“O, BAKIT?” natatawang tanong ni Liwayway nang mahuli niya si Matteo na nakatitig sa kanya habang nakababad sila sa pool na galing sa hot spring. Apat na araw na sila rito sa Wellness Farm Resort. Buong akala ni Liwayway ay mabo-bored siya rito lalo na’t hindi naman puwedeng lumabas ng matagal si Matteo. Ngunit hindi niya inasahan na ma-e-enjoy nilang dalawa ang oras na magkasama sila roon. Binibiro nga siya ng lalaki na para silang nag honeymoon. Sa loob ng mga araw na iyon ay para talaga silang totoong mag-asawa na ikinasal sa normal na sitwasyon. Hindi nila napapag-usapan ang mga nakaraan nila o ang mga naging karelasyon nila. Tila silang dalawa lamang ang tao sa mundo at wala silang pino-problema. Ngumiti si Matteo sa kanya at saka umiling. “Nothing.” Bahagya siyang sumimangot

