Chapter 29

1805 Words

Chapter 29 UMUNGOL si Liwayway nang maramdaman ang pananakit ng katawan. Gusto niyang uminat ngunit pakiramdam niya ay hindi siya makagalaw. Dahan-dahan niyangn ibinuka ang mga mata at madilim na ang kuwarto. Tanging ang ilaw sa labas ng bahay na lamang ang nagbibigay liwanag doon. Saka niya naalala ang mga ginawa nila kanina ni Matteo at kung paano siya nito paulit-ulit na inangkin. Kaya pala parang hinihiwa siya doon sa ibabang parte ng kanyang katawan. Umungol ulit siya nang igalaw niya ang kanyang binti ngunit bigla siyang napasinghap nang mahagip ng mga mata niya ang lalaki na nakaupo sa isang accent chair. Matiim lamang itong nakatitig sa kanya. Matteo. Kanina pa ba ito roon? Anong oras na ba? Kailan ito nakabalik? Sinulyapan niya ang digital clock sa bedside table. Alas

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD