“SINO’NG hinahanap mo?” Tumigil sa paglalakbay ang mga mata ni Matteo at tiningnan niya ang pinsan niyang si Mira na nakangiting dumating. “I’m looking for my wife.” “Oh, Liwayway? I’m sure she’s just somewhere.” Pinaikot pa nito ang mga mata saka umiling-iling. “But I have a surprise for you.” Nagsalubong ang mga kilay niya. “Ano ‘yon?” Lumapad ang pagkakangiti ng babae. “Bettina is here.” “What?!” “Do you want to meet her in your room? Papaakyatin ko siya roon para—” Niyugyog niya ang balikat ng kaharap. “You invited Bettina?” Inalis nito ang kamay niya at ikinibit ang isang balikat. “Why not? She’s my friend, at four years mo rin siyang naging girlfriend. Para na rin siyang parte ng pamilya. So she deserves to be invited too.” “Nababaliw ka na ba?! Nandito sina Lola at ang

