“LIA?” Paulina snapped her fingers in front of Liwayway’s face. Para naman siyang nagising sa paglalakbay ng kanyang diwa. Kausap niya ito ngayon sa isang coffee shop malapit lamang sa opisina ng Starlight Adventures. May gusto raw itong sabihin sa kanya. Sa totoo lang ay kailangan niya rin namang lumabas. Para na siyang masisiraan ng bait sa bahay. Pakiramdam niya, kada segundo ay dinudurog ang puso niya. Lalo pa kapag gabing-gabi na umuuwi si Matteo. Na-i-imagine niya itong kasama si Bettina at ginagawa ang mga ginagawa nilang mag-asawa. Kapag naman nasa bahay ito ay para rin siyang walang kasama. Hindi sila nag-uusap. Hindi nagpapansinan. Parang bang may kanya-kanya silang buhay. “Nag-away ba kayo ni Sir Matteo?” diretsahang tanong ni Paulina. “H-Ha? Bakit?” Tiningnan siya nito

