Chapter Three

896 Words
MAX'S POV KINABUKASAN... Nandito ako ngayon sa classroom namin. Ang iingay ng mga kaklase ko kasi wala pa yung professor namin. Ako, heto hindi pa din mapakali. Hindi ko naman kasi ine-expect yung nangyari kagabi eh. "Oy," Nabigla ako sa pagkalabit sa'kin ni Dexter. Nasa tabi ko na pala siya hindi ko lang napansin. "May problema ba?" "Ah. Ahmm. Wa-wala," Nauutal na sagot ko. "Ngayon ka pa talaga magsisinungaling sa'kin na kilalang-kilala na kita," Hindi kumbinsidong sabi ni Dexter. "Ehhh basta. Wag mo nalang isipin yun. Sasabihin ko sa'yo sa susunod," Sabi ko. Hindi pa rin ako mapakali Tiningnan lang ako ni Dexter na tila bang nagsasabing "bahala ka". Hayy naku. Hindi ko naman kasi pwedeng sabihin sa kanya. Baka magkagulo pa. Alam ko ang ugali niya pag nabibigla. Siya ang pinaka OA sa lahat ng OA kaya mas mabuti nang wag ko munang sabihin sa kanya ngayon. "Okay class, may bagong classmate kayo ngayon," Sabi nung instructor namin. "Please come in." Pumasok ang isang lalakeng naka cap, at dahil wala ako sa mood ngayon, hindi ko na muna pinansin yung lalake at nag cellphone lang muna ako. "Ah. Good morning everyone! My name is Race Parcival, 19 years old. Call me Race nalang," Rinig kong pagpapakilala nung bago naming classmate. Pero teka. Race? Parang narinig ko na yun ah. Unti unti kong tiningnan yung lalake. Tinanggal na pala niya yung cap niya. At OMG!! Si koyang gwapo kahapon sa McDo. "Hey Race!" Masiglang bati ko sa kanya. "Oy Max!" Bati din niya sa'kin nang nakangiti. "Oh so magkakilala pala kayo ni Mr. Trinidad?" Tanong ng instructor namin kay Race. "Opo. Nagkakilala po kami sa McDo kahapon," Sagot naman ni Race. "Well then, you can sit beside Mr. Trinidad para hindi ka na mahirapang mag adjust," Sabi ng instructor namin. Umupo naman si Race sa tabi ko. Hayy. At least hindi na masyadong masama yung mood ko. Nagulat naman ako nang makaramdam ako ng kurot sa tagiliran ko. "Aray! Ano ba?!" Napasigaw ako sa sakit ng kurot ni Dexter. Opo. Si Dexter po ang nangurot. "Is there a problem Mr. Trinidad?" Tanong sa'kin ng instructor. "Ah wala po sir," Sagot ko naman. Nagpatuloy naman si sir sa pagdi-discuss. "Ano bang problema mo?" Naiinis na bulong ko kay Dexter. "Umayos ka nga diyan. Parang pinagpapantasyahan mo si Race eh," Sabi niya. "Baliw. Friendly lang ako. Ikaw talaga, napaka-malisyoso mo," Sabi ko naman. "Bahala ka," Naiiritang sabi niya. "Aba. Bahala ka din," Sabi ko. Aba idadamay pa ako sa pagiging badtrip niya ngayon. Lunch break na. At eto kami ngayon ni Race naglalakad papuntang cafeteria. Tinatanong niyo kung nasaan si Dexter? Ayun nauna sa cafeteria. Malay ko ba kung ano trip nun. Baka nireregla. Charot. "Ano gusto mong kainin?" Tanong ni Race sa akin. "Pork steak with Rice at tsaka Ice Tea na din," Nakangiting sagot ko. Tumango naman siya at umorder na. Ako naman naghanap ng mesa. "Hey Max!" Rinig kong may tumatawag sa'kin. Nilingon ko naman ito. Nakita ko naman sina Elisa sa iisang table. Nandun din si Dexter. Lumapit naman ko sa kanila. "So what's up?" Masayang bati ko. "Woah. Inspired ka teh?" Tanong ni Jazzmine. "Sakto lang," Nakangiting sagot ko at umupo na. "Parang may napapansin ako," Sabi ni Rossleigh. "Ano naman yun?" Nagtatakang tanong ni Marlon. "Hindi na naman yata magkasundo sina Max at Dexter," Sagot ni Rossleigh. Nagkatinginan naman kami ni Dexter. Umiwas naman agad ng tingin si Dexter. "Malay ko diyan. Kanina pa yan eh," Sabi ko nalang. "Hayy. Nandyan ka lang pala," Nagulat ako nang may nagsalita sa likod ko. Si Race pala. May dalang tray. Nilapag niya naman yun. "I smell something fishy," Puna ni Rossleigh. "Hoy bakla ka. May something ba?" Nagulat ako sa tanong ni Elisa. "Sira. Issue maker? Walang something. Sadyang sabay lang kami na pumunta dito. Tsaka siya na yung nag order," Sagot ko naman. "Dami mong sinabi," Natatawang sabi ni Elisa. Inirapan ko nalang siya at kumain na. Pagkatapos naming kumain ay bumalik na kami sa room. Nakita naming may isang hindi pamilyar na lalakeng nakaupo sa tabing upuan ni Race. Medyo singkit at payat. Nilapitan namin siya. "Hello," Bati ko sa kanya. Lumingon naman ito sa amin. "Hello," Nahihiyang sabi niya. "Bago ka lang dito?" Tanong ni Elisa. "What?" Nalilitong tanong nung lalake. "Ayy english. Oy bakla, ikaw na magtanong baka mag nosebleed ako," Sabi ni Elisa. Natawa naman ako sa inasta ni Elisa. Binalingan ko naman yung lalake. "Are you new here?" Tanong ko. "Yes. I'm the exchange student from Japan," Sagot niya. "I'm Lei McKenzie Qi." "Oh. Nice to meet you. I'm Max Alexandrae Trinidad," Pagpapakilala ko naman. Nagpakilala na din yung iba. Umupo na kami sa kanya-kanya naming upuan. Maya maya ay may kumalabit sa likod ko. Si Melissa pala. "Ang gwapo noh?" Tanong niya sa'kin. "Yep. Pero not my type. Masyadong payat eh," Natatawang sagot ko. "Ang sama mo," Natatawang sabi ni Melissa. "Hoy tumigil nga kayo diyan," Naiinis na sabi ni Dexter. "Anong pake mo?" Mataray na tanong ko. Imbes na sumagot, hindi niya ako pinansin. Kita mo 'tong lalakeng 'to, walang manners. Bahala nga siya. Dinadamay niya ako sa kabadtripan niya. "Oy sis. May gwapo sa labas," Rinig kong sabi ni Melissa. Lumingon naman ako sa may pintuan. No freaking way. Nagulat naman ako sa nakita ko. I can't believe it. He's here. He's back for real?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD