Summer
AAAHH! Pesteng luha ‘to ayaw tumigil. Ano naman Summer kung magkasama sila do’n sa bahay ni Dustin? Lalaki ‘yun tapos girlfriend niya pa ang kasama. Nasa tamang edad na sila para malaman kung ano ang tama at mali.
“Pero kasi naman! Ginagawa ba talaga nila ‘yun? Lagot ka sa akin Dustin! Kung kailan naman nalaman ko na kung bakit ako nagkakaganito tsaka ka naman-“
Napatingin ako sa pintuan ko nang may magdoorbell. Pinunasan ko ‘yung mga mata ko. Kung sino man ‘yung sumisira sa break down ko, mamamatay. Chos! Joke lang, baka si Dustin ‘yan, syempre ayaw ko siyang mamamatay, ‘no.
“Summer!” Hala ka si Dustin nga.
Lord, joke lang po talaga ‘yung kanina.
Inayos ko ‘yung sarili ko tapos binuksan yung pinto.
Nagulat ako nang makita ko na top less si Dustin. s**t. Don’t tell me…
“Pasensya na naistorbo ko yata kayo. Sorry talaga.”
Ah. Buwisit! Bakit ba tumutulo ka na naman? Hindi ka ba mauubos? Yumuko ako para hindi niya mahalata na umiiyak ako.
“Look Sum, it’s not like what you think,” sunod sunod ang iling niya, “Wala kaming ginagawa ni Pearly.”
“Hindi mo naman kailangan mag paliwanag, kung ano man ang ginagawa niyo sa loob, labas na ko do’n.” Pinunasan ko ‘yung mata ko. s**t. Ayaw talaga tumigil. Amp. Bakit ngayon pa?
“Uumiiyak ka ba?” Umiling ako, pero inangat niya ‘yung ulo ko. “Bakit?”
Kung sampalin kaya kita dyan!? Tss. Ikaw kaya dahilan nito. Amp ah.
“Wala ‘to, naghihiwa kasi ako ng sibuyas kanina. Ayun, ang hapdi nitong mata ko,” palusot ko. Tinignan niya ako mata sa mata.
Ang lakas nang kabog ng dibdib ko.
“Hindi ka naghihiwa ng sibuyas dahil alam mong maiiyak ka,” naningkit lalo ang mga chinito niyang mata,“I know you Summer, now tell me why are you crying?” Lumaban na rin ako ng titigan sa kanya.
“Kung kilala mo pala ako, e, ‘di dapat alam mo kung bakit ako umiiyak. Tss,” inis na sabi ko.
Ngumiti siya, pero ‘yung ngiti niya hindi abot sa mga mata niya.“Alam ko na. Tears of joy? Nag kabalikan na kayo ni Jason, ‘no?”
Natawa ako sa sinabi niya. “Tears of jo-“ Biglang nag sink in sa akin ‘yung kasunod na sinabi niya. “Nagkabalikan kami ni Jason?!” Gulat na sabi ko,“Saang lupalop mo ng Earth nakuha ‘yang balita na ‘yan?”
“Hindi ba? I saw you kanina, magkayakap pa nga kayo, e.” Kinuyom ko ‘yung mga kamay ko.
“Hindi kami nagkabalikan,” huminga ako ng malalim, “At hinding hindi mangyayari ‘yun kasi I li-“
“Dustin.” Napatingin kami kay Sabon. Ang epal mo. Magtatapat na ako eh. Psh. “Sorry Summy, can I borrow my BOYFRIEND for awhile?” Tumango na lang ako at sinara ang pinto.
Sumandal ako pag kasara ko, tapos alam niyo ‘yung parang sa drama? Parang nawalan ako ng lakas at unti unting bumagsak ako sa sahig. Siguro hindi ko dapat sabihin kay Dustin kung ano man ‘tong nararamdaman ko. In less than two months naman aalis na siya. Alam ko naman eh. Rules ay rules. Dapat nga hindi ko ‘to nararamdaman.
*summer. summeR. summER. sumMER. SUMMER!*
Calling Mommy…
“Hello Mommy? Bakit po kayo napatawag?”
“Hindi ba ako puwede tumawag sa baby ko?”
“Mommy, hindi na po ako baby.”
“Haha. Kahit matanda ka na baby pa din kita. How’s my baby girl?”
“Mommy, kakatapos ko lang umiyak. Heheh. Last month umiyak din po ako ng ganito, pero feeling ko po mas masakit ‘yung ngayon…”
“Bakit? Sinaktan ka ba ulit ni Jason?”
“Hindi po. Mommy. I like him, sigurado po ako do’n. Pero kasi hindi po puwede maging kami.”
“Bakit? May asawa na ba siya?”
“Wala po. Pero aalis na po siya in less than two months. Hindi ko na po siya puwede ulit makita,” nagsimula na namang tumulo ‘yung luha, “Mommy, puwede ko po kayang ibalik ‘yung oras? ‘Yung panahon na hindi ko pa siya nakikilala,” tumawa ako nang mahina. “Ano ba naman ‘yung tanong ko.”
“Baby,” halos bulong nang sabi ni Mommy.
“Mommy, is it too much if I ask him to stop it and just stay with me?”
“Baby hindi kita masasagot kung hindi mo sasabihin sa akin ang lahat.” Hindi ako sumagot. Alam kong hindi ko puwedeng sabihin kay Mommy. “Baby, I’m going to tell you something pero don’t be shock okay?” Nag “hmm” lang ako as an answer. “Baby, we own the Heartbeaker Academy.” Napatingin ako sa cellphone ko. Chineck ko kung si Mommy talaga kausap ko.
“Mommy? I don’t know kung paano niyo po nalaman ang tungkol sa heartbreaker,” naguguluhang sabi ko.
“Summer, I’m serious. Dustin told me that you are unstable right now that’s why I called you. Honey, si Dustin tama ba?”
“Mommy…”
“I need to go baby, I’ll call you again tomorrow.”
“Mom-“ tutut na lang ang naririnig ko.
Teka, hindi ko pa masyado maprocess kung ano ‘yung sinabi ni Mommy… Siya ang owner ng Heartbreaker Academy? Paano nangyari ‘yun? Oo alam ko may school na pag aari sila Mommy, pero… Hindi ko naisip na katulad ng… This make me crazy. Alam ni Dustin na kami ang may ari ng school pero hindi niya sinabi sa akin? Hindi kaya sa simula palang alam na niyang si Mommy ko ang may ari kaya pumayag siyang siya muna ang magbayad?
Tinignan ko muna sa pinhole kung sino ‘yung nag doorbell. Si Dustin. Bubuksan ko ba o bubuksan ko? “Bakit?” Sigaw ko mula sa loob.
“Let’s talk,” bungad kagad ni Dustin. Kinawit ko ‘yung chain lock nang pinto tapos binuksan ko. Bali hindi mo maoopen ng todo ‘yung pinto dahil sa chain lock. “Hindi mo manlang ba ako papapasukin?” Hindi ako sumagot. “Pearly told me she loves me.” Sinara ko ‘yung pinto at tinanggal ‘yung chain lock tapos binuksan ko ulit. “Bakit parang hindi ka masaya? It’s a good thing right?” Tumingin ako sa paanan ko.
“Hindi. Ano kasi.” Hindi ko mahanap ‘yung tamang word. Hindi na revenge ‘yung gusto ko. Wala na nga ako’ng gustong mangyari eh. Kasi okay na naman kami ni Jason. “Bahala ka na sa kanya.” Tinignan ko siya, ‘yung itsura niya ‘yung parang nagtataka. “You did a really good job. Okay na ‘yung trabaho mo. Okay na kami ni Jason kaya hindi mo na kailangan pang magtrabaho sa akin,” pinilit kong ayusin yung pakikipagusap ko sa kanya, kahit nahihirapan ako.
“Dini-dismiss mo na ako?” Hindi makapaniwalang tanong niya. “Why?!” Nagulat ako ng bigla niyang hinawakan ‘yung hamba ng pintuan. “Hey Summer, three months ang usapan natin. We’re just almost two months.”
“Puwede naman kitang i-dismiss kahit kailan ko gusto ‘di ba? Don’t worry, babayaran daw ni Mommy ‘yung 150,000 na binayad mo noong una.” Siya naman ‘yung nagulat sa sinabi ko. “My Mom told me everything. Alam ko na alam mo na si Mommy ang may ari ng school mo.”
“Summer, I want to tell you about it but your mom-“
“I understand. Simula bukas hindi mo na ako master, bahala ka na kung anong gusto mong gawin. Itatawag ko na lang sa office niyo na ididismiss na kita.” Napansin ko na humigpit ‘yung hawak niya sa hamba.
“Summer, gano’n na lang ba ‘yun? Pagkatapos mo akong gamitin gano’n na lang?” Napalunok ako. Ayan na naman ‘yung nakakatakot na aura niya.
“What? Gamitin? I hired you para gamitin you agreed with it binayaran kita para gawin ‘yun.” Inangat niya ‘yung index finger niya tapos parang nag no sign.
“Uh uh. Hindi ka pa bayad. Hindi ko pa natatanggap ‘yung bayad ni Mommy mo. Plus bukod do’n muntik na makuha ang puri ko kanina,” tinaasan ko lang siya ng kilay. ‘Yung puso ko sigaw na ng sigaw tapos parang may popcorn na niluluto ‘yung may pumuputok putok pa.
“’Wag mo akong tignan nang gan’yan. At saka ‘wag kang mag alala bibigay na ni Mommy ‘yun bukas.” Hinawakan niya ako sa braso.
“I don’t care about the money; I just want to stay with you until the contract end,” tinitigan ko siya, “I want to confirm something.”
“A-ano ‘yun?” Kinakabahan kong tanong.
“It’s for me to know and for you to find out.” Kumindat siya sa akin. Hindi ko na ‘to kaya. s**t.
“Dustin, please ‘wag mo nang tapusin ‘yung contract. B-baka…”
“Baka ano?” Lumapit siya sa akin.
“Baka…” Kapag nagtagal ka pa baka lalo ako’ng lumala at hindi na kita kayang pakawalan pa. “Baka…” Lalo siyang lumapit sa akin. “Stop.”
“What?” Idinikit niya ‘yung noo niya sa noo ko. “Summer I think…” Napalunok ako. Hindi ko maialis ang tingin ko sa mga mata niya. “I think I like you…” And he slowly landed his lips on mine. Is this real or… dream?
Wala na akong ibang narinig kundi ang malakas na kabog sa dibdib ko.
Epilogue:
Dustin
“Dust-“ Bigla akong naitulak ni Sum nang may nag salita. “Oh my. Tell me I saw it wrong, right?” Hinatak ako ni Pearly palayo. “I didn’t know na kaya mong mang agaw ng boyfriend.” Pipigilan ko sana si Pearly kaya lang na sampal na niya si Summer.
“Pearly!” Humarang ako sa pagitan nila. “Stop it. I kissed her. It’s not her fault.” Tinignan niya kami ng masama.
“What now? You’re crying kasi guilty ka? You seduced my boyfriend right in front of me,” gigil na sabi niya. Napatingin ako kay Summer, umiiyak nga siya. s**t.
“Look Pearly, I’m sorry,” sabi ni Summer.
“Bakit ka nag sosorry? Tss.” Hinatak ko siya papasok ng bahay niya, inupo ko siya sa sofa. “Don’t move I’ll be right back.” Nilabas ko si Pearly.
“This is really insulting Dustin,” huminga siya nang malalim, “Kailan pa ‘to?”
“Pearly, it’s not what you think- Ah!” Nagulat na lang ako ng sinampal niya ako.
“I thought you’re different. Pare-parehas lang kayo,” kitang kita sa mata niya ang galit.
“He is different,” napatingin kami kay Sum, “How does it feel being betrayed? Masakit ‘di ba?”
“You!” Dinuro ni Sabon si Summer. Humarang ulit ako pero hinawi ako ni Sum. “Ano ba talagang gusto mo? Bakit mo inaagaw ang boyfriend ko?!”
“Tanungin mo muna kaya si Dustin kung girlfriend ang tingin niya sa’yo?”
“Sum…” Tinignan niya ako tapos ngumiti.
“Okay na ko Dust,” huminga siya nang malalim, “Sorry Pearly, ayaw ko na sana umabot sa ganito, e. Pero tutal nandito ka na sasabihin ko na.”
“Summer! That’s against the rules!” Hinawakan ko siya sa braso, ‘yung tingin niya parang wala na siyang pakialam sa mga mangyayari.
“Did you plan this Summer?” Ngumiti siya ng nakakaloko.
“Oo. E, ano naman? Sakit, ‘no? Gan’yan din ako few months ago, e. Ang pag kakaiba lang, ako nawalan lang nang choice kaya ko ‘to nagawa, pero ikaw wala ka rin bang choice that time?” Wala ng emosyon na makikita sa mukha niya.
“What do you mean? Are you saying that I also planned what happened before? Jason planned those, the betting and everything.” Nanlaki parehas ‘yung mga mata namin Sum, whoa. May pustahang involve?
“Wait, what are you saying? And can’t you see I’m here?” Singit ko. Tumingin ako kay, Sum. Namumuo na naman ‘yung mga luha sa mata niya. “Sum, you should go inside, I’ll handle everything.”
“No,” sinampal niya si Pearly, “Huwag mo ngang siraan si Jason, nakapag usap na kami kanina and he never mention ‘yang sinasabi mo,” gaganti rin dapat nang sampal si Pearly, pero napigilan siya ni Sum. “Dustin is breaking up with you. I will say sorry pag okay na ako, so will you please… Umalis ka lang sa harapan ko.”
“How dare you?! You’re not Dustin, wala kang karapatan na sabihin ‘yan.” Nagtitigan sila na parang may electric current na dumadaloy sa pagitan nila.
“Dustin, puwede huwag mo nang hintayin na utusan pa kita.” Pumagitna ako sa kanila at hinarap si Pearly.
“Let’s end this, everything is just an act. We’re not supposed to say this but I’m really sorry- Aw!” Napahawak ako sa pisngi ko.
“Jerk! Magsama kayo niyang nerd na ‘yan! Stupid!” Inirapan niya pa kami bago tuluyang umalis. Napatingin ako kay Sum, nasa pintuan na siya ng bahay niya.
“Hey Sum!” Pigil ko sa kanya.
“You can go, wala na akong energy Dustin,” sabi niya sabay sara ng pinto.
Gano’n na lang ‘yun? Seryoso ba siya tungkol sa pag terminate ng contract? Pero wala pang three months…At saka parang hindi ko kaya, ngayon pa na… na… I feel something nice. ‘Yung feeling na, parang ayaw mo nang matapos ‘yung oras pag kasama mo siya? Tapos para kang nasa roller coaster, may mararamdaman kang lula sa tummy mo. O kaya parang may popcorn na niluluto sa dibdib mo. Ang korni. Sa mga libro ko lang nababasa ‘yung mga ganitong feeling everything is new, pero alam ko na kagad kung ano’ng ibig sabihin.
From: Heartbreaker Academy
Your contract with Ms. Summer Danielle Antonio has been terminated. Please report in the office ASAP. Congratulations for having a high rating!
Wow. Hindi ko ineexpect na ganito kabilis. Seryoso talaga si Summer sa pag terminate ng contract. Alam naman niya siguro na after nito hindi na kami puwede magkita ulit. Parang may tumutusok sa dibdib ko. Masakit, pero wala ito ang gusto ni Sum.
“Kuya, bakit Nand’yan ka sa labas?” Napatingin ako kay Rain. “LQ kayo ni Ate?” Natatawang tanong niya.
Umiling ako at sinabing, “Ah hindi, sige mauna na ako.” Iniwanan ko siyang nagtataka.
Calling Mrs. Antonio…
Summer
“Yes, please. Yes he really did a good job. Okay. Thank you very much,” parang patay ako sa bawat sagot ko sa customer service ng Heartbreaker.
Sa pag patay ko ng phone ko, feeling ko pinatay ko na rin ‘yung puso ko. Ang sakit, e. Tanga ko yata, hindi ko naman kailangan i-terminate kagad ‘yung contract. Kung tutuusin chance ko na ‘yun para mas makasama pa siya, pero kasi naisip ko rin na kung magtatagal pa baka ako pa ang mahirapan. Pero kanina sinabi niya na baka gusto niya raw ako ‘di ba? Hay naku, naguguluhan na ko. Pero nakapagdecide na ako move on na lang. Hay.
“Ate, pumasok na ko.” Napatingin ako kay Rain. “Hala ka, may LQ nga kayo ni kuya Dustin?” Pinahiran ko ‘yung luha ko.
“Ano ba’ng sinasabi mo? Saka sino si Dustin? Napuwing lang ako, ‘no,” palusot ko.
“Napuwing ka sa loob ng bahay? Ayos ‘yan huh.” Nilapag niya ‘yung dala niyang plastic bag sa center table. “Kunwari pa ‘tong si Ate, ano pinag awayan niyo ni Kuya Dustin?”
“Hindi ko nga kilala ‘yang sinasabi mo,” umupo ako at kinuha ‘yung piatos na dala niya. Nakatingin lang siya sa akin na nagtataka. “Bakit?” Sabay subo ng piatos.
“Mukhang malala ‘yung pinag awayan niyo huh?” Tinignan ko lang siya nang masama, hindi na siya nag salita pa.
“Ano pala ginagawa mo dito?” Tanong ko.
“Wala, pinapunta ako dito ni Mommy, e. Baka daw kasi maglaslas ka.” Ngiting aso lang sinagot ko sa kanya. “Tsk. Ate naman, parang ibang tao naman ako niyan. Ano ba kasi nangyari?” Inis nang tanong niya.
“Wala nga, d’yan ka na nga. I-lock mo ‘yang pinto pag alis mo o kung d’yan ka man matutulog.”
Pag akyat ko sa kwarto, binuksan ko ulit ‘yung phone ko. Tatawagan ko ba siya o tatawagan ko? Ang tanga ko naman kasi, e. Tawagan ko na kaya? Baka naman… Ah hindi na talaga. Move on Sum, mangyayari naman talaga ‘to, e. Mas mabuti nang tinapos mo nakagad, mas lalo kang masasaktan pag pinatagal mo pa.
“Tama tama.” Pangungumbinsi ko sa sarili ko.
***
Kakatok ba ako o kakatok? Hindi ako nakatulog buong magdamag kakaisip sa nangyari kagabi, sana nga panaginip na lang ‘yun. Yosh! Dapat makapag usap muna kami, kakatok na ako.
“Dus… Sino po kayo?” Nanlaki ‘yung mata ko, dahil matandang lalaki ‘yung nagbukas. Hindi naman super tanda ‘yung parang mga nasa 40s na. “Na saan po si Dustin?”
“Ah ‘yung dating nakatira dito? Hindi ko alam hija, nagulat na nga lang ako noong nakita kami noong batang ‘yun sa ilalim ng tulay kagabi, sinabi bibigyan daw kami ng bahay.” Napakurap kurap ako sa sinasabi ni Manong.
“Ibig sabihin kayo na po nakatira dito?” Hindi makapaniwalang tanong ko.
“Oo hija, hindi nga kami nakapagpasalamat nang maayos sa batang iyon, dahil umalis siya kagad pagkahatid niya sa amin dito,” sagot naman nito
“Gano’n po ba, sige po mauna na po ako,” paalam ko.
***
“Naku Sum, tawagan mo na kung tatawagan mo na. Malulusaw na ‘yang phone mo kakatingin oh,” tinignan ko ng masama si Lheine, “Tss. Alam mo hindi ko alam kung ano’ng pinag-awayan niyo ah, pero naiinis ako kasi bakit niya kailangan mag transfer ng school? At agad agad ha? Wala man lang pasabi.”
“Hindi kami nag away, ‘no! Kailangan niya lang talaga umalis na… At kasalanan ko kung bakit napaaga ‘yun,” halos pabulong kong sabi sa huling linya. Niyuko ko ulit ‘yung ulo ko, at nag mukmok.
“Tawagan na kasi, ang arte arte pa.” Kinuha niya yung phone ko, at may dinial. “Ah Dust… Subscriber cannot be reach? Bakit kaya?”
“’Wag mo na kasi tawagan, hindi na babalik ‘yun. Tss.” Hinatak ko sa kanya ‘yung phone ko at yumuko na ulit. Hinga ng malalim, nakita ko si Pearyl papunta sa direksyon namin, iginawi ko sa ibang direksyon ‘yung ulo ko. Badtrip.
“Hoy malanding babae, ano naman ang inutos mo kay Dustin at bigla siyang nag transfer ng school?!” Inangat ko ‘yung ulo ko, tapos pinakita ko sa kanya na wala akong interes na kausapin siya. “Grr. Humanda ka, pag nalaman kong may kinalaman ka lagot ka sa akin.” Tinanguan ko lang siya, na inis ata kaya umalis na kagad.
“Ano’ng problema no’n? Saka sila na ni Dustin ‘di ba?” Tinignan ko si Lheine with a serious face.
“Break na sila…”
few months later… December 24th 20xx 11:59:50
“10…9….8…7…6…5…4…3…2…1... Merry Christmas!” Kumiss ako sa pisngi ni Mommy at Daddy. “Merry Christmas po. I love you Dad, I love you Mom.”
“Baby, may nag papabigay sa’yo,” kinuha ko ‘yung box na inaabot ni Mommy, “Galing sa isa sa mga estudyante namin.” Nginitian lang ako ni mommy nang nakakaloko. Tss. Si Mommy talaga.
To: Summer Danielle Antonio
Merry Christmas!
From: Dustin Parker
Nagulat ako nang makita ko ‘yung pangalan niya. Ilang buwan akong naghintay nang tawag galing sa kanya, pero wala. Inisip ko na lang na dahil sa contract kaya hindi niya ako kinokontak. Kahit minsan din hindi nag krus ang mga landas namin. Si Mommy, tuwing bubuksan niya ang topic tungkol kay Dustin nagkukunwari akong hindi ko naririnig o kaya iibahin ko ‘yung usapan.
Mabilis lumipas ‘yung panahon, hindi ko nga napansin na ilang buwan na. Madaming nag bago, hindi na ko tinuturing na nerd sa school, wala na kasi akong salamin. Hindi ko nga alam kung bakit nerd ang tawag sa mga nakasalamin. Anyway, madami mang nag bago sa akin, pero ang puso ko… Iisang tao pa rin ang sinisigaw. Ewan ko ba, hindi ko na nga siya nakikita pero tuwing maalala ko ‘yung mga panahon na magkasama kami. Kahit sa saglit na panahon na ‘yun na maalala ko ‘yung puso ko bigla na lang tumatalon sa tuwa.
Abnormal nga siguro ako. Madami na rin ang sumubok na pumasok, pero hindi talaga sila, e. Siguro kasi umaasa pa rin ako na baka sakaling bumalik o magkita ulit kami. Minsan nga nasa mall ako, may nakita akong kamukha niya hinabol ko pa ‘yun, kasi akala ko siya talaga.
“Tititigan mo lang ba yan?” Hindi ko pinansin si Mommy. “Lumabas ka na nga lang, dali kanina pa nag hihintay ‘yun sa’yo sa labas. Tagal mo kasing buksan, e.” Tinignan ko si Mama, ‘yung tingin na parang ‘weh?’ pero nginitian niya lang ako at pinag tulakan na lumabas.
Pagdating ko sa gate nakita ko si Lheine. “Ano’ng ginagawa mo dito?”
“Wow, hindi ba puwedeng Merry Christmas ang isalubong mo sa akin?” Natatawang tanong niya.“Merry Chirstmas bff. At dahil dyan may regalo ako sa’yo,” naglabas siya ng isang rosas, “Actually, hindi sa akin galing ‘to. Sa isang taong epal. HAHAHA. Biruin mo pag patak ng 12:01 hinatak na kagad ako papunta dito. Muntikan ko ng hindi mabati ng Merry Christmas ang family ko. HMP! Anyway, pumunta ka sa park nitong subdivision. May makikita ka do’n.” Hindi pa ako nakakareact sa sinabi niya itinulak na niya kaagad ako papalayo sa kanya.
“Pearly?” Inirapan niya kaagad ako. “Merry Christmas,” mahina kong sabi, siya kasi ‘yung naabutan ko rito sa park.
“Merry Christmas,” pasuplada niyang sabi.,“Oh, pumunta ka sa children’s park,” inabutan niya ako ng dalawang rosas, “Bakit ba ako nadamay dito?”
“Salamat?” Pagkasabi ko no’n pinagtabuyan na niya ako. Naku naman sumasakit na ‘yung paa ko ah.
“Merry Christmas Summer!” Napatingin ako sa sumalubong sa akin sa children’s park.
“Jason,” kinuha ko kagad ‘yung tatlong rosas na hawak niya, “Napapagod na ako ha, nasaan ba talaga ‘yang si Dustin?” Iritadong tanong ko.
“Dustin? Nandito ba siya?” Tinignan ko nang maigi si Jason, mukha namang hindi siya nag sisinungaling. “Anyway, may isa pa akong surprise, pero kailangan mong isuot ito.” Naglabas siya ng isang eye mask.
“Ano’ng gagawin ko diyan?” Taas na kilay na tanong ko.
“Ipangtatakip sa mata?” Natatawang tanong niya.“Anyway, ‘wag nang matanong. Ito na ‘yung sundo natin,” tinignan ko ‘yung sundong sinasabi niya. “Cool ‘di ba? Pinoy style,” inalalayan niya akong makasakay sa kalesa. Oo kalesa. “Manong, tara na!” Bago kami tuluyang makalarga isinuot na niya sa akin ‘yung eye mask. “’Wag kang sisilip ha?” Tumango na lang ako.
May ilang minuto rin siguro kaming nakasakay do’n at umaandar. Walang nag sasalita sa amin, ang tahimik nga, e.
“Jason, malayo pa ba tayo?” Tanong ko.
“Malapit na.” Nanigas ako bigla sa puwesto ko.
Hindi boses ni Jason ‘yun.
Dustin
“Thank you very much, Ma’am. I’ll promise you won’t regret this,” niyakap ko si Mrs. Antonio.
“I know, and I’m sure about it. Nagkita na ba kayo ulit?” Ngumiti ako at saka umiling. “Why?” Nagtatakang tanong niya.
“Gusto ko pong mamiss niya ako nang sobra, unfair po kaya ‘yung ginawa niya,” nakangiti kong sagot.
“Mga bata talaga ngayon oh. Ikaw ang bahala, pero ‘wag mo ako sisisihin kung mahuli ka na ha? Ginusto mo ‘yan. Alam mo ang usapan natin.”
“Yes, Ma’am!” Sabay saludo.
Ilang buwan na nga ba noong huli kaming magkita? Hindi ko na rin matandaan. After no’n, tinapos ko lang ‘yung semester sa Heartbreaker Academy at lumipat na ako ng ibang school. Bakit ko ginawa ‘yun? Syempre, kung mag stay pa ako do’n, hindi ko na talaga makikita si Summer, although pinayagan naman ako ni Mrs. Antonio, pero kasi unfair kasi ‘yun sa ibang student ng school na sumusunod sa rules. Saka hindi naman porque hindi kami nagkikita ibig sabihin hindi ko na nga siya nakikita. Nakikita ko naman siya pero syempre invisible ako sa kanya.
Nag kaayos na kami ni Pearly, Jason at si Lheine na galit na galit noong nawala ako bigla. Hindi ko naman sinabi sa kanila ‘yung totoong nangyari, syempre kahit wala na ako sa school, rules are still rules.
Christmas na at syempre may pakulo ako. Hehe. Kasama ko sila Lheine, although hindi naman ako ‘yung tipo ng tao na magaling sa surprises I’ll take my chances. Wala namang mawawala kung itatry ko ‘di ba? Saka ramdam ko naman na hindi pa huli ang lahat para sa amin ni Sum. Ramdam ko talaga promise! HAHAH.
“Merry Christmas po,” pagkabati ko sa family ni Lheine, hinatak ko na kagad siya. Kailangan na namin makapunta sa bahay ni Sum.
“‘To naman kung makamadali, nando’n na ba ‘yung dalawa?” Tumango lang ako, at nagtuloy tuloy lang sa pag lalakad.
“Bahala ka na ha?” Iniwanan ko na siya at kinuha ‘yung pinakamodernong sasakyan na nakita ko. Joke lang.
Naghintay ako sa last stop, nakasakay sa nirentahan kong kalesa. Oo na, ang korni. Napanuod ko lang ‘to somewhere eh. ‘Yung mga babae mahilig daw sumakay dito kasi feeling nila Prinsesa sila.
“Jason.” Napatingin ako sa direksyon nila Jason. “Napapagod na ako ha, nasaan ba talaga ‘yang si Dustin?” Napangiti ako nang narinig kong sinabi niya ‘yung pangalan ko. Ngayon ko na lang ulit narinig ‘yun!
“Dustin? Nandito ba siya? Anyway, may isa pa akong surprise, pero kailangan mong isuot ito.”
“Ano gagawin ko d’yan?”
“Ipangtatakip sa mata?” Natatawang tanong ni Jason.“Anyway, ‘wag na matanong. Ito na ‘yung sundo natin.” Ibinaba ko ‘yung salakot ko, ‘yung medyo takip na ‘yung mukha ko para hindi niya ako makita. “Cool ‘di ba? Pinoy style. Manong, tara na!” Sabay palo sa akin. Masakit. Bago kami tuluyang makalarga isinuot na niya ‘yung eye mask kay Sum. “’Wag kang sisilip ha?”
Tinignan ko kung talagang nakapiring na si Sum, nang sigurado na ko. Inalis ko na ‘yung salakot ko, tapos sinenyasan ko na ‘yung talagang kutsero. Dahan dahan kaming kumilos ni Jason para makababa siya at makalipat ako sa puwesto niya. Mukhang hindi naman nakahalata si Sum, kaya tinapik ko na si Kuyang Kutsero para umalis na kami. Hindi ako nagsasalita, tinitignan ko lang siya. Ang ganda niya pa rin, hindi pa rin siya nag babago.
“Jason, malayo pa ba tayo?” Tumingin ako sa paligid namin. Okay, konti na lang nasa tamang spot na kami.
“Malapit na.” Naramdaman ko na nag stiff siya sa pag kakaupo niya.
“Sino ka? Hindi ka si Jason!” Tatanggalin na sana niya ‘yung eye mask niya, pero pinigilan ko.
“Hindi pa puwede.” Hinawi niya ‘yung kamay ko, pero hindi naman niya tinanggal ‘yung eye mask.
“Naku, Dustin. Kung ano man ‘tong pakulo mo, siguraduhin mong hindi mo masisira ang pasko ko. Kung hindi…”
“Kung hindi… ano?” Hindi siya sumagot, kinagat niya lang ‘yung labi niya. Sakto naman huminto na ‘yung kalesa. “Nandito na tayo.” Pinababa ko muna yung kutsero saka ko tinanggal ‘yung eye mask niya.
“Niloloko mo ba ako? Bahay namin ‘to, e!” Nginitian ko lang siya, at tumango. Tinitigan niya ako ng masama. “Kung magpapakita ka sa akin, puwede naman sa madaling paraan, e! Bakit nag pakahirap ka pa nang gano’n?”
“Hindi ko rin alam, e. Parang tanga lang, ‘no?” Hindi ko inaalis ‘yung tingin at ngiti ko sa kanya.
“Oo, ang tanga tanga mo!” Pinalo palo na niya ako sa dibdib. “Nakakainis ka. Tanga ka talaga.” Hinawakan ko ‘yung dalawang kamay niya na pumapalo sa akin.
“Masakit na ha?” Sabi ko gamit ‘yung pinakamalambing ko na boses. Tinitigan ko siya at sinabing… “Handa akong magpakatanga para sa’yo, gano’n naman talaga pag mahal mo ‘yung isang tao ‘di ba? Kahit nag mumukha kang tanga, ayos lang masaya ka naman… ‘Yung tipong handa akong makipag habulan sa mall para lang maiwasan kita at hindi mo na ako makita. ‘Yung tipong lalapitan ‘yung ex mo para malaman kung ano ‘yung mga gusto at ayaw mo o kaya mag drop sa school para makasama ka…” Napatingin siya sa akin. “Sorry, ikaw naman kasi may gusto na umalis ako, e.”
“Sabi mo nga, pag nagmamahal ka handa kang magpaka tanga. Alam ko naman kasi na hindi rin magtatagal mawawala ka rin sa akin, e.” Tumalikod siya sa akin. “Pero ‘yung totoo? Nag drop ka talaga?”
“Bakit hindi mo ko tignan habang tinatanong mo ‘yan? Pano mo malalaman kung seryoso ako.” Hindi pa rin siya tumitingin kaya ako na ang lumapit at iniharap siya sa akin. “Bakit ka umiiyak?” Niyakap niya ako bigla. “Sum…”
“s**t naman kasi eh! Ang tagal ko ‘tong hinintay. Bigla ka na lang kasing nawala. Hindi ka man lang nag paalam. Hindi mo man lang ako kinausap.” Lalong humigpit ‘yung yakap niya. Hinalikan ko siya sa noo.
“I love you, Sum. Promise hindi na ako aalis.”
“Ahem.” Napatingin kami sa harapan ng bahay nila Sum. “Puwede mamaya na kayo mag landian? It’s time,” sabi ni Lheine.
Hinatak ko si Sum sa gitna ng garden nila. “Tumingin ka lang sa taas… 3… 2… 1…”
“Oh my~ Ang ganda!!” Napayakap siya sa akin. “Si Jason nag sabi sa’yo na mahilig ako sa fireworks, ‘no?” Nginitian ko lang siya at pinanuod na din ang fireworks. Nang mapansin kong nakatingin na ulit siya sa itaas. Tinitigan ko na lang siya. Ang maganda niyang ngiti, saka ko pasimpleng nilagay ‘yung isa kong kamay sa bewang niya at tumingala. Ninanamnam ang bawat sandali.
“I love you, Sum. I always do.” Bulong ko habang patuloy na pinapanuod ang fireworks. Naramdaman ko ‘yung kamay niya nasa bewang ko na rin
“Minahal din kita.” Napatingin ako sa kanya. Past tense kasi ‘yung sinabi niya, e. Nakatingin na rin siya sa akin. “Pero mas mahal na kita ngayon.” Hinalikan niya ako sa labi. Hindi man matagal, katulad nang na una… Ramdam ko naman ‘yung pagmamahal niya. “Sorry kung kinailangan mong i-give up ‘yung pag-aaral mo sa heartbreaker dahil sa akin.” Kinurot ko ‘yung ilong niya.
“It’s worth it. I don’t regret anything. And for me it’s not heartbreaker anymore. I found you because of it.”
“So, ano gusto mo palabasin?” Nginitian ko siya.
“We should call it… Heartfounder?” Nilamukos niya ‘yung mukha ko.
“Korni mo! Buti na lang mahal kita kahit gan’yan ka.” Kiniss ko siya ulit, tapos hinawakan ko ‘yung kamay niya.
“I love you, too.”
“Hoy tama na yan! Nilalanggam na kayo oh!” Napatingin kami sa kanila, lahat pala sila nanunuod sa amin at vinideo-an pa kami ng Daddy ni Sum!
“Daddy! Turn it off!”
“Why? It’s so sweet~ Sorry honey, I should upload this on YouTube right now.” Mukhang seryoso ‘yung daddy ni Sum, bigla kasing pumasok sa bahay nila.
“Mommy! Pigilan mo po si Daddy!”
“Merry Christmas, honey!” Kiniss lang ni Tita si Sum at sumunod na rin kay Tito. Bigla naman akong pinalo ni Sum.
“Hey! Do something!” Nginitian ko lang siya at…
“I love you! Merry Christmas!” Sabay halik.
-fin-