GULAT na nagising si Liwayway nang pabalibag na binuksan ni Matteo ang pintuan ng walk-in-closet. Litong tiningnan niya ito at kahit hindi pa man nabubuksan ang ilaw ay alam na niyang nakainom ito dahil sa matapang na amoy ng alak na nanggagaling rito. Saan ito galing at anong oras na ba? Hindi na lamang sana niya ito papansinin dahil akala niya ay magbibihis lang ito ngunit bigla itong lumuhod sa tabi niya at hinaplos-haplos ang kanyang pisngi. Hindi niya maintindihan ang galaw nito. Banayad lamang iyon ngunit tila may panggigigil din. Hanggang sa bumaba ang kamay nito sa kanyang leeg at unti-unting humigpit ang mga daliri nito roon na parang gusto siyang sakalain. “M-Matteo?” Kinakabahan niyang wika. “Did you enjoy yourself?” “H-Ha? A-Ano ba’ng pinagsasabi mo?” Sinubukan niya

