Dustin
“Hey! I said I’m sorry,” grabe pala magalit si Sum. I shoud avoid things that she doesn’t like. Pero siya naman na una, gumanti lang ako. Tss.
“Sorry your face!” Galit na sabi ni Summer. Pinagsaraduhan na niya ako ng pinto. Ito talagang babaeng ‘to. Tinignan ko ‘yung wristwatch ko. 8 o’clock na pala, at hindi pa kami nakakain ng dinner sa mall. Magluluto na lang muna ako.
Ako nga pala si Dustin Parker, 18, hindi pure Filipino pero sa isip at sa puso feeling ko Pinoy na pinoy ako. I grew up here, kasi ‘yung work ni Daddy nandito. Hindi na naman kami bumalik sa states.
I’m studying at Heartbreaker Academy. I’m into acting, ewan pero as of now ‘yun ‘yung gusto kong gawin. Bakit ako sa Heartbreaker nag-aral? Hmm. Let’s see… They offer kasi different curriculum. I can work, practice my acting skill and help others at the same time. Tulad ngayon, I’m helping Summer to build up her plan para sa revenge sa ex-boyfriend niya.
Pinanggigilan ko ‘yung doorbell ng bahay ni Sum.
“Sum! I cooked dinner for both of us,” sabi ko. Siguro may 10 times na akong nag dodoorbell pero hindi niya pa rin ako pinagbubuksan ng pinto. “My god, Summer. I already said I’m sorry. Why can’t you just forgive me?” I stressed out, halos bulong na ‘yung pag kakasabi ko.
We’ve been working with each other for more than a week, and ngayon lang siya na inis sa akin. I was playing prank on her, because she did it to me. Okay, I learned my lesson. Never play prank on her.
Na iinis na ako.
“Sum…” Feeling ko nag spark ‘yung mata ko noong nakita ko siyang binuksan ‘yung pinto.
“Stop smiling. ‘Yung food lang ang welcome rito,” sabi niya. Kinuha niya ‘yung plato na hawak ko, she was about to close the door noong inipit ko ‘yung paa ko sa lower part ng door. “Tanggalin mo ‘yan, or iipitin ko nang tuluyan ‘yan,” nanlilisik ang mga mata niya. She’s angry, I know.
“Hindi pa ako kumakain, and that food is enough for both of us,” sagot ko. Tinignan niya ‘yung hawak niyang plato.This is my chance. I grab the doorknob, tinulak ko nang medyo malakas ‘yung pinto. She lost her balance; I grab the plate as soon as I can. Nasalo ko naman kaya lang si Sum…
“Walang hiya ka talaga. Ang sakit,” inis na sabi niya. Tumayo siya, nakahawak sa balakang niya. Oohh. She looks sexy. She’s wearing short skirt and a tank top. And that pose is… “Ano tinitingin tingin mo?” Umiwas ako nang tingin sa kanya. Whew. This is not right. My god, this is not right. Pinagpapawisan yata ako. “Sorry, sira yung A/C ko, e.”
“Ah… Okay lang,” kinakabahang sabi ko. Kinuha niya ‘yung plato, tapos dumiretso na siya sa kusina. Hindi ko maiwasan ang pagtingin sa likuran niya. Napalunok ako ng tatlong sunod. Nice view. Tinapik ko yung pisngi ko. “Dust, what happened to you?”
“Kinakausap mo sarili mo?” Napatingin ako kay Summer. Umiwas din ako kagad. Hindi ko siya matignan ang potek.
“Hindi. Sige uwi na ko,” paalam ko.
“Akala ko ba hindi ka pa kumakain?” Hindi ako makatingin sa kanya. “Tara na, hindi na ko galit. Tsk. ‘Wag mo na lang uulitin. Naku,” hinatak niya ‘yung laylayan ng shirt ko, “Tara na, ang arte nito.”
Tahimik lang ako habang kumakain kami. Siya din naman hindi nag sasalita. Sumusulyap sulyap lang ako sa kanya kung minsan. She’s really beautiful; I wonder why Jason cheated on her? Come to think of it, Sum is like a complete package. Shehas the beauty and brain. Unlike Sabon, yes she’s beautiful, but I guess her priority is popularity.
“Hey! I wanna watch dvd. O ba’t parang nagulat ka d’yan?” Nakataas na kilay na tanong niya.
E, nag-iisip kasi ako tapos bigla kang magsasalita d’yan. Tsk.
“E, ‘di manuod ka, may tv and dvd ka naman dito,” sagot ko.
“E, walang A/C mainit, atsaka mas malaki ‘yung TV mo, e,” ngumiti siya sa akin. “Please?”
“Alright! I’m just going to clean my stuff first,” surrender na ako, magpuppy eyes ba naman siya, e.
Niligpit ko muna ’yung pinagkainan namin, inutos niya. Wala naman ako nagawa, siya ang boss, e. Siya naman daw mag papalit muna ng damit, malamig daw kasi ‘yung A/C ko. Buti na lang naisipan niya na mag palit, na aasiwa kasi ako eh. Alam niyo ‘yun? Lalo’ng umiinit. HAHAH. Na una na ako sa kanyang pumunta sa bahay, tinabi ko ‘yung mga nakakalat na libro sa center table at kinonnect ko ‘yung dvd sa tv.
Mabilis na binuksan ko ang pinto nang marinig ko na ang doorbell.
“Saw Texas,” bungad niya sa akin pag bukas ko ng pinto. I’ve watched that so many times. Hindi naman ako makapagreklamo. Sabi ko nga, siya ang boss, e.
“Come in, I’ll just get the popcorn at the kitchen,” sabi ko. Pumasok naman siya tapos dumiretso na ako sa kitchen. Parang hindi naman bagay ang kumakain habang nanunuod ng Saw? Oh well. I don’t mind naman, ewan ko lang siya.
“Oh my… s**t… Yuck… AHHHHHHHHHHHHHH fvck!” Okay, siguro lahat na ng masamang salita na sabi na niya. Tapos hindi naman ata siya nanunuod dahil nakatakip ng unan ‘yung mata niya. Kinuha ko ‘yung remote at pinatay ‘yung dvd. “What the?!” Reklamo niya.
“Will you stop saying bad words? Hindi bagay sa babae ang nag sasalita ng mga gano’n,” inagaw niya sa akin ‘yung remote bubuksan niya sana ulit kaya lang inagaw ko ulit ‘yung remote. “Let’s watch another movie. Hindi mo naman pinapanuod, e. Nakatakip lang ‘yung mata mo.”
“Bakit ba? Kanya kanyang trip ‘yan,” inagaw niya ulit ‘yung remote, pero itinaas ko na ‘yung kamay ko. Dahil ‘di hamak na mas mataas ako sa kanya, hindi niya maabot ‘yung kamay ko. “Dust…” Tinignan niya ako ng masama. “Bigay mo na sa akin ‘yung remote.” Tumayo siya, ako naman tatalon sana kaya lang I failed, instead na tumalon I lost my balance and napahiga ako, ‘yung upper part ng katawan ko nakasabit sa dulo ng couch. “Ayan kasi.” She lean towards me, ‘yung kamay niya ipinatong niya sa dibdib ko tapos medyo yumuko siya at inabot ‘yung remote na hawak ko. ‘Yung mukha niya medyo malapit sa akin, tapos… tapos… Medyo nakikita ko ‘yung ano niya… Kasi ‘yung ano noong tshirt niya bumaba… Iniwas ko ‘yung tingin ako.
“Mahihiga na ako. Good night, pakilock na lang ‘yung pinto pag alis mo,” sabi ko at dumiretso kagad ako sa kwarto, nilock ang pinto at binagsak ko ‘yung katawan ko sa kama. s**t. May nakita ako na hindi ko naman dapat nakita. Though hindi ko naman talaga nakita ng buo… ‘Yung ano lang… Basta! Itinodo ko ‘yung A/C sa kwarto ko dahil ang init talaga ng pakiramdam ko.
***
“Sum. Bakit d’yan ka natulog?” Hinubad ko ‘yung shirt ko tapos pinatong ko sa katawan niya, nakaangat kasi ‘yung shirt niya nakikita ko tummy niya. Tama na ‘yung kasalanan ko kagabi. I poke her on her shoulder. “Sum, wake up. May klase ka pa.”
“Hmm.” Dahan dahan niyang dinilat yung mata niya. “AAAAAAHHHHHH!!!! Ano’ng ginawa mo sa akin?” Napatingin siya sa katawan niya, at tumingin sa akin. “Hoy ano’ng ginawa mo sa akin?”
“Good morning?” Nagtatakang tumingin ako sa kanya, hindi ko siya magets, e. Tinignan niya ‘yung tshirt ko na nakapatong sa kanya. “Oh ah… ‘Yan… Kasi ano baka nilalamig ka? Tinatamad kasi ako umakyat para kumuha ng kumot eh.” Tumayo siya tapos binato sa akin ‘yung tshirt ko.
“E, ikaw hindi nilalamig?” Pinasadahan niya ng tingin ‘yung katawan ko saka siya umiwas nang tingin. “Wala ka naman siguro ginawa sa akin, ‘no?”
Kung hindi ako nakapagpigil kagabi baka mayroon.
Ha? Ano ba ‘yung na iisip ko?
“Ano naman gagawin ko sa’yo?” Painosenteng tanong ko. Inirapan niya ako. “Boss magluluto na ba ako ng breakfast?” Tumango lang siya tapos lumabas na ng bahay ko. Problema no’n?
Hindi na kami nag-usap after no’n. Gaya ng dati sabay kaming pumapasok, pero sa likod kami ng school dumadaan para walang masyadong makakita sa amin. Mahirap na kasi baka matsismis pa kami. Pagdatin ko sa college building namin nakita ko kagad ‘yung bulletin board para sa mga nagtry-out sa varsity. Hindi ko naman na kailangang tignan dahil alam ko namang pasok na kagad ako, pero tinignan ko pa rin. Pahumble lang nang konti.
***
Vacant namin, tumambay ako sa cafeteria dahil wala naman akong masyadong kilala rito sa school, do’n ako tumatambay kasama ng mga pagkain.
“Hey Dustin, kamusta try out mo sa basketball team?” Si Sabon, nginitian ko siya tapos umupo siya sa tabi ko.
“Okay naman, in fact pasok na ako sa team.” She smiled, ‘yung ngiti na parang nag seseduce.
Whoaw. Umiwas ako nang tingin sa kanya, napatingin ako sa table nila Sum, wala pa si Lheine, hindi ko pa rin nasasabi sa kanila na pasok na ko sa team. Mamaya na lang pag-uwi namin.
“I knew it!” Inilagay niya ‘yung kamay niya sa braso ko, napatingin ako sa kanya. “We need to celebrate.” Tinanggal ko ‘yung kamay niya.
“May klase pa ako mamaya, e.” Tumingin ako sa paligid, kunwari may hinahanap. “Pati okay lang ba na… How should I say this… You know… ‘Yung nakikipaglapit ka sa akin? I heard boyfriend mo daw si Jason.” Nag sad face ako, hinawakan naman niya ‘yung mukha ko tapos iniharap sa kanya. Lalo akong nag sad face.
“Hindi naman kami ni Jason, we’re just playing. You know, he needs me and I need him.” Bigla akong napaisip, so it means they are just using each other… for what?
“You need him? For what?” She taps my face lightly.
“He’s popular, and we need each other to maintain our popularity.” Oh I knew it, sabi ko na eh popularity ang priority niya or should I say nila? Inalis ko ‘yung kamay niya sa mukha ko.
“I heard naging si Jason daw at saka si Summer, why did they broke up?” She look at me, tapos nakataas ‘yung isang kilay. Nagtataka siguro kung bakit ko tinanong. “I’m just curious.”
“Why not? Summer is too plain, and she’s kinda nerd.” Tumingin siya sa direction ni Summer. Nag babasa na si Summer ng book. “See? She’s always with her books.” I don’t know kung matatawa ako sa way ng pag-iisip nila or what.
“I don’t think that will be considered as nerd,” she lookat me, parang nag tataka ulit. I bit my lower lip para maiba ‘yung topic, alam ko naman na mapapansin ni Sabon ‘yun.
“Hot,” she pinched me on my shoulder. I knew it. “Don’t do that again, baka makalimutan ko kung na saan tayo.” I smiled, pero deep inside me gusto ko ng tumawa nang malakas.
Kinagat kolang ‘yung lower lip ko, bumigay na kagad. Napailing iling ako, tapos napatingin ako kay Sum na nakatingin din sa akin. And she’s angry…?
“What?” I mouthed at her. Ngiting aso lang sinagot niya sa akin.
Ano ba ‘yun? Weird. Tsk.