HUMUGOT ng malalim na hininga si Matteo at saka ibinalik ang ngiti kay Liwayway. Marami pa siyang gustong sabihin dito ngunit parang gusto naman ng babaeng iwasan na ang topic na iyon. Siguro nga ay may mga bagay na hindi pa sila handang pag-usapan ngayon. Marami pa naman silang pagkakataon. Sa ngayon, mas mabuting kilalanin na muna nilang mabuti ang isa’t isa. “You’re right. We’re here for your driving lesson,” aniya. “So… wala ka talagang alam sa basics ng driving?” Umiling ang babae. Pinaliwanag niya rito ang lahat ng dapat nitong matutunan pagdating sa pagmamaneho ng kotse. Automatic transmission naman iyon kaya madali lamang nitong makukuha ang lahat lalo na’t matalino si Liwayway. Iyon nga lang, kulang ito ng kumpiyansa sa sarili. Umayos si Matteo ang pagkakaupo at naglagay

