JAMILLA “Drake, puwede bang umuwi ka muna sa condo mo?” Kinakabahan na tanong ko sa kaniya. Nangunot naman ng kaniyang noo nang bumaling siya sa akin at nagtanong, “Why?” “Gusto kong maglinis dito sa bahay,” pagdadahilan ko, pero may naisip na isagot agad si Drake. “I'll help you, baby. Wala naman akong gagawin.” “No,” mabilis kong sabi sa kaniya. “Mas gusto kong ako ang gumawa nito dahil alam mo naman na ayaw kong nalilipat ng lagayan ang mga gamit ko.” “You can tell me kung saan ko ilalagay para ma-familiarize ko na,” agad na sagot ni Drake. Kilala ko siya at alam kong mahihirapan akong kumbinsihin siya kapag ayaw niyang pumayag sa gusto ko, kaya nanulis ang dulo ng aking mga labi. “Mas nakakapagod kasi kung inuutos ko pa sa iyo,” sagot ko para kumbinsihin siya. “Gusto kong gawi

