NANGINGINIG ang mga kamay ni Paulina habang nilalagay ang contact lenses sa kanyang mga mata. Matagal-tagal na rin niyang hindi sinusuot iyon dahil naiirita siya. At isa pa, nahihirapan din talaga siyang ilagay araw-araw dahil malabo na talaga ang mga mata niya kaya madalas ay nalalaglag at nawawala niya. “May contacts ka naman pala, Ma’am. Bakit hindi mo muna isinuot kanina bago ka namin inayusan?” sita ng babaeng nag-makeup sa kanya. “Sorry, nakalimutan ko kasi na dala ko pala. Naalala ko lang no’ng sinabi n’yong huwag ko nang suotin itong eyeglasses ko.” “Buti na lang light lang ‘yang makeup mo, Ma’am. Kaya kahit maluha ka diyan, okay lang,” sabi naman ng isa na nagplantsa ng buhok niya at ginawang wave kaunti sa dulo. Kumurap-kurap siya nang maipasok na niya ang dalawang contact

