Chapter One
MAX'S POV
First day of school and here I am walking through the corridors. Actually excited ako na kinakabahan. Ang dami naman kasi ang nagsasabing mahirap ang buhay sa kolehiyo.
"Hey Max!"
Napahinto ako sa paglalakad nang may tumawag sa'kin. Kaya nilingon ko ito.
"Dexter!" Masiglang sabi ko sabay takbo kay Dex. Nang makalapit ako sa kanya, niyakap ko siya.
"So, sabay na tayo?" Naka ngiting tanong niya.
Tumango nalang ako at nagsimula na kaming maglakad. Habang naglalakad kami, ang daming nakatingin sa amin. Ay hindi. Kay Dexter pala.
"Hayy heartthrob material nga naman," Umiiling na sabi ko.
Inakbayan naman ako ni Dexter. "Hayy naku di ka na nasanay. Talaga namang pinagkaka guluhan tong mukha ko." Confident na sabi niya.
"Okay ang hangin na dito," Sarkastikong sabi ko sabay irap. "Tara na nga."
At ayun nga nakarating kami sa room. At as usual, magkatabi kami ni Dex.
"I wonder kung sino magiging classmates natin," Out of the blue na sabi ni Dex.
Napalingon naman ako sa kanya. "Oo nga noh. I hope they're kind." Pag sang ayon ko."
"Ano ka ba? Anong akala mo sa kanila? Nangangagat?" Natatawang sabi ni Dex. Natawa nalang din ako.
Maya maya ay nagsipasukan na ang mga magiging classmates namin kasunod nila ang isang professor.
"Okay class. Settle down," Sabi ng prof. namin. In fairness, ang ganda niya. Like me. Charot!
"Ganda," Rinig kong bulong ni Dex.
"I know right," Confident na sabi ko.
"Baliw hindi ikaw. Si ma'am," Sabi ni Dex.
Sinamaan ko siya ng tingin. " Ewan ko sa'yo. Sumbong kita kay tita eh," Mataray na sabi ko.
"Class, allow me to introduce myself, I'm Jessalyn Puertollano. And I am 27 years old. I will be your class adviser for this academic year," Pagpapakilala ng prof. namin. "So now, introduce yourselves."
Tumayo ako since nasa front seat kami. "Hello everyone! I'm Max Alexandrae Trinidad, 20 years old. You can call me Max."
Sumunod naman si Dex. "Hey guys! I'm Dexter Antoni Andales, 21 years old. You can call me anything you want. But for ma'am, you can call me baby."
Naghiyawan naman ang buong klase.
"Umupo ka na nga," Sabi ko. Pagka upo niya, binatukan ko siya. "Baliw ka ba? Gusto mong ma-issue?"
"Wag ka ngang bitter," Nang aasar na sabi ni Dex. Inirapan ko nalang siya.
"Hello po! Ako po si Elisa Jeyn Ocampo, 19 years old. Lisa nalang po!"
"Heyo! Rossleigh Azhel Anderson is the name, 20 years old. Bahala na kayo sa nickname. Charot!"
At nagpatuloy ang pagpapakilala hanggang sa nag break time.
"Tara sa cafeteria," Pag aaya ni Dex. Tumango nalang ako.
Pagkarating namin sa cafeteria, nakita namin ang classmates namin. Lumapit naman kami sa kanila.
"What's up guys!" Masiglang sabi ni Dex.
"Hello!" Nakangiting sabi nila.
"Sabay tayong kumain," Sabi ko. Sumang ayon naman silang lahat.
Habang kumakain kami, syempre hindi mawawala ang usapan.
"So guys, since magkakasama na tayo, barkada na tayo," Sabi ko.
"Oo nga. Masaya yun," Pag sang ayon ni Dex.
"Sure!" Sabay sabay na sabi nila.
"Ayy ano 'to choir? Kailangan sabay sabay?" Natatawang na sabi ko. Nagtawanan nalang kaming lahat.
"Bakit nga pala kayo masyadong close sa isa't isa?" Tanong ni Jazzmine sa amin ni Dexter.
"Ahh. Childhood best friends kami. Magkapit bahay lang kami at mag business partners ang parents namin," Sagot ni Dexter habang kumakain ng chips.
Nagsitanguan nalang sila.
"Anyways, malapit nang mag time. Tara na," Sabi ni Lisa.
"Lezzgo!" Hyper na sabi ni Marlon. He's Marlon Ace Buenaventura.
Umalis na kami ng cafeteria, at pumunta na sa room namin. Tahimik lang kami habang hinihintay ang professor namin.
"Uhh guys. Balita ko may exchange student daw tayo from Japan," Out of the blue na sabi ni Marlon.
"Talaga?" Tanong ni Lisa.
"Opo," Sagot naman ni Marlon.
"Well, he or she better be nice to us. Ayoko sa mga makukulit at maingay," Bored na sabi ko.
"Oy wag ka nga. Mas makulit at maingay ka pa nga eh," Sabat ni Dexter.
"Tss. Whatever," Mataray na sabi ko.
"Grabe. Nakakatakot pala pag nagtataray tong si Max," Komento ni Lisa.
"Hindi yan. Walang katakot-takot sa kanya," Sabi ni Dexter.
"Wag ka ngang maingay diyan," Naiiritang sabi ko.
"Pikon," Natatawang sabi ni Dexter.
"Panget," Sabi ko naman.
"Ang gwapo ko kaya. Ang daming nagkakagusto sa'kin," Confident na sabi ni Dexter.
I just rolled my eyes. Nakakawalang gana makipag sagutan eh.
"Grabe pala kayo magbangayan. Parang kanina okay pa kayong dalawa," Sabi ni Rossleigh.
"Ganyan talaga kami. Mamaya bati ulit kami," Sabi naman ni Dexter.
Nagsipasukan na ang iba naming kaklase. Umayos na kami ng upo.
"Sorry na. Libre nalang kita mamaya ng fries," Sabi sa'kin ni Dexter.
"Wow! Sana all may prays!" Rinig kong sabi ni Marlon.
"Oo nga eh. Sana all may prays," Natatawang sabi ni Dexter.
Sinamaan ko naman siya ng tingin. Nang-aasar na naman eh. Akmang magwa-walk out na ako nang pigilan ako ni Dexter.
"Oh, saan ka na naman pupunta?" Nagpipigil ng tawang tanong ni Dexter.
"Wala kang pakialam," Naiinis na sabi ko.
"Eto na man oh. Ang init ng ulo. Bibilhan talaga kita ng prays este fries," Sabi ni Dexter.
Lihim akong napangiti. He really knows how to set up my mood. Kahit minsan nakakapikon na masyado. Di ko pa din to matitiis.
"Sure ka?" Paninigurado ko.
"Oo naman. Mamaya after dismissal," Nakangiting sabi niya.
Eto talaga ang gusto ko pag nagbabangayan kami eh. Laging may libreng french fries.