Chapter 35

1056 Words

“LIWAYWAY!” Tumigil siya sa paglalakad at nilingon si Garry na tumatakbo papunta sa kanya. Sasakay na sana siya ng elevator nang marinig niya ang pagtawag nito sa kanyang pangalan. Agad siyang napatingin sa paligid. Ayaw niyang makita sila ng mga nakakakilala sa kanya at baka may masabi na naman ang mga ito at baka makarating pa kay Lola Estrella o sa mga magulang niya. “Hindi mo sinasagot mga tawag ko sa ‘yo,” may himig ng pagtatampo sa boses ng lalaki. “P-Pasensiya ka na, Garry. Busy kasi ako nitong mga nakaraang araw,” pagdadahilan niya. Dali-dali na siyang pumasok sa loob ng elevator at pipindutin na sana ang pasara niyon ngunit sumunod ito sa loob. Walang ibang sumakay kaya’t sila lamang ang naroon ngayon. “Bakit? Ano’ng pinagkakaabalahan mo? Hindi ba’t nakakulong ka lang n

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD