“HAVE you been crying?” Huminto si Matteo sa ginagawa nito sa laptop at isinara iyon upang pag-aralan ang mukha ni Liwayway. “H-Hindi. Napuwing lang ako kanina,” agad niyang tanggi. Tumaas ang dalawang kilay nito. “Air-conditioned ang kotseng sinakyan mo papunta rito. Paano ka napuwing?” “Kanina. Pagbaba ko sa entrance.” Pinag-krus nito ang mga braso at sumandal sa executive chair. Hindi pa rin nito inaalis ang tingin sa kanya. “Come here.” Pumunta siya sa desk nito at inilapag sa ibabaw niyon ang lunchbox na dala. “Alam mong namamaga ang mukha mo kapag umiiyak ka, hindi ba? Hindi ka napuwing lang, Lia.” “Wala ito.” “Nagkita ba kayo ni Garry?” diretsahan nitong tanong. Umiwas siya ng tingin at matagal bago niya nakuhang sumagot. “Oo.” Narinig niya ang pagbuntong-hininga ni

