NAGISING si Liwayway na nakayakap ang isang braso niya kay Matteo. Parang napapaso na inalis niya kaagad iyon at saka dahan-dahan na lumayo rito, maingat na hindi niya ito magising. Alam niyang maaga pa pero iyon na ang nakasanayan ng body clock niya. Isa pa ay mahaba na rin ang naitulog niya dahil hindi na siya naghapunan kagabi. Mas lalo niyang naramdaman ngayon ang pananakit ng katawan, pero tumayo na siya at nag-ayos ng sarili. Kinuha niya ang tray ng pagkain na hindi nagalaw kagabi at saka bumaba sa kusina. “Magandang umaga, iha,” masiglang bati ng matanda na nakaupo sa mesa habang nag-i-shred ng papayang gagawin nitong atchara mamaya. Katabi nito si Adela na tumutulong din. “Magandang umaga po, Lola.” “Mabuti at bumaba ka na. Halika, samahan mo muna akong maglakad-lakad sa ha

