“Bro, nice to see you again!” bati ni Kiko na barkada ni Matteo. Itinaas nito ang isang kamay para makipag-apir sa kanya ngunit dumire-diretso lamang siya sa locker room ng fitness gym na nasa second floor ng opisina nila. Madilim ang mukha niya at halos padabog na binuksan ang kanyang locker. “Woah! Someone’s not in a good mood,” nakatawang wika ni Carlos na isa rin sa barkada nila. Hindi pa rin kumibo si Matteo. Nagbihis siya ng pang workout na damit at dumiretso na sa threadmill. Usually ay nag i-stretching muna siya bago gawin ang kahit na anong routine doon pero hindi ngayong araw na ito. Hindi niya maipaliwanag ang nararamdman niyang inis ngayon. Napakainit ng ulo niya simula nang magtalo sila kanina ni Liwayway. Isinubsob niya ang sarili sa trabaho at ngayon nga ay alas otso

