“M-MATTEO? Anong ginagawa mo rito?” Tila may nagkakarera sa loob ng d*ddib ni Liwayway habang bilog na bilog ang mga matang nakatingin sa asawang nakahubad. Paano nakarating doon ang lalaki? Hindi niya napansin kanina ang kotse nito sa labas. Baka ipinasok nito sa indoor garage. “This is my house too, remember?” walang-paki nitong sagot at nagpatuloy sa pagpupunas sa basang katawan na tila katatapos lamang nitong maligo. Biglang uminit ang dugo ni Liwayway nang maka-recover siya sa initial na pagkabigla. “This house is from my parents” “Yes.” Tumigil ito sa ginagawa at hinarap siya. Nakalantad ang hinaharap nito na bagama’t hindi naka-erect ngayon ay obvious pa rin ang kalakihan at katabaan niyon. “They gave it as a gift to our wedding. So this is conjugal property. Wala naman sigu

