“GUSTO mo bang kumain ng fruits?” tanong ni Liwayway kay Matteo nang hatiran sila ng snacks sa villa. Busy ang lalaki sa pagbabasa ng self-help books sa cellphone nito dahil gustuhin man nitong magtrabaho ay nagpadala ang ama nitong si Luis ng memo sa lahat ng empleyado ng Starlight Adventures na huwag istorbohin si Matteo ng isang linggo. Kaya’t maging emails ay wala siyang natatanggap. “Yes, subuan mo ako.” “Ano?” Kumunot ang noo ni Liwayway. “Pasyente mo ako, ‘di ba?” Nakataas ng kilay na tanong nito. “I’m too weak. Hindi ko kayang pakainin ang sarili ko.” Napabuga ng hangin si Liwayway. Kung kanina ay nagmamatigas ito at sinasabing malakas ito at walang nararamdaman sa katawan, ngayon naman ay mukhang balak na naman nitong ibahin ang drama para inisin siya. “Kinaya mo ngang k

