "Tirador ng Louisian." natatawang dagdag pa ng gaga.
"Alam ko player 'yon sa basketball. Hiram tayo ng ID kina kuya para makapasok tayo sa intrams nila!" Excited si Gail sa intrams ng SLU e pagkakalam ko sa October palang iyon. Pero sabagay malapit narin.
"Pwede naman kahit wala tayong ID," sabi ko sakaniya. Kumunot ang noo niya sa sinabi ko "Daan tayo sa hospital." Kumindat pa ako sakaniya. Agad niya akong hinampas sa kilig.
"Ang witty mo talaga!" Masayang dagdag niya sa akin "Pero out topic after prelims, sasama ba kayo sa block?" Tanong niya.
"Inuman?" I ask. Tumango siya sa akin "Tingnan ko." Sagot ko sakaniya.
"Ih! Sumama ka na. Last time nga hindi ka na sumama e. Tiyaka ayos lang naman kina tita ah?" Nagtatampong sabi niya pa sa akin. Napabuntong hininga ako tiyaka tumango "Yey! E ikaw ba Iverson?"
"I'm in," wika ni Iverson pagkatapos ay uminom na vitamilk niya.
"Hala! Feeling ko ka-block natin yung crush mo. Lagi kang sumasama sa inuman!" Wika ni Gail sakaniya.
"Sumasama ako kasi sumasama kayo." cold na sabi ni Iverson.
"Omg! Ako ba yung crush mo?" Namimilog na matang tanong pa ni Gail. Napabuntong hininga si Iverson tiyaka tumingin kay Gail sa mata.
"No." deretsong sagot ni Iverson. Napahinga naman ng maluwag si Gail.
"Mabuti nalang kung ganon, ayaw kong pumatol sa kaibigan!" OA na wika pa ni Gail akala mo ay nililigawan siya ni Iverson.
"Alam mo siguro, umakyat na tayo dahil malapit na ang next exam natin." anyaya ko sakanila.
Pagkatapos ng exam ay dumeretso kami sa coffee shop sa session para mag-aral. Hahatid kami ni Iverson kaya hindi problema kung wala akong masakyan na jeep. Nilakad lang namin papuntang session baka mahirapan pang maghanap ng parking si Iverson, kaya iniwan namin iyong kotse niyang nakapark sa UB.
Nang makarating kami sa coffee shop, agad na nag-order si Iverson ng makakain namin. Naghanda na rin kami ni Gail ng mga hand outs. Dala rin namin ang laptop namin for pdf na irereview namin.
Habang wala pa si Iverson, nagcellphone kaming pareho ni Gail. Kasi parang strict na prof na allergy sa cellphone t'wing may study session kami si Iver.
Syempre agad kong sinearch ang username ni Jonas sa twitter. Mas active siya sa twitter keysa sa f*******: at hindi nga kasi kami friend sa f*******:!!
@jonastan: she's here again
10hrs ago
Kumunot ang noo ko. Sino ba yung she at her na laging sinasabi niya sa mga tweet niya? Tiyaka nasaan siya kanina? Again? Nandun ulit yung babae? Sa hospital? Pero prelims nila ngayon.
"Huy bakit nakakunot ang noo mo?" Tanong ni Gail sa akin. Umiling ako para hindi siya magtanong.
"Si kuya nampipikon nanaman," sagot ko. Sana masamid si kuya. Charot.
Did he already like someone?