SA ISANG exclusive wellness farm resort sa Laguna sila inihatid ng driver ni Lola Estrella. Gabing-gabi na sila nakarating doon kaya nakatulog agad silang dalawa. Nang magising si Liwayway kinabukasan, saka lamang niya naayos ang mga gamit nila ni Matteo sa closet. Malaki ang villa na inookupa nila. Mayroon ding malaking sliding door na gawa sa capiz papunta sa isang pool na galing pa raw sa hot spring ang tubig. Napapaligiran iyon ng sari-saring tropical plants. Sa labas naman ng villa ay may ilang ektaryang farm ng iba’t ibang klaseng pananim, at mayroon ding maliit na man-made lake. Hindi nakakapagtaka na doon sila pinapunta ng lola ni Matteo. Talagang mare-relax doon ang apo nito. Nang magising si Matteo, mukhang bad mood na kaagad ito nang ma-realize kung nasaan sila. “F*c

