Dustin
“Start courting her.” Napatingin ako kay Sum, kanina pa kasi siya walang kibo tapos bigla bigla siyang nagsalita. “Ligawan mo na si Sabon.” Inangat niya ‘yung mga binti niya tapos niyakap niya yun.
“Something wrong?” Recently napapansin ko medyo nagiging moody si Sum, tapos parang minamadali niya ‘yung mga plano namin. “Hey, Summer.” Yumuko siya at lalo niyang niyakap ‘yung binti niya.
“Just start courting her.” Tumayo na siya at bigla na lang lumabas ng bahay ko. Syempre sinundan ko siya. Ang weird niya ngayon. Tsk.
“Summer Danielle Antonio!” Humarap siya sa akin, inis.
“Ano ba?!” Sigaw niya.
“Bakit ba ang init ng ulo mo?” Lumapit ako sa kanya, pero hindi niya ako hinayaang makalapit nang sobrang lapit.
“Stop. Okay lang ako, basta gawin mo na lang ‘yung sinasabi ko okay?” Hindi na niya ako hinintay na makapagsalita pa, pumasok na lang siya bigla sa bahay niya. Hindi kaya may dalaw siya ngayon? HAHAHA.
***
Kinabukasan pagpasok namin, hinanap ko kagad si Pearly. Pagkakita ko sa kanya agad ko siyang hinatak papunta sa hindi mataong lugar.
“Uhm… Pearly…” Wala masyadong tao malapit sa amin kaya sigurado akong walang makakarinig sa pag uusapan namin. I’ll start now ‘yung plan namin, since ito naman ‘yung gusto ni Sum. Wala naman akong karapatang tumanggi.
“Yes? Something wrong?” Medyo natatawang tanong niya.“Recently medyo lagi kang seryoso huh?” Ngumiti siya, her usual smile. Her seductive way of smiling na hindi tumatalab sa akin. HAHAH.
“Kasi,” Huminga ako nang malalim.“I want to ask you if I can court you?” I slowly look down, kunwari medyo shy. Heheh. She chuckled.
“I didn’t know na mahiyain ka pala. Hmm…” Hinawakan niya ‘yung chin ko then dahan dahan niyang iniharap ‘yung mukha ko sa kanya. “You can, but this will be our secret. Alam mo naman si Jason, I still need him.” Nag sad face ako. Mukhang nagets niya naman kung bakit ako nag sad face. “Don’t worry baby, aayusin ko lang ‘yung sa amin ni Jason and I’ll be yours, okay?” I smiled then tried to hug her, pero she refused. “Later babe, we have lots of time for that.” She winked and left me.
Just like what I’ve thought, madali lang talaga siyang ligawan. In a day or two mapapasagot ko na siguro ‘yun. I should tell this to Sum, siguro naman hindi na siya mag susungit sa akin, nagawa ko na nang maayos ‘yung pinapagawa niya. Pag na inis pa siya ewan ko na lang. Hay. Bakit ba kasi ang hirap intindihin ng mga babae?
***
“Hey Dustin, can I talk to you?” Napatingin ako kay Jason, kakatapos lang nang practice namin, nandito na kami sa shower room.
“Right now?” Tumingin ako sa itsura namin, we’re half naked at ang takip lang namin ay ‘yung tuwalya sa lower part namin.
“After we finished our shower.” Ang pangit nang pagkakasabi niya, kung bakla siya malamang napakaripas na ko nang takbo.
“So, ano pag uusapan natin?” Umupo siya sa flooring ng court. Umupo rin ako, wala magaya lang.
“Uhm… Kayo ba ni Summer?” Napatingin ako sa kanya, hindi siya nakatingin sa akin nakayuko lang siya at parang ang lalim nang iniisip.
“Ah… Hindi, we’re just friends.” Tumango tango pa ako, kahit alam kong hindi niya nakikita ‘yung ginagawa ko.
“E, bakit lagi mo siyang hinahatid at sundo?” For the second time, napatingin ulit ako sa kanya. Wala kasing nakakaalam na hinahatid sundo ko si Sum, kasi iniiwasan namin ang may makakita sa amin, pero mukhang alam ni Jason.
“Ah… How did you know?” Hindi niya pa rin inaangat ‘yung ulo niya kaya hindi ko makita ‘yung expression ng mukha niya. Tsk.
“Just answer me.” Walang ganang utos niya. Oo, utos.
“Well... Hmm. How can I put this? She lives next to my house; since we share the same school I offer her a ride.” Okay, medyo awkward ‘yung feeling, kasi una hindi ko naman kailangan mag paliwanag sa kanya since hindi na naman sila ni Sum ‘di ba?
“’Wag mo na ulit gawin ‘yun, hindi ka naman pala niya boyfriend, e.” Tumayo siya, hindi ko alam pero parang hindi kasi naging maganda ‘yung dating nang pagkakasabi niya sa tenga ko, e. Parang may pagkaterritorial ‘yung dating.
“Teka lang, sino ka naman para pigilan ako? Your not Sum’s boyfriend, right?” Tumayo na rin ako at hinarap siya.
“I was her ex-boyfriend.” I smirked.
“You should removed the ‘was’. You’re still the EX-boyfriend nothing has changed.” Tinignan niya ako nang masama, gano’n din ako sa kanya. Hindi por que siya ‘yung captain namin hindi ko na siya puwedeng kantiin.
“I will try to win her back, so back off!” Tinulak niya ako, malakas na ba ‘yun para sa kanya? Hindi man lang ako nagalaw sa puwesto ko.
“Listen. Listen very well, Jason. This will be the first and last time that I will tell you this,” sabi ko na binabalaan siya.“Summer is not a toy, na kapag pinagsawaan mo iiwanan mo tapos pag feel mo na ulit balikan, babalikan mo. So, kung sasaktan mo lang ulit siya, you back off.” Tinulak ko rin siya, medyo napaatras siya, hindi pa malakas ‘yun. Tss.
“Ano bang alam mo? Wala ka namang alam ‘di ba?”
Napangisi ako, “Ikaw ano’ng alam mo? Wala ka rin namang alam ‘di ba?” He smirked, walang dating. Tss.
“Summer still loves me.” I touched my chin, tapos parang nag iisip ako.
“Maybe she does, but I think you can never win her back. Trust me.” I smirked again. Nakakailang smirk na ba ako? HA–. “s**t!” Nagulat ako nang bigla niya akong sinuntok, pero syempre nakatayo pa rin ako. “What the heck is that?” Inis na tanong ko.
“Ah. Nangati kasi ‘yung kamao ko, e.” Nginisian ko siya.
Gago pala ‘to, e. Ako pa niloloko. Tsk.
“Ang kamao pag nangangati kinakamot hindi sinusuntok!” Sinuntok ko rin siya. Ayun, napaatras nang tatlong steps. “Jason, ‘yan ang suntok. Mahina pa nga ‘yan eh, hayaan mo sa susunod ‘yung malakas na huh” Tinignan ko ‘yung relos ko, uwian na pala ni Sum. “Oh got to go, I need to fetch Sum, see you!” Iniwanan ko na siya na kinakapa ‘yung nag dudugo niyang labi. Tsk, sayang ang effort ko sa gano’ng mga tao.
Pagdating ko sa parking lot nando’n na si Summer.
“Oh bakit namumula ‘yang pisngi mo?” Tanong sa akin ni Sum.
“Ah wala, sinampal ko kanina inaantok kasi ako sa practice, e. Boring. Mahihina ‘yung mga kalaban namin sa practice game.” Hinawakan ko ‘yung pisngi ko na namumula, hindi bagay sa akinmayroong ganito sa mukha. Medyo napuruhan din pala ako nang gunggong na ‘yun. Tsk.
“Bilisan mo na, i-cold compress natin, para hindi na mamaga.” Nagulat ako nang hinawakan niya ‘yung pisngi ko, napapreno tuloy ako. Para kasing may something sa pagkakahawak niya, e.
“Aray!” Muntikan na siyang mauntog buti na lang nakalang niya ‘yung kamay niya. “Ano bang problema mo?!”
“Sorry, na gulat lang ako.” Nagmaneho na ulit ako, wala nang nag salita sa amin hanggang sa nakarating kami sa bahay ko. Umuwi muna siya kumuha ng pang cold compress.
Hindi ko alam, pero tuwing naririnig ko ang doorbell ng bahay ko, lagi akong naeexcite buksan. Pagbukas ko nagmamadaling si Summer ang nakita ko.
“Ah Dust, ito na ‘yung pang cold compress, ikaw na bahala huh? Aalis kasi ako eh.” Binigay niya kagad sa akin ‘yung hawak niya, mukha siyang nag mamadali talaga. Aalis na sana siya pero pinigilan ko siya.
“Wait! Saan ka ba pupunta? Samahan na kita?” Inalis niya ‘yung kamay ko na nakahawak sa braso niya.
“W-wag na. Pupuntahan ko lang naman si Rain, may sakit daw kasi, e.” Si Rain, kapatid niya ‘yun. Hindi ko ata nasabi sa inyo na may kapatid siya. “Malapit lang naman ‘yun dito eh, kaya kaya ko na.”
Pero dahil mukulit ako, hindi ako pumayag na hindi sumama. In the end, sinamahan ko rin siya sa bahay ng kapatid niya. Dala ko rin ‘yung pang cold compress, syempre kakailanganin ‘to ni Rain. Si Rain ay 16 years old, graduating ng high school. May sarili siyang bahay, parehas sila ni Sum na nakabukod sa parents nila. I don’t know why, trip daw nila maging independent.
“Yaya, ano po nangyari kay Rain?” Nag-aalalang tanong ni Sum, sa yaya ni Rain.
“E, ano po kasi Ma’am…” kinabahang sabi ng yaya ni Rain.
Sabay-sabay kaming napatingin sa pintuan.
“Ako na.” Ako na ‘yung nag prisinta na mag bukas ng pinto, alam ko naman kasi na nag aalala talaga siya sa kapatid niya kaya kausapin niya na lang si Yaya. Pagbukas ko ng pinto nagulat ako sa nakita ko. “Ma’am?!” Gulat na sabi ko.
“You! Ano’ng ginagawa mo rito sa bahay ng anak ko?” Nanlaki ‘yung mata ko sa sinabi ni Mrs. Antonio, directress and owner ng Heartbreaker Academy. “Don’t tell me… You are working with one of my children?”
“If your daughter’s name is Summer Danielle Antonio, then it’s a yes.”