LIWAYWAY drew in a sharp breath as she stepped outside the car. Masakit pa ring ikilos ang katawan niya at sinabihan siya ni Lola Estrella kanina na magpahinga muna ngayong araw ngunit gusto niyang maghatid ng pagkain kay Matteo sa opisina nito. Siguro dahil naging part na iyon ng daily routine niya. Kahit ayaw mang kainin ng lalaki ang mga inihahanda niya, at least kahit papaano ay may sense of purpose siya sa araw-araw na buhay niya bilang asawa nito. Minsan na niyang nabanggit kay Lola Estrella na gusto niyang maghanap na nang trabaho ngunit kaagad itong tumanggi dahil bagong kasal pa lamang daw sila ni Matteo. Mas lalo lamang daw lalayo ang loob nila sa isa’t isa kung pareho na silang busy sa kani-kanilang buhay at trabaho. At maganda na rin daw iyong mag-pokus muna sila sa pagbuo

