Chapter 4

1712 Words
Chapter 4 Nabulunan ako sa iniinom kong kape dahil sa sinabi niya. Nakitaan ko naman siya ng pag-aalala sa mata pero sumenyas ako na ayos lang ako. "Are you okay?" Tanong niya pa. Ang caring naman pala ng crush ko hindi ako nagkamali! "Yes. Sorry," naiilang na sagot ko sakaniya. "And yes of course we can be friends," ngiti ko sakaniya. Ngumiti siya sa akin. Marami pa kaming napag-usapan hanggang sa nagdecide na kaming umuwi. Kagaya ng sinabi niya, hinatid niya ako sa amin. Bahagya pa akong namangha sa sasakyan niyang black na range rover. Yayamanin. Related sa medicine ang pinag-usapan namin nung nasa sasakyan kami. Hanggang sa makarating na rin kami sa amin kahit na ang traffic dahil rush hour. Kumaway ako sakaniya hanggang sa umalis na siya. Papasok na ako sa bahay ng nakita ko si mama na nasa tapat ng pintuan. Nakatingin sa kotseng naghatid sa akin. "Bagong kotse ni Nathan, Sheen?" Tanong niya. Binaba ko naman ang bag ko sa sofa tiyaka muna naupo. "Hindi ma," kumunot ang noo ni mama tiyaka umupo sa single sofa para matingnan niya ako. "Sino pala iyon?" Nagtatakang tanong niya. Binaba rin kasi kanina ni Jonas ang bintana para magpaalam baka nasulyapan ni mama. "Si Jonas ma, yung kaibigan ni kuya." Sagot ko sakaniya. Napataas ang isang kilay niya dahil sa sinabi ko. "Anong apilido?" Napabuntong hininga ako bago sumagot. "Tan. Sakaniya po yung coat. Hinatid niya lang ako sa bahay." Pagpapaliwanag ko pa kay mama. "Hmm. Basta matanda ka na, alam mo na ginagawa mo. Bukas ang uwi ng Papa mo," sabi ni mama tiyaka tumayo para dumeretso sa kusina. Kasama kasi si Papa sa business trip nung boss niya. Nasa baba sila ngayon at bukas pa lang sila aakyat dito sa Baguio. Kinabukasan, linggo. Nasa bahay lang ako nagbabasa ng mga notes. Minsan ay nanonood ng medical operation. Malapit na kasi yung prelims kaya kailangan kong magbasa para may alam ang utak ko. Para hindi rin ako magcram sa prelims. Mabilis lumipas ang mga araw, hindi narin nagpapahatid ng pagkain si kuya dahil alam niyang prelims namin. Prelims din nila kaya minsan siguro ay nakakalimutan na niya. Todo aral ang ginawa namin nina Gail at Iverson, kailangan dahil graduating na kami at para hindi kami malaglag sa dean lister. "Ahhh ayoko na!" Wika ni Gail sa kalagitnaan ng pagrereview namin. Nandito kami ngayon sa SB sa may SM. "Magpahinga ka lang," sagot ni Iverson sakaniya habang busy siya sa binabasa niya. Tatlong kape ang nandito sa lamesa namin pagkatapos ay puro mga hand outs nalang ang nakakalat. May tig-iisa rin kaming laptop. May mga requirements pa kasing kailangan ipasa. "Ayoko na talaga!" Naiiyak na wika ni Gail. Ilang araw na rin kaming nagrereview. Lunes ngayon at bukas na ang simula ng prelims. Gusto ko rin mag break down kagaya ni Gail pero mukhang hindi ito ang tamang oras para roon. Bukas na ang prelims. Bawal mag break down. Bukas na ang prelims. Bawal. "Prelims na bukas," walang emosyong wika ni Iverson. "Eh anong magagawa ko pagod na pagod na ako!" Ngayon ay naluha na ang mga chinitang mata ni Gail. "Tama si Iverson, pahinga ka muna. Bukas na ang prelims, bawal mag break down. Libangin mo muna sarili mo. You can surf on social media or watch netflix," suggestion ko sakaniya. Mabilis niyang pinunasan ang mga luha niya tiyaka kinuha ang cellphone niya. Number one rule kasi namin kapag nagrereview; bawal ang cellphone. Cellphone distracted us pero ibang usapan ang ngayon, mukhang magbebreak down ng tuluyan si Gail kapag hindi niya nilibang ang sarili niya. Minsan kahit buong araw kang nag-aaral, kailangan pa rin ipagpahinga ang utak mo kung hindi mauuwi lahat sa break down ang pinaghirapan mo. "Uy! Daisheen!" napalingon ako sa pinanggalingan ng bose ni kuya Nathan. "Nandito rin pala kayo," dagdag na wika niya tiyaka umupo sa katabing table namin. Nakuha rin ng lalaki na nakasunod sakaniya ang atensiyon ko na umupo sa katabing tapat ng upuan ko. Simula ata nung hinatid niya ako sa bahay hindi na kami nagkausap, siguro ay pareho lang kaming busy sa course namin. "Hindi wala kami," nakuha ko pang barahin si kuya Nathan. Tumingin pa ako sa paligid para tingnan kung kasama niya yung jowa niya. "Wala jowa mo?" Nagtatakang tanong ko. "Wala. Bakakeng pa campus nila. May pasok," sagot naman niya sa akin. Oo nga pala, accountancy student pala jowa niya. Fifth year accountancy student, yung SAMCIS kasi ay sa Bakakeng pa. In-open na nila yung laptop nila para rin siguro mag-aral. Kaya maganda rin mag-aral sa coffee shop kasi hindi gaanong maingay. Makakapag-aral ka ng mabuti. Nag-unat ako ng kamay ko at napagdesiyunan na magpahinga muna. Halos apat na oras na rin kaming nandito. Pagkatapos ng duty namin ay dumeretso na kami. Kinuha ko ang cellphone ko tiyaka nagscroll sa netflix. Nakishare account lang ako kay kuya, wala naman akong pambayad no! In-open ko ang profile ni kuya para tingnan ang mga pinapanood niya. Baka may maganda at magustuhan ko, papanoorin ko na rin. Nakita ko naman ang Prison Break sa continue watching niya. Nakikita ko rin madalas ito sa twitter tiyaka sa mga netflix series recommendation thread. "Kuya? Maganda ba itong Prison Break?" He groan. Mukhang nainis sa tanong ko. "Depende. Sakin maganda. Depende sa iyo. Huwag mo muna akong istorbohin, kakasimula palang namin oh!" Reklamo niya sa akin. Umirap nalang ako sa sinabi niya pagkatapos ay pumunta ako sa profile ko para i-add sa list ko yung Prison Break. After ten minutes ay bumalik na rin ako sa pagrereview, medyo na-pressure ako dahil nagrereview ang mga nakapaligid sa akin. Bumalik na pala sa pagbabasa si Gail. Tapos ang tahimik pa. Napatingin ako sa orasan. Nine o'clock na. Isang oras na lang magsasara na ang mall. Kailangan na rin naming umuwi pero kailangan din naming mag-aral. "Ahh!!" Malakas na wika ni Gail kaya nakuha niya ang atensiyon naming lahat, including kuya and Jonas. "Sorry. Nakakastress lang talaga ang medical surgery!" nakangusong wika nito. "Same. Same" tumatangong wika ko dahil wala rin akong maintindihan sa nakasulat. "Saang part ba kayo nahihirapan?" Nagulat ako nang magsalita si Jonas sa katabing tapat ko. "Ayan! Highest always namin iyan kahit anong subject!" Pagmamalaki pa ni kuya sa kaibigan niya. Sinabi namin ni Gail kung saan kami nahihirapan, pinaliwanag naman niya ito. Nakinig din si Iverson, dahil kahit na siya yung matalino sa amin mas maganda pa ring marinig ang turo mula sa mga higher year. Kaagad din naming nakuha ni Gail ang tinuturo niya hanggang sa lumapit sa amin ang isang crew para inform kami na magsasara na. "Hatid na kita, Daisheen!" Wika ni kuya habang nag-aayos kami ng gamit. Tumango ako tiyaka tiningnan si Iverson. "Sabay na ako kay kuya," tumango siya sa sinabi ko habang nag-aayos din ng gamit. Ang dami kasi naming mga papel na hand outs. Sabay-sabay kaming bumaba sa parking area. Nagpaalam na sina Iverson at Gail dahil nauna naming nadaanan ang sasakyan ni Iverson. "Ingat kayo!" Sabi ko sakanila habang kumakaway. Binaba naman ni Gail ang bintana para makapagpaalam. "Ingat din kayo and good luck sa ating lahat!" Bibong wika niya bumisina si Iverson ng dalawang beses bago umalis. "Sasabay pala tayo kay Jonas," tiyaka ngumisi sa akin si Kuya. Kumunot ang noo ko sa sinabi niya "Hindi ko dala ang sasakyan ko e," natatawang wika niya. "Wow ah. Kung makapag-aya ka kanina akala ko sa sasakyan mo!" Kapal talaga ng mukha ni kuya. Ewan ko ba kung bakit magpinsan kami. Pinatunog na ni Jonas ang sasakyan niya tiyaka kami pumasok ni kuya. Sa back seat na ako umupo habang si kuya naman ang nasa front seat. Kinuha ko agad ang cellphone ko para mag browse sa social media, parang isang taon akong hindi nag socmed dahil sa review na ginawa namin nina Iverson. Kaagad akong bumisita si timeline ni Jonas sa twitter. Nagpalit pala siya ng icon, hindi ko man lang napansin. Seryoso lang siyang nakatingin sa camera tapos may pa sunkiss. Gwapo. Yung header niya ganon pa rin. Plain white na back ground tapos ang ganda nung font nakalagay na Dr. Jonas Lorenzo Tan, may design pa na stethoscope sa gitna. Sino kaya gumawa nito? Papagawa rin ako para couple header kami. Bahagya akong napangisi sa naisip ko. "Bakit ka ngumingisi riyan? May jowa ka na ba?" Epal na tanong ni kuya. Sinamaan ko siya ng tingin dahil nakatingin pa talaga siya sa akin. Bahagya kong napansin ang pagtingin din sa akin ni Jonas mula sa rear mirror. "Kailangan ba may jowa bago ngumisi?" Pambabara ko sakaniya tiyaka binalik nalang ang tingin ko sa timeline ni Jonas. Ilang araw ko siyang hindi na stalk pero may limang tweet lang siya. @jonastan: tiring as usual 4 days ago @jonastan: I saw her. 3 days ago @jonastan: cute 2 days ago @jonastan: she's here 1 day ago @jonastan: prelims is approaching 18h ago Wait. Sino yung her, cute at she na tinutweet niya? Hindi naman kami nagkita this pass few days ah? Or nakita niya ako pero hindi ko lang siya pinansin? Gusto kong sampalin ang sarili ko dahil masyado akong nahahawa sa pagiging assumero ni kuya Nathan. Hindi ata tama na lagi ko siyang kasama, nagiging assuming na rin ako. Wala naman kaming naging usapan sa kotse dahil siguro pagod na kami. Pero minsan nagtatanong si Kuya kay Jonas tungkol sa mga subjects nila. Una nila akong hinatid kaya nagpaalam na ako. Binaba ni kuya ang salamin ng sasakyan para makapagpaalam siya. "Ingat ka!" Pang-aasar niya sa akin kahit na nasa likod ko lang ang pintuan ng bahay namin. "Duh. Nandito na kaya ako. Kayo yung mag-ingat!" Masungit na wika ko sakaniya. "Kahit na. Baka madapa ka pa riyan!" Nag make face lang ako sa pang-aasar niya tiyaka kumaway na sakanila. Mabuti nalang at hindi nakaabang sa pintuan si mama. Hindi niya nakita yung kotse na naghatid sa akin, kahit na kasama si kuya baka hindi siya maniwala. Pagkapasok ko sa kwarto ay kaagad akong naligo para makapagbihis. Nag blower din ako, habang nagboblower ako ay nagbabasa ako ng libro na nasa book stand. Bawal magsayang ng oras. Bago ako matulog ay nag alarm muna ako ng cellphone hanggang sa nagpop up sa akin ang dm ni Jonas sa twitter. @jonastan: good night, good luck.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD