JAMILLA “Nahihilo na ako, Drake,” bulong ko sa kaniya. Inagaw niya sa kamay ko ang kopitang hawak ko at inilapag sa center table. “Stop drinking, baby,” malambing na sabi ni Drake sa akin. Umikot sa katawan niya ang aking mga braso at bumaon sa kaniyang leeg ang mukha ko. Nanuot sa ilong ko ang natural na amoy ng kaniyang katawan, kaya hindi ko napigilan ang aking sarili. “Let's go to bed, baby,” malambing na bulong sa akin ng asawa ko. Hinagod niya ang aking balikat pababa sa likod ko. Para akong batang gusto niyang patulugin sa kaniyang kandungan. Hindi totoong masakit ang aking ulo, pero sinabi ko ito sa kaniya dahil bahagi ito ng aking plano, kaya niyaya ko nang matulog si Drake para mahimbing na ang tulog niya kapag aalis ako mamaya. Para akong batang binuhat niya mula sa sof

