MAY fina-file na mga dokumento si Paulina sa isang folder nang dumating si Mira. Mukhang mainit ang ulo nito dahil nakasimangot na naman. “You!” Mataray nitong sabi habang nakatingin sa kanya. “Timplahan mo ako ng kape.” “Yes, ma’am,” agad niyang sagot. Dumiretso na ito sa loob ng opisina ng kuya nito. Nagkatinginan sina Paulina at Tiya Vina niya. Umiling-iling ito dahil sanay na sila sa ganoong ugali ni Mira. Kung tutuusin ay si Kyle and boss nila pero kapag naroon ang kapatid nitong babae, mas masahol pa ito kung makautos. “Hayaan mo na,” wika ni Tiya Vina. “Pasalamat ka na lang at naawa pa sa ‘yo si Sir Kyle. Ang alam ko kapag nagsisante ‘yon ng empleyado, hinding-hindi na talaga makakabalik. Hindi ko nga alam kung ano’ng milagro at pinabalik ka pa niya bilang assistant secreta

