Chapter 45

1144 Words

NAPAKAGAT-LABI si Liwayway habang tinitingnan ang sarili sa malaking salamin sa loob ng hotel room na inuupahan niya sa gabing ito. Sa malaking events hall ng hotel gaganapin ang 50th anniversary ng Starlight Adventures at ang sabi ni Lola Estrella ay mas mainam na raw iyong doon sila magbihis at mag-ayos. Kaya’t heto at kumuha siya ng sariling room. Kaaalis lang din ng make-up artist at hairstylist niya. Mag-isa na lamang siya sa kuwarto at hinihintay ang go signal na puwede na silang bumaba ng events hall. Simple lamang ang disenyo ng kanyang evening gown ngunit may pagka-revealing iyon kaysa sa mga nakasanayan niyang suotin. Gawa iyon sa dark red silk na tela na may spaghetti straps at hapit ang bodice sa kanyang katawan. Na-accentuate tuloy ang kanyang magandang kurba at sinabayan

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD