Chapter Seven: Mauna ka na.

1808 Words
Summer “Oh bakit namumula ‘yang pisngi mo?” Tanong ko kay Dustin. Tinanong ko kahit alam ko naman ang dahilan. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako dahil sinabi ni Jason na he will try to win me back or maiinis kasi hindi ko kayang matuwa. Ah ang gulo ko! Oo na, ako na ang nakinig sa usapan nila, maaga kasi kami pinalabas kanina kaya susunduin ko dapat si Dust kaya lang iba ang na abutan ko. “Ah wala, sinampal ko kanina inaantok kasi ako sa practice, e. Boring. Mahihina ‘yung mga kalaban namin sa practice game.” Liar! Napansin ko na hinawakan niya ‘yung pisngi niya na napuruhan nang suntok ni Jason, tapos napaigik siya. Parang nakonsensya naman ako. “Bilisan mo na, i-cold compress natin, para hindi na mamaga.” Hinawakan ko ‘yung pisngi niya na namumula. “Aray! Ano ba’ng problema mo!?” Muntik na mauntog ‘yung ulo ko dahil sa bigla niyang pag preno, buti nalang nakaseatbelt ako. “Sorry, nagulat lang ako.” Gusto ko siya kausapin about sa nangyari kanina pero hindi ko magalaw ‘yung mga muscles sa bibig ko. Para ako’ng napipi na hindi ko mawari. Hinihintay ko din naman na mag kwento siya pero hindi din siya nag salita. Pag dating namin sa bahay niya dumiretso kagad ako sa bahay ko para kunin ‘yung pang cold compress baka kasi mamamaga na ng tuluyan ‘yung pisngi niya pag hindi pa na agapan. *ate~ Ate~ ATe~ ATE!!!!* Agad kong sinagot ‘yung tumatawag, ‘yan kasi ‘yung ringtone ko pag tumatawag si Rain, recorded voice niya. “Ma’am! Buti sumagot ka na. Naku Ma’am, si Sir Rin ba, parang inaapoy sa lagnat.” “Anong parang Yaya? Pinainom niyo na po ba siya ng gamot?” “E, opo Ma’am, kaya lang dili man bumaba ‘yung lagnat Ma’am. Dili ko na po alam ang gagawin ko.” Napahawak ako sa noo ko. “Sige yaya, pupunta na ako d’yan, magluto po kayo ng sabaw para mainitan ‘yung sikmura ni Rain, okay? ‘Wag po kayo mag papanik. Tinawagan niyo na po ba si Mommy?” “Opo Ma’am, pero dili man sumasagot. Nag-iwan na lang po ako ng misij sa sikritarya niya.” If I know answering machine ‘yun ni Mommy. Si Yaya talaga hindi na nasanay. “Oh sige yaya, papunta na ako d’yan.” Binaba ko na ‘yung tawag, tapos dumiretso na ko kila Dust para i-abot ‘yung pang cold compress. Wala na akong paki kung minamascre ko na ang doorbell ng bahay ni Dustin. “Ah Dust, ito na ‘yung pang cold compress, ikaw na bahala huh? Aalis kasi ako, e.” Inabot ko sa kanya tapos tumalikod na ako. “Wait! Saan ka ba pupunta? Samahan na kita?” Inalis ko ‘yung kamay niya na humawak sa braso ko. “W-wag na. Pupuntahan ko lang naman si Rain, may sakit daw kasi, e.” Malapit lang naman ‘yung bahay ni Rain, kaya hindi na niya ako kailangan samahan. Pero in the end dahil sa pangungulit niya pinasama ko na rin. Hindi na rin naman siya iba kay Rain, in fact magkasundo nga silang dalawa, e. Minsan kasi sinasamahan niya ako bumisita do’n pag wala kaming magawa. Magkaiba kami ng mommy ni Rain pero ‘yung Mommy niya na rin ang nag palaki sa akin, ni hindi ko na nga maalala kung ano itsura ng tunay na mommy ko. Wala kasi ni isang picture na pinakita sa akin si Daddy, e. Hindi naman ako nagtatampo, kasi mabait naman sa akin si Mommy ko ngayon. “Yaya, ano po nangyari kay Rain?” Tanong ko kagad kay Yaya. “E, ano po kasi Ma’am…” Sabay sabay kaming napatingin sa pinto, pinakikiramdaman ko si Yaya kung bubuksan, o hindi. “Ako na.” Wala naman ako balak na buksan ang pinto. HAHAH. Chos, so ayun si Dust na ang nag magandang loob na buksan ang pinto kami naman ni Yaya, pumasok na sa kwarto ni Rain. “Ate,” nakangiting bungad sa akin ni Rain. Tumabi ako sa kanya sa kama. “Akala ko hindi ka darating, e.” Niyakap niya ako. “Puwede ba naman ‘yon? May sakit ‘yung little brother ko tapos hindi ko pupuntahan?” Niyakap ko rin siya, ‘yung pwesto namin nakayakap siya sa bewang ko kasi nakaupo lang ako sa tabi niya tapos siya nakahiga. “Ang init init mo huh? Ano ba’ng pakiramdam mo?” Hinimas ko ‘yung noo niya. “Medyo okay na ako Ate, kasi nag text si Mommy that she will be here raw.” Ngumiti siya, ngumiti rin ako. Bihira lang namin makita ‘yung parents namin dahil busy sila lagi sa work nila na hindi nga namin alam kung ano. “Sabi ko sa’yo love tayo nila Mommy, tignan mo kahit busy si Mommy pupuntahan ka niya kasi may sakit ka, e.” Tumango tango siya habang abot hanggang tenga ang ngiti. 16 na siya pero kung umasta parang 10 na batang nag lalambing. Sa sobrang gigil ko, pininch ko ‘yung ilong niya. “Cute mo!” “Ang sweet naman ng mga baby ko.” Napatingin kami pareho sa nag salita. “Mommy!” Sabay na sabi namin, lumapit siya sa amin, kiniss niya ako sa cheeks si Rain naman sa noo. “How’s my baby boy?” Tanong niya habang hinihimas ‘yung buhok ni Rain. “Okay na po ako, kasi nandito po kayo ni Ate.” Pininch din ni Mommy ‘yung ilong ni Rain. “Summer, may kasama ka ata sa labas bakit hindi mo muna labasin ako na bahala dito kay Rain.” Oo nga pala, muntikan ko nang makalimutan si Dust, in-excuse ko ‘yung sarili ako at dahan dahang lumabas ng kwarto. Nakita ko si Dustin pinapakialamanan si Yaya sa kusina. “Hoy! ‘Wag mo nga pakialamanan d’yan si Yaya.” Nagulat ata siya dahil bigla niya nasubo ‘yung titikman niyang sabaw. “Aray! s**t! Ano ba Sum?!Puwede namang‘wag manggulat, e.” Pinunasan niya ‘yung lips niya saka ‘yung konti na tumapon sa damit niya. Ako? Ito tumatawa. Ang cute kasi ng naging reaction niya, e. “Makatawa ‘to, pasuin kita d’yan eh!” Dinilaan ko lang siya. “Oh yaya, okay na ‘to. Dalin mo na kay Rain.” Inabot niya kay Yaya ‘yung sandok. “Hoy babae, masama ang tawa nang tawa, sasakit tiyan mo.” “Tse!” Napansin ko ‘yung namumula niyang pisngi. Hindi pa nga pala naman na-ko-cold compress ‘yun. “Halika nga rito, may nakalimutan pala tayo gawin kanina.” Tinignan niya ko na para bang hindi niya maintindihan ‘yung sinasabi ko. “’Yung pisngi mo.” “Ah. Oo nga pala.” May kinuha siya sa bulsa niya. “Dinala ko nga ito oh.” Inangat niya ‘yung pang cold compress. “In case na kailanganin.” Napangiti na lang ako sa kanya. Ewan, pero kasi ang cute ng mga actions niya ngayon, e. Napapangiti na lang talaga ako. Although minsan naiinis ako lalo na pag magkasama sila ni Sabon. Err. Kumuha ako ng yelo sa ref, at nag durog. Nag lagay ako ng ilan sa cold compress tapos hinatak ko siya papuntang sala. Tahimik lang ulit kami habang nakaupo. Siya medyo nilalaro niya ‘yung hawak niya na cold compress ako nakatingin lang at medyo nangingiti. Ang weird ko naman talaga oh oh. “Uhm..” Napahinto kami pareho. “Mauna ka na.” Sabay na sabi namin. “Hindi mauna kana.” Sabay ulit. Sinenyasan niya ako na mauna na. “Kasi ano…” Sasabihin ko ba na nakita at narinig ko sila kanina o mananahimik na lang ako? “Kasi ano, naiisip ko lang na dito na lang ako magpapalipas ng gabi. Kasi kailangan ng kasama ni Rain.” Ano ba ‘yan Sum? Hindi mo rin na sabi. “Ah gano’n ba?” Silence…. Maya maya nilapag na niya ‘yung pang cold compress. “Sige mauna na ako, daanan na lang kita dito bukas bago pumasok.” Tumayo na siya at nag lakad papunta sa pinto. “Ah teka… Bigla ko lang naalala may sasabihin ka ‘di ba?” Napaisip siya saglit. “Ah ‘yun ba? Nakalimutan ko na, e. Pag naalala ko sabihin ko kagad sa’yo.” Nag paalam na siya. Ano ba ‘yun? Tama bang mambitin. Tsk. “Oh nasaan na si Dustin?” Napatingin ako kay Mommy, nasa haraparan ko na pala siya hindi ko manlang namalayan. Iniisip ko kasi kung ano ‘yung sasabihin dapat ni Dust eh, medyo hindi ako mapanatag. Hay. “Ah umuwi na po, sabi ko po kasi dito na lang po ako matutulog.” Umupo siya sa tapat ko. “Kamusta na kayo ni Jason?” Napatingin ako sa kanya. Nakakapanibago, hindi naman kasi siya nagtatanong tungkol sa amin ni Jason dati, e. “Okay lang ba ang relationship niyo?” “Actually, we broke up na po.” ‘Yung way ng pag sabi ko, ‘yung parang ang gaang sa pakiramdam na para bang ang tagal na nangyari no’n at wala na sa akin. “Why?” Tinitigan niya ako, something is wrong, iba ‘yung way nang pagtingin niya. Para bang… Hindi ko madescribe. “Tell me.” Then I told her everything. Pero syempre hindi ko sinabi ‘yung about sa revenge thingy. “So that Jason left you…” Parang medyo inis ‘yung tone ng boses niya. “Pero Mommy, okay na ako.” Ngumiti pa ako para patunayan sa kanya. “Is that because of Dustin o may iba pang dahilan?” “Friend ko lang po si Dustin, kapit-bahay na rin po.” ‘Yung tingin sa akin ni Mommy, parang ayaw niya maniwala. “Baby, kagagaling mo lang sa break up, ‘wag muna ulit huh? Bata ka pa naman may tamang panahon para sa mga gan’yang bagay.” Eh? Ano ba ‘tong sinasabi ni Mommy? “Mommy naman, friend ko lang po talaga si Dustin. Nothing more, nothing less.” She gave me a weird smile, then she said good night at aalis na raw siya, may na iwanan daw kasi siyang work sa office niya. Ang weird ni Mommy, anyway, friend lang naman kami talaga ni Dustin. Tsk. Friend lang talaga. Aw. Bakit parang hindi ko kayang tanggapin ‘yun?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD