MARAMI nang mga tao sa events hall ng hotel nang bumaba sina Matteo at Liwayway. Pakiramdam niya ay amoy s*x pa siya pero wala nang panahon pa para mag-shower sila. Nakahawak siya sa siko ng asawa nang pumasok sila sa loob at agad na napatingin ang mga bisita sa kanilang dalawa. Halata ang paghanga sa mata ng mga ito. Liwayway tried to smile while scanning the room. May iilan siyang kakilala, ang iba ay pamilyar, ngunit ang karamihan ay ngayon pa lamang niya nakita. Nakita niya sa di kalayuan ang kanyang Mommy Analisa na kausap ang mommy ni Matteo na si Glenda. Kmaway lamang ito sa kanya at ngumiti. As always, napaka-poise pa rin ng kanyang mommy. Hindi ito ang tipo ng ina na tatakbo para salubungin ang anak upang kamustahin. Hindi mahanap ni Liwayway ang kanyang daddy. Marahil ay

