3rd person POV Dumating sina Derek at Benjiamen sa kinaroroonan ni Don August. Lingid sa kaalaman ng binatang si Rio na nakatawag pala ito ng saklolo sa kaniyang mga kaibigan habang abala ang binata na ipatumba ang kaniyang mga tauhan. Sinundan ng mga tauhan nila si Rio nang tumambling ito sa gilid upang tumakas. Tumalon si Rio sa gilid ng kalsada kung saan may malalim na kanal para daanan ng tubig sa tuwing umuulan nang malakas. Sinundan siya ng mga tauhan nina Don August at ang mga kaibigan nito. Pinagbabaril nila ang tinalunan ng binata kahit hindi nila ito nakikita. “Punyeta! Ang baho rito!” bulong ni Rio sa sarili. Halos takpan na niya ang ilong ng maamoy niya ang tubig sa kanal. Puro basura at nilalangaw ang paligid. Nagtago siya sa ilalim at tahimik na nakinig dahil rinig na

