“Si Summer na naman pala ang nanguna sa pagiging Dean’s lister,” sabi nang katabi kong estudyante.
“Ang talino niya talaga ‘no? Ganda pa,” sabi naman ng katabi pa nito.
“Pinopormahan nga raw ni Jason, e,” dismayadong sabi naman ng isa pa.
Napapa-iling ako tuwing maririnig ko silang nag-uusap nang gan’yan. Puro tungkol kay Summer at kung gaano ito kaganda at talino. Hello. Mas maganda naman ako sa kanya. Ilang araw na akong naiinis dahil sa mga naririnig ko. Si Jason nililigawan daw ang nerd na iyon. Ano ba ang mayroon kay Summer na wala sa akin?
Tignan mo nga naman, kung sinusuwerte ka nga naman. Tinignan ko si Summer na ngayon at papalapit na sa bulletin board, malamang titignan kung ano ang ranking niya. Gumilid ako saglit at nang makalapit na siya ay nakipaggitgitan na rin ako sa ibang estudyante na gusto ring makakita.
“Excuse me,” sigaw ko. “Makikiraan lang,” tinulak ko ang isang babaeng nakaharang sa harapan ko. “Excuse me sabi,” mataray na sabi ko.
Nang makita niya ako ay agad itong nagbigay daan. Magkatabi na kami ngayon ng sikat na sikat na si Summer.
“Hi,” bati ko sa kanya.
“A-ako?” Tumingin siya sa magkabilang gilid niya sabay turo sa sarili. “Hello?” Nagtatakang bati niya.
“Ikaw ‘yan?” Tinuro ko ‘yung pangalan niya sa list.
Tumango siya. “Oo yata,” nagsuot siya ng salamin at tinignan. “Ako nga!” Hindi makapaniwalang sambit niya, “Lheine, number one ulit!”
Tinignan ko ‘yung Lheine, so akala ko si Summer lang ang nerd dito. Well, hindi pala. Nag-usap na silang dalawa na para bang nakalimutan niya nang kausap ko siya kanina. Hinayaan ko na lang.
Hindi ako kasing talino ni Summer, pero may maipagmamayabang naman ako. I’ve been a consistent winner sa mga pageant na sinasalihan ko. Beauty and brain ang labanan do’n, kaya may ibubuga rin ako.
I have attitude, hindi ako nakikihalubilo sa mga taong ayaw kong kasama. Hindi ubra sa akin ang kung ano ang attitude mo sa akin, gano’n din ako sa iyo. Kung ano ako sa iyo, depende iyon kung ano tingin ko sa iyo. Kahit mabait ka sa akin pero kung ayaw ko naman sa iyo, hindi mo makikita ang good side ko.
Wait, tama ba ‘yung narinig ko kanina na pinopormahan ni Jason si Summer? Si Jason ng basketball team? I need to confirm it.
Naglakad ako papunta sa gym. Dito lang naman ang laging tambayan ng mga basketball team. Kahit may klase sila, kung trip nilang hindi pumasok, hindi sila papasok.
Nilinga ko ang mga mata ko. Ilang beses nang umikot ang tingin ko sa bawat member na nando’n, pero wala si Jason.
“Psst,” tawag ko sa isang member, “Si Jason?”
“Pumasok sa klase niya,” sagot nito.
Agad na napataas ang kilay ko. “Pumasok? Si Jason pumasok?” Paglilinaw ko.
“Oo nga,” sagot nito at iniwan na ako.
That’s new. Kilala ko na si Jason since High School, bihira siya pumasok. Pumapasok lang siya para maipasa ang isang subject, pero mas gusto niya pa rin ang maglaro lang ng basketball palagi.
***
“Hindi na kita masyadong nakikita sa gym, huh?” Puna ko kay Jason nang makita ko siya. Ilang araw ko na rin kasi siyang sinusubukan na kausapin, pero laging wala.
Agad similay ang ngiti sa mga labi niya. “Oo, e. Kailangang magseryoso.”
“Si Summer ba?” Nakangising tanong ko. Lalong lumapad ang ngiti sa mga labi niya. “That’s new.”
“Iba siya, e,” ngumiti siya at tila ba kinilig, “Tinamaan talaga ako.”
“Hindi kayo magtatagal,” sabi ko sabay kibit-balikat.
“Oy! ‘Wag ka ngang gan’yan!” Sumimangot siya sa akin at naniningkit ang mga mata niyang tinitigan ako, “Papatunayan ko sa iyo na magtatagal kami. Kahit pumusta ka pa.”
Automatic na kumurba ang isang ngiti sa mga labi ko. “Two thousand, hindi kayo aabot ng dalawang buwan.”
“Deal,” ngumisi siya sa akin, “Ihanda mo na ‘yan,” sabi niya at inaya na ang mga kasamahan niya.
Sinundan ko sila. Naka-uniform kasi sila nang pulang jersey. Para bang may mangyayari na ikatutuwa ng lahat. Nang nasa field na sila ay agad na kumunot ang noo ko. Alam ko na ‘to. May pagkaromantic palang itinatago ang isang Jason Villareal.
Pumuwesto ako sa ilalim ng isang puno hindi kalayuan sa kanila. Nakakadiri mang manood nang ganito, pero gusto kong mapanood.
Ilang sandali lang ay nagdatingan na ang mga tsimosa’t tsimosong estudyante ng school. Lahat sila ay excited na nag-aabang sa mga mangyayari. Unti-unti silang nagform ng heart sa gitna ng field. Now, alam ko na kung bakit pula ang ginamit nila.
“Summer Danielle, will you be my girlfriend?!” Sigaw ni Jason. “Summer, alam ko madami na kong na lokong babae, pero pangako magbabago ako sagutin mo lang ako. I love you, Summer Danielle Antonio,” unti-unting lumapit siya kay Summer, “Will you be my girlfriend?”
Gusto kong matawa. Grabe, hindi ito ang ine-expect ko kay Jason. She can get every girl he wants without giving too much effort like this.
“Y-yes! I will be your girlfriend!” Halatang excited si Summer sa pagsagot niya kay Jason.
Jason kissed her. I can’t take this anymore! Parang gusto kong masuka na hindi ko alam. Bago ko pa marinig ang kanilang nakakadiring mga bibitawang salita, umalis na ako. Hindi ko na talaga kayang marinig pa ang mga iyon. Hindi mada-digest ng utak at sikmura ko.
***
“Nakita mo ba ‘yung proposal na ginawa ni Jason kanina?” Tanong sa akin ng isa kong kaibigan.
“Oo,” walang ganang sagot ko.
“Ang sweet, ‘no? Hindi ko in-expect ‘yun sa kanya,” sabi niya sabay abot sa akin ng isang drink.
Uminom muna ako at saka nagsalita, “Sino ba ang makakaisip na magkakagano’n si Jason? E, ‘di ba nga ubod ‘yun?”
“Oo, ubod. Ubod ng gago,” natatawang sabi nito. Nakipag-high five na lang ako sa kanya.
Nagsayaw ako sa gitna ng dance floor. This is me, a happy go lucky na babae. I want my freedom higit sa lahat. Jason was like me, pero ngayon nagbago na siya. In love nga raw sabi ng iba. Hindi pa ako para sa sinasabi nilang ‘love’ nakakasuka pa rin.
It’s never become my thing. Oo, nagkaboyfriend ako pero hindi ko masasabing may ‘love’ na involve do’n. I just gave them a chance para masabing naging boyfriend ko sila at naging girlfriend nila ako. Kailangan nila ako, e, ’di maggamitan na kami.
“Pearly, are you alone tonight?” Tinignan ko ‘yung lalaking nagtanong.
Ngumisi ako at hinawakan siya sa chin niya. “No,” sabi ko sabay hawi sa mukha niya.
One thing I hate about men, kadalasan katawan lang ang habol nila. Hello, 18 na ako at alam ko ang mga modus nilang gan’yan. Kahit ganito ako, matinong babae pa rin naman ako.
“Leslie, uwi na ako,” paalam ko sa kasama ko, “See you at school na lang bukas.”
“Why? May lalaki na namang lumapit sa iyo?” Natatawang tanong niya.
“Oo, mga gago, e,” sagot ko at umalis na.
***
“Pearly,” tawag sa akin ni Jason, “Musta na? Hindi ka na masyadong nagsasasama sa amin, huh?”
Hindi ako nakasagot, wala naman kasi talaga akong valid reason kung bakit hindi na ako sumasama sa kanila. Kung sasabihin ko ba hindi ko kasi feel kapag nand’yan si Summer, tatanggapin nila? Hindi naman.
“May lakad kami mamaya, sama ka,” aya niya pa.
“Sunod na lang siguro ako,” sagot ko.
“’Yan din sabi mo noong nakaraan, e. Hindi ka naman sumunod,” reklamo niya.
“E, ano naman ba kung hindi ako sumunod?” Taas kilay na tanong ko. “Hindi naman ako kailangan do’n, e,” inis na sabi ko.
“Jason, sorry ngayon lang ak–“ Napatingin sa akin si Summer. “Nandito ka pala, Pearly. Kumusta?” Ngumiti lang ako. “Jason, hindi pala ako makakasama mamaya, may gagawin kaming activity, e.”
“E, ‘di ba usapan na natin ‘to noong nakaraan? Monthsary natin, e,” may tampong sabi ni Jason.
“Sorry talaga,” kinagat niya ‘yung labi niya, “Babawi na lang ako sa susunod, huh?”
Yumakap si Jason kay Summer. Grabe, kailangan ba talagang dito ‘to sa harapan ko? Nasaan na ang ‘NO PDA POLICY’ dito sa tambayan namin? Wala na? Dedma na dahil si Jason naman ang nag-PDA?
“Sama na ako mamaya,” sabi ko pagkaalis ni Summer.
Sabay-sabay silang napatingin sa akin. Nagkibit-balikat lang ako. Gusto ko nang sumama, e. Paki ba nila.
“Hindi talaga nagpunta si Summer, ‘no?” Tanong ni Leslie sa akin. Tumango lang ako, kunwari interesado. “Tingin mo bakit?”
Umirap ako. “Pakialam ko?” Mataray na sagot ko.
“Alam mo, you can just at least pretend you like her,” sabi niya sabay irap.
“E, ayaw ko nga sa kanya, e. Hindi ako makikipag-plastic-an, ‘no,” sabay hawi sa mahaba kong buhok, “Sayang ang time and effort.”
“Sabihin mo nagseselos ka kasi si Summer ang girlfriend ni Jason at hindi ikaw,” sabi nito sabay irap.
Tinignan ko siya. “Seriously? Bakit naman ‘yan ang dahilan na naisip mo?” Natatawang tanong ko. “Jason and I are a big no. As in malaking ‘no’.”
“Talaga? Ayaw mo sa akin, Pearly?” Napatingin ako sa kalalapit lang na Jason. “Ayaw mo talaga sa akin?” Tinaasan ko siya ng kilay. “Bakit hindi ka sumasagot?”
“Humanap ka ng kausap mo, Jason. Hindi ako kumakausap ng taong naka-inom,” sagot ko sa kanya sabay iwas nang tingin.
“Hindi pa naman ako lasing, e,” hinarap niya ang mukha ko sa kanya, “Tara pag-usapan natin ‘yan, ano ba talaga ang problema mo sa girlfriend ko?” Diretso ang pananalita niya pero halata mong naka-inom na ito.
Inalis ko ‘yung kamay niya sa chin ko. “Wala akong problema sa kanya, okay?”
Sinampal-sampal niya ang kanyang pisngi. “Wala daw. Tss. Kaya pala hindi ka na, sumasama sa amin,” umupo siya sa tabi ko, “Sabihin mo na kasi, maganda naman si Summer mabait pa, matalino rin, ano ang ayaw mo sa kanya?” Napipikit na ang mga mata nito.
Huminga ako nang malalim at tinitigan siya. Ano nga ba ang problema ko kay Summer? Wala. Nakikita ko lang sa kanya ang dating ako. Ang dating Perla Mendoza na ang tanging ginagawa ay ang mag-aral at maging tanga sa taong mahal ko. Ano ba’ng napala ko? Wala! Napaglaruan pa ako.
Alam kong iba si Jason, kapag sinabi niyang seryoso siya seryoso siya. Alam ko rin na hindi niya sasaktan si Summer katulad ng nangyari sa akin. Hindi ko lang talaga kayang makita ang dating ako. Naitapon ko na iyon kasama ng nakaraan ko.
“Jason, umuwi ka na nga. Tipsy ka na,” sabi ko.
Mapungay ang mga mata niyang tumingin sa akin. “Bakit ka nagbago, Pearly?” Napalunok ako ng ilang sunod. “Hindi ka naman gan’yan dati. Ano’ng nangyari kay Perla?”
“Jason,” huminga ako nang malalim, “Napag-usapan na natin ‘yan ‘di ba?”
Umiling siya at kinulong ng magkabila niyang kamay ang mukha ko. “Hindi, sagutin mo ako. Ano’ng nangyari sa Perla Mendoza na best friend ko noong high school?”
Hinawi ko ang mga kamay niya at sinabing, “Jason, wala na nga si Perla! Ano ba? Lasing ka na, e,” itinayo ko siya, “Halika, iuuwi na kita.”
Nakaalalay ako sa kanya habang naglalakad kami palabas ng Kaleji Baru. Ito ang ayaw ko kay Jason. Pagnakakainom nagiging madaldal. Ang mga bagay na hindi dapat pag-usapan inuungkat. Tss.
Inakbay ko ‘yung isang braso niya sa balikat ko para maalalayan ko siya nang maigi. Hindi raw siya lasing, pero hindi na makapaglakad nang maayos. Huminto kami saglit nang nasa labas na kami at medyo malapit na sa taxi bay. Niyakap ko siya at inayos ng tayo.
“Jason, ‘wag ka muna nga matulog,” reklamo ko habang inaayos ko siya.
Umugol lang siya. Niyakap ko muna siya habang naghihintay ng taxi. Mahirap kasi kung nakaakbay lang siya. Bumabagsak ang kalahati ng katawan niya. Amg hirap kaya.
***
Naniningkit ang mga mata ko nang tignan ko si Jason. “Ano’ng nangyari?” Walang ganang tanong ko sa kanya.
Naglapag siya ng dalawang libo sa harapan ko. “Wala na, e,” umupo siya sa harapan ko at tinignan si Summer sa laging puwesto nito sa cafeteria, “Hindi ko alam kung ano’ng nangyari,” huminga siya nang malalim, “I thought we’re okay, pero hindi pala. She’s in pain. She never told me na nahihirapan pala siyang makisama sa iba nating kasama,” yumuko siya at mahinang inuntog ang ulo sa lamesa, “Sana sinabi niya para nagawan ko ng paraan. She’s all I want.”
Lumipat ako sa tabi niya at inakbayan siya. “Bakit ka pumayag kung siya lang pala ang gusto mo? Gago ka rin, e.”
Humarap siya sa akin, pero nakadikit pa rin ang ulo niya sa lamesa. “Oo nga, pero ayaw ko siyang nakikitang nasasaktan. Nasasaktan din ako.”
“You’re unbelievable,” naiiling na sambit ko, “Paano kita naging best friend?”
“Mahal mo kasi ako,” sabi niya sabay irap.
“Pagkalat mo,” kinurot ko ‘yung ilong niya, “Pag may naniwala paninindigan ko,” natatawang sabi ko.
“Si Summy naniniwala,” malungkot na sabi niya.
Pinasadahan ko ng palad ko ang mukha niya at sinabing, “Ano ka ba? Puwede ‘wag masyadong seryoso?”
“Seryoso,” huminga siya nang malalim at tinuktok ulit ang ulo sa lamesa, “Sabi ko tayo.”
Nanlaki ang mga mata ko at pinalo ko siya sa braso. “Gagi! Bakit mo sinabing tayo?” Mahina pero gigil na sabi ko sa kanya.
Huminga siya nang malalim at nagkibit-balikat. “Wala akong nadahilan, e.”
Kumunot ang noo ko at tinignan ko siya nang maigi. “Tumayo ka nga, mag-usap tayong dalawa,” tinignan niya lang ako, “Bakit mo kasi sinabi iyon?” Bulong na tanong ko sa kanya.
“I want to give her reason para bumitiw siya,” sagot niya.
“Gago ka rin talaga, bakit mo naman siya bibigyan ng reason kung ayaw mo naman siyang mawala?” halos bulong na tanong ko.
“Nasasaktan siya, so ano’ng gusto mong gawin ko? Hayaan ko siyang magstay sa akin kahit na alam kong patuloy lang siyang masasaktan?” Tumayo siya, saglit na tumingin sa puwesto ni Summer at saka tuluyang umalis.
Napapikit ako nang mariin. Hindi ako makapaniwala sa ginawa ni Jason. Ugh! Minsan talaga nakakatanga ang magmahal!
***
“Hi!” Napatingin ako sa lalaking lumapit sa akin. “I’m Dustin,” sabi niya sabay abot ng kamay niya.
“Pearly,” tipid na sagot ko. Sinundan ko nang tingin ang pag-upo niya sa harapan ko. “May kailangan ka ba?” Mataray na tanong ko.
“Wala, nakita kasi kita mag-isa dito,” nagpalumbaba siya, “Ang ganda mo naman, may boyfriend ka na ba?”
Napataas ang kilay ko. “So, bakit gusto mong malaman?” Nagkibit-balikat siya. “Tranfer ka dito?”
“Yeah, this is my first day,” ngumiti siya, “You actually made my day already.”
Bahagyang natawa ako, normal sa akin ang mga lalaking gan’to. Pero iba ang isang ito. Mukhang kahit itaboy ko siya hindi siya aalis. In fairness naman, guwapo ang isang ito, at mukhang edukado talaga.
“Are you trying to flirt with me?” Natatawang tanong ko.
Ngumiti siya. “If you call this flirting then yes, I’m flirting with you,” sabi niya sabay kindat.
“Seriously?” Medyo natatawang tanong ko.
Just like what I’ve thought, hindi nga siya titigil kahit itaboy ko pa. We talked for like… The whole day, I guess? Hindi siya boring kausap, may sense kasi ‘yung mga sinasabi niya. Though, he’s a certified flirt. Halatang pumuporma siya, pero hindi siya ‘yung pumuporma na agad-agad. As in ‘yung sinasabi kagad ‘yung motive niya. More like, he’s gathering information pa.
“You look like an athlete, why don’t you try to join our basketball team,” sabi ko.
“Can I?” tanong niya.
“Yeah, I can refer you, semester just started kaya I think they still accepting applicants,” tinignan ko siya, “Do you think you can play?”
Ngumisi siya. “Piece of cake,” mayabang na sabi niya.
***
“Hey Dustin, kamusta try out mo sa basketball team?” Bungad na tanong ko kagad sa kanya.
“Okay naman, in fact pasok na ako sa team,” sagot niya.
Nakangiting tumango tango ako. “I knew it!” Inilagay ko ‘yung kamay ko sa braso niya para hatakin. “We need to celebrate,” natutuwang sabi ko.
Tinanggal niya ‘yung kamay ko at sinabing, “May klase pa ako mamaya, e,” inikot niya ‘yung tingin niya sa buong cafeteria, “Pati okay lang ba na… How should I say this… You know… ‘Yung nakikipaglapit ka sa akin? I heard boyfriend mo daw si Jason.”
Hinarap ko ‘yung mukha niya sa akin. “Hindi naman kami ni Jason, we’re just playing. You know, he needs me and I need him,” sabi ko.
Well, that’s partly true. We’re best friends kaya alam niyo na. Support each other ang peg namin.
“You need him? For what?” Nagtatakang tanong niya.
Ano nga ba ang isasagot ko? E, mukhang alam nga ng lahat na naging kami ni Jason, pahamak talaga ang isang ‘yon. Tsk.
“He’s popular, and we need each other to maintain our popularity,” walang kemeng sagot ko na lang. Ano ba kasing sasagot ko? Mahal ko kasi siya gano’n? Sa lahat ata siya ang huling taong mamahalin ko na higit pa sa pagiging best friend.
“I heard naging si Jason daw at saka si Summer, why did they broke up?” Awtomatikong umangat ang kilay ko. “I’m just curious.”
“Why not? Summer is too plain, and she’s kinda nerd,” Tinignan ko si Summer. Too plain and kinda nerd–ang dating ako. “See? She’s always with her books.”
“I don’t think that will be considered as nerd,” tinignan ko siya.
Hi bit his lower lip. s**t! Bakit ganito ang lalaking ito?
“Hot,” wala sa loob na nasambit ko, “Don’t do that again, baka makalimutan ko kung na saan tayo,” umiwas ako nang tingin.
Shocks! Baka isipin niya ang pervert ko.
***
“So, ano ang catch sa inyo ni Dustin?” Tanong ni Jason, umupo siya sa tabi ko. “Close na close, huh? Baka makalimutan mo nang panindigan na mahal mo ako.”
“May naniwala ba?” Natatawang tanong ko.
“Oo, si Lheine at Summer,” inis na sabi niya.
“Gago ka kasi, e. Kasalanan mo ‘yun,” paninisi ko sa kanya. Tinulak niya ako at inismiran. “Bakit kasi hindi mo balikan?”
“Paano ko babalikan kung alam nila tayo?” Inis na tanong niya.
“E, bakit parang ako ang sinisisi mo? Sino bang nagsabing sabihin mong tayo? Ako ba? Hindi, ‘di ba?” Medyo inis na balik ko sa kanya.
“E, tulungan mo na akong ayusin. Liligawan ko ulit si Summer,” tinaasan ko siya ng kilay, “Best friend tayo, ‘di ba?” Nakapuppy eyes na tanong niya.
“May magagawa pa ba ako? Tss,” sagot ko.
“Pearly,” napatingin kami sa tumawag sa akin. Si Dustin pala, “Kanina pa kita hinahanap, e. May sasabihin sana ako.”
“Oh, ano ‘yun?” Tanong ko.
“Puwede ‘wag dito?” Nagkatinginan kami ni Jason.
“S-sige,” sagot ko.
Hinatak niya kagad ako papunta sa gitna ng field. Ang init. Sa dami talaga ng lugar dito pa.
“Uhm… Pearly…” Simula niya.
“Yes? Something wrong?” Natatawang tanong ko, “Recently medyo lagi kang seryoso, huh?” Nginitian ko siya, just to ease his seriousness.
“Kasi,” huminga siya nang malalim, “I want to ask you if I can court you,” yumuko siya ng konti.
Tumawa ako nang mahina. “I didn’t know na mahiyain ka pala. Hmm…” inangat ko ‘yung mukha niya, “You can, but this will be our secret. Alam mo naman si Jason, I still need him,” nag-sad face siya. Gusto ko nang sabihin. Letse! “Don’t worry baby, aayusin ko lang ‘yung sa amin ni Jason and I’ll be yours, okay?” Ngumiti siya at sinubukan akong yakapin pero pinigilan ko, “Later babe, we have lots of time for that.” I winked and left him
Grabe. Bakit feeling ko ang desperada ko? One thing is for sure. I like Dustin. Iba siya sa mga lalaking pumoporma sa akin. Hindi siya ‘yung lalaking basta basta lang. Kailangan ko nangang ayusin ‘yung kay Jason. Hay.
***
“You may not be the perfect girl, but I’m perfectly captivated by you,” tinitigan ako ni Dustin, “Will you be my girl, Pearly?”
He’s been courting me for a week. And I can’t deny na hindi ako nahuhulog sa kanya. He can make my heart beat so fast with just a glimpse of him. Wait, parang sa kanta iyon? Ah. Basta! Iba ang epekto niya sa akin.
“It’s my lost kung sasabihin kong ‘no’,” ngumiti ako sa kanya at lumapit, “Yes.”
“Narinig niyo ‘yon?” Tuwang-tuwang tanong niya sa mga kasama namin, “Sinagot na ako ni Pearly!”
“Hoy!” Natatawang pigil ko sa kanya.
“I just can’t wait to tell everyone about this,” hinawakan niya ‘yung kamay ko, “This is real, right?”
Ngumiti ako at tumango. “Oo,” sagot ko.
***
“Ano’ng ginagawa mo rito?” Nagtatakang tanong ko nang makita ko si Dustin sa labas ng bahay ko.
Ngumiti ito at lumapit sa akin. “Sinusundo ko girlfriend ko,” sagot nito.
“Gan’tong oras? Wala na akong klase nito, alam mo naman ‘di ba?” Taas-kilay na tanong ko.
“I want to meet you my friends,” nakangiting sagot niya.
Hindi na naman ako nagreklamo, ayos na rin naman ako dahil kagagaling ko lang sa klase ko. Pagdating naman si school dumiretso kami sa cafeteria. Kapapasok pa lang namin may idea na ako kung sino ang ipapakilala niya sa akin.
“Hi girls. Meet my girlfriend Pearly,” pakilala niya sa akin sa mga kaibigan niya, “Pearly si Summer at Lheine.”
“I know them already,” hindi ko maiwasan na maging mataray. Minsan iniisip ko kung bakit pa nga ba ako naiinis kay Summer? Dahil katulad siya ng dating ako o dahil iniwan niya si Jason? “Hi, Summy. How are you?” Napakunot ‘yung noo ko parang may sinabi kasi siya, e. “Saying something?” Tanong ko.
“Wala, sabi ko okay lang naman ako. Ikaw? By the way, you look good together.” Sunod sunod na sabi niya. Tinignan niya ‘yung relos niya. “Oh got to go. May class pa pala ako.” Paalam niya.
Napakunot ulit ‘yung noo ko nang pigilan ni Dustin si Summer sa pag-alis.
“Wala kang klase nang ganitong oras,” sabi ni Dustin.
Ngumiti si Summer at saka inalis ‘yung kamay ni Dustin sa braso niya. “Make up class. See you.”
May kung anong sumakit sa dibdib ko. Hindi ko alam. Kailangan ko bang magselos?
“Ah sige mauna na rin ako, gagawa nga pala kami ng project,” paalam naman ni Lheine
“Wait, may problema ba si Sum?” Tanong ko kay Lheine.
“Babe, kung may problema man si Sum, hindi mo na kailangang problemahin ‘yun. Malaki na siya, ‘no,” inis na sabi ko.
Nagseselos ako Dustin! Please naman!
Umirap muna si Lheine at saka ako hinarap. “Oo nga naman Dust, tama ‘yung girlfriend mo,” nanlalaki ang matang sabi niya, “Malaki na si Sum, kung may problema man siya hindi ka niya kailangan,” inismiran pa niya ako bago tuluyang umalis.
“Lheine!” Tatayo sana si Dustin pero pinigilan ko siya.
“Let them be, from now on hindi mo na kailangan sumama sa kanila,” sabi ko.
Tinitigan niya ako ng ilang segundo at tinanong, “Why? They are my friends, and I will not leave them even if you say so,” malamig na sabi niya.
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Tatayo na sana ulit siya, pero pinigilan ko ulit. “What’s with that?” Naguguluhang tanong ko. “I’m your girlfriend, dapat nakikinig ka sa akin,” dagdag na sabi ko pa.
Huminga siya nang malalim at saka binalik ang tingin sa akin. “I’m sorry. Sila kasi ‘yung una kong kaibigan dito kaya alam mo na, medyo-“
“Stop it,” pigil ko sa kanya. Masakit talaga sa dibdib. Hindi ako sigurado, pero malang sa nagseselos ako. “Hindi mo na sila kailangan. I’m here and you also have the basketball team,” tinignan ko ‘yung relos ko, “You still have class, mauna ka na,” paalala ko sa kanya.
Hindi na siya nagsalita at iniwan na lang ako. Bakit gano’n? Bakit feeling ko bigla siyang lumayo. Masyado ba akong selfish? Maybe I need to make it up to him. Kinuha ko ‘yung phone ko at tinawagan si Jason.
“I’m on my way to somewhere,” bungad niya sa akin, “Bakit ka napatawag?”
“Alam mo kung saan bahay ni Dustin?” Tanong ko.
“Yeah, magkatabi ang bahay nila ni Summy, why?” Balik na tanong niya.
Hindi ko alam, pero parang biglang nag-init ang dugo ko. Magkatabi sila ng bahay ni Summer? Ngayon, kailangan ko na nga sigurong magselos.
Dumaan ako sa mall para bumili ng pizza at some shake. Pupuntahan ko si Dustin. Kailangan ko siyang puntahan. Gusto ko siyang puntahan. Kainis. Pagdating ko sa bahay niya wala pang tao kaya umupo muna ako sa gilid.
Excited akong tumayo nang makita ko ‘yung kotse ni Dustin. “Hi babe!” Bungad ko sa kanya.
“Ano’ng ginagawa mo rito? At paano mo nalaman ‘tong bahay ko?” Nagtatakang tanong niya.
“Surprise? Jason told me na magkapit bahay raw kayo ni Summer kaya ayun pumunta na ko rito, nag dala rin ako ng pizza and some shake drink,” pinapasok niya ako sa loob ng bahay niya. Nilibot ko kagad ‘yung paningin ko sa loob. In fairness malinis siya. “Gusto kong manood ng DVD,” request ko.
Agad naman siyang pumayag, kinuha niya sa akin ‘yung pizza at shake na dala ko at nagpunta sa kusina, pagbalik niya nakaayos na ito sa ibang baso at nakalagay na ang tig-dalawang pizza sa dalawang magkaibang plato. Ipinatong niya ito sa center table at nagpakita sa akin ng ilang DVD, pinili ko ‘yung medyo action, baka kasi ayaw niya ng chick flick, e.
Seryoso siya sa panonood, hindi ako mapakali. Nilalaro ko ‘yung hawak kong shake.
“Oh my!” Natapon ko ‘yung hawak ko shake.
“Ayan, hindi ka kasi nag iingat, e,” medyo inis na sabi niya. Tumayo siya at kinuha ako ng tissue.
Pinunasan ko ‘yung damit ko na natapunan, dumikit sa balat ko ‘yung lagkit. “Hindi ‘to puwede, can I use your bathroom? Ang lagkit kasi, e.”
“Ah sige, gamitin mo na lang ‘yung sa kusina,” sabi niya. Tumayo siya at pagtayo niya sinabayan ko rin ng tayo, sa hindi sinasadyang pagkakataon, natapunan ko rin siya ng shake. “Ah!”
“I’m sorry. I’m really sorry,” kumuha ako ng tissue at tinulungan siyang punasan.
Pinigilan niya ang kamay ko “Okay lang, maliligo na lang muna ako, may mga gamit naman d’yan sa bathroom sa kusina, gamitin mo na lang baba kagad ako,” sabi niya at mabilis na umakyat.
Pumasok na ako sa CR at naglinis. Bakit kasi ang clumsy ko ngayon? Nakakainis. Nagmadali akong magsuot ng bathrobe nang marinig kong may nagdoorbell. Mabilis na lumabas ako at binuksan ‘yung pinto.
“Dust…” bitin na sabi ni Summer.
“Hi Summy, sorry nasa shower si Dustin, e,” sabi ko. Napatitig siya sa akin, magpapaliwanag sana ako.
“Pearly, sino ‘yan?” Sigaw ni Dustin, bigla namang tumakbo paalis si Summer. “Bakit nakaganiyan ka?” Kunot-noong tanong ni Dustin sa akin.
“Ah, nilabhan ko kasi ‘yung damit ko, tapos biglang may nag doorbell kaya isinuot ko muna ‘to. Si Summer pala ‘yung nag doorbell,” sabi ko.
“You!” Halatang nagpipigil siya ng galit, “Bumalik ka na sa bathroom. Sige na,” malumanay pero halatang inis siya.
Magsosorry pa sana ako kaya lang tumakbo na siya palabas. Mabilis akong nag-ayos at sinundan ko kagad si Dustin.
“Dustin,” sabay silang napatingin sa akin, “Sorry Summy, can I borrow my BOYFRIEND for awhile?” Tumango si Summer kaya hinatak ko na palayo si Dustin. “Dustin ano ‘to?” Bubuka na niya ‘yung bibig niya pero na una akong nagsalita, “Dustin, I love you.”
“Pearly,” mahinang sabi niya, “I’m sorry.”
“Potek, bakit ka nagsosorry?” Inis na tanong ko.
“I’m sorry I need to go,” iniwanan niya ako.
Hindi ako nakakilos. Bakit gano’n? Para akong tinabunan ng isang sako ng yelo. Hindi ko alam kung gaano ako katagal nakatayo. Masakit.
“Dust-“ Napahinto ako sa paglalakad. Si Summer at Dustin magkahalikan…“Oh my. Tell me I saw it wrong, right?” Hinatak ko si Dustin. “I didn’t know na kaya mong mang agaw ng boyfriend,” galit na tinignan ko si Summer.
“Pearly!” Humarang sa pagitan namin si Dustin. “Stop it. I kissed her. It’s not her fault,” paliwanag niya.
Hindi ko alam kung kanino ako magagalit. Masakit. Sobrang sakit nang nararamdaman ko. Tinignan ko si Summer, umiiyak na siya.
“What now? You’re crying kasi guilty ka? You seduced my boyfriend right in front of me,” gigil na sabi ko.
“Look Pearly, I’m sorry,” sabi ni Summer.
“Bakit ka nag sosorry? Tss,” inis na sabi ni Dustin at pinasok si Summer sa loob ng bahay nito. After ng ilang segundo binalikan niya ako.
“This is really insulting Dustin,” bungad ko sa kanya, “Kailan pa ‘to?”
“Pearly, it’s not what you think-“ hindi ako nakapagpigil at sinampal ko siya.
“I thought you’re different. Pare-parehas lang kayo,” galit na sabi ko.
“He is different,” napatingin kami kay Summer, “How does it feel being betrayed? Masakit ‘di ba?”
“You!” Dinuro ko siya. “Ano ba talagang gusto mo? Bakit mo inaagaw ang boyfriend ko?!”
“Tanungin mo muna kaya si Dustin kung girlfriend ang tingin niya sa’yo?” Nakakainsultong tanong niya.
“Sum…” tawag ni Dustin. Tinignan lang siya ni Summer.
“Okay na ko Dust,” huminga siya nang malalim, “Sorry Pearly, ayaw ko na sana umabot sa ganito, e. Pero tutal nandito ka na sasabihin ko na.”
“Summer! That’s against the rules!” Sigaw ni Dustin
“Did you plan this Summer?” Hindi makapaniwalang tanong ko.
Ngumisi siya. “Oo. E, ano naman? Sakit, ‘no? Gan’yan din ako few months ago, e. Ang pag kakaiba lang, ako nawalan lang nang choice kaya ko ‘to nagawa, pero ikaw wala ka rin bang choice that time?” Walang emosyon na makikita sa mukha niya.
“What do you mean? Are you saying that I also planned what happened before? Jason planned those, the betting and everything,” may gusto pa akong sabihin. Gusto kong sabihin lahat pero na alala ko si Jason.
“Wait, what are you saying? And can’t you see I’m here?” Singit ni Dustin. “Sum, you should go inside, I’ll handle everything.
“No,” sinampal niya si ako, “Huwag mo ngang siraan si Jason, nakapag usap na kami kanina and he never mention ‘yang sinasabi mo,” gaganti rin dapat ako nang sampal, pero mabilis ang kamay ni Summer at napigilan niya ako. “Dustin is breaking up with you. I will say sorry pag okay na ako, so will you please… Umalis ka lang sa harapan ko.”
“How dare you?! You’re not Dustin, wala kang karapatan na sabihin ‘yan,” nagtitigan kaming dalawa.
“Dustin, puwede huwag mo nang hintayin na utusan pa kita,” walang emosyong sabi ni Summer.
“Let’s end this, everything is just an act. We’re not supposed to say this but I’m really sorry-“ Hindi ko na siya pinatapos at sinampal ko na.
“Jerk! Magsama kayo niyang nerd na ‘yan! Stupid!” Galit na sabi ko.
Pagtalikod na pagtalikod ko, hindi ko na napigilan ang pagpatak ng luha ko. Grabe. Masakit. Sobrang sakit. Hinayaan ko na magmahal ulit, pero ito pa ang nakuha ko. Napaglaruan pa ako. Ng dahil saan? Ng dahil sa pagtulong ko sa bestfriend ko. Dahil hinayaan ko siyang saktan ‘yung girlfriend niya gamit ang pangalan ko. Ngayon ako itong nasasaktan.
Kinuha ko ang cellphone ko at d-in-ial ang number ni Jason.
“Gago ka, lagot ka sa akin.”