Chapter 04

2066 Words
Rio’s POV Matagal siyang nakabawi dahil sa sinabi ko. Muntik na nga akong matawa nang tumitig ito sa akin na para bang hindi makapaniwala sa narinig. Tinaasan ko siya ng isang kilay. Doon pa siya natauhan at nagbaba nang tingin. Pakiramdam ko ay nahiya siya sa akin kaya niya ‘yon ginawa. “Ang bolero mo pala, marami kana sigurong babaeng pinaiyak noh?” tanong niya. Tumingin siya muli sa akin. Kumunot ang aking noo. “Wala akong pinaiyak. Kung iiyak man sila ay hindi ko na ‘yon problima pa,” sagot ko. Pinanliitan niya ako ng mga mata. “Mga lalaki nga naman,” Umiling pa ito ng ilang beses bago tumalikod at muling tumingin sa lapeda ng ina. Nangingiti akong nagkamot ng kilay. Apektado yata si Miss Nathalia ah! Lumapit ako sa kaniya at bumulong. “Fucos na ako sa pag-aaral simula ng tumungtong ako ng kolehiyo. Kung may napaiyak man ako ay noong kabataan ko pa siguro. Hindi ko na nga maalala e, pero ngayon iwan ko lang.” Pabalang siyang humarap sa akin. “You shouldn’t play for girls feelings. Alam ninyo kayong mga lalaki iyan ang problima sa inyo e,” namaywang pa ito sa harap ko. “Hindi naman ako naglalaro ah, atsaka wala po akong girlfriend sa ngayon Miss. I’m single,” matapat kong sabi sa kaniya. “Okay. Hindi ko tinatanong,” sagot niya. Huminga ako nang malalim. Kung hindi lang ito nakasimangot ay baka pinagtawanan ko na. “Apektado ka nga e,” “Hindi noh,” sagot niya. “Kung hindi, bakit ka nagagalit?” tanong ko. Pinagkakatuwaan ko ang cute niyang reactions. Ang ganda niya talaga. “I’m not.” Tinulak pa ako sa dibdib. “Nananantsing kana nga e, sa harap pa mismo ng Mommy mo.” Namimilog ang mga mata niyang napatitig sa akin. Nagtagal pa kami sa sementeryo. Dinamayan ko na lang si Nathalia habang nililinis niya ang lapeda ng kaniyang ina. Nalulungkot din ako para sa kaniya. Mayroon siyang kayamanan at kapangyarihan, ngunit wala siyang pamilya. Napapansin ko talagang kulang siya sa aruga. “Rio, umuwi na tayo. May mga assignment pa ako na dapat kong tapusin.” Tumango ako sa kaniya. Binigyan ko siya ng espiya upang makadaan sa gilid ko. Ayaw kong maglakad na nauuna, lagi akong nasa likod niya. “Medyo maambon na rin ang langit. Mukhang uulan yata ngayong gabi,” sagot ko sa kaniya. Tumingin din siya sa langit. “Oo nga, tara na,” aya niya sa akin. Naglakad kami papunta sa sasakyan ko. Again, pinagbuksan ko siya ng pinto sa likod. Nang makaupo siya nang maayos at maikabit ang seatbelt ay tsaka ako pumasok sa driver set. Ikinabit ko rin ang seatbelt. Lumingon muna ako sa kaniya bago pinaandar ang sasakayan. Binuksan ko ang music. Mahina lang iyon pero sapat na upang marinig ni Nathalia. ‘Just walk away’ by Celine Dion. Ang boring para sa akin. Pero nang patayin ko ay nagprotesta si Nathalia. “Don’t off. Gusto ko ang kanta,” sabi niya sa akin. Tumango ako sa kaniya at muling binuhay ang musika. Tahimik siya sa likuran habang nagmamaneho ako. Nai-enjoyed ko na rin ang musika nang mahagilap ng mga mata ko ang isang pulang sasakyan na nakasunod sa amin. Binagalan ko ang sasakyan at pinatay ang musika. “Bakit mo pinatay? ‘Di ba sabi ko sa iyo gusto ko ang music na ‘yon!” asik niya sa akin. Muli akong tumingin sa side view mirror. Nakasunod pa rin ang sasakyan sa amin. Delikado kami ngayon. “Tanggalin mo ang seatbelt mo at lumipat ka dito sa harap, dali?” utos ko sa kaniya. “Rio ano bang nangyayari?” tanong niya. Ang kulit naman oh! “Please, bilisan mo na lang, may sasakyang nakasunod sa atin,” sagot ko. Napansin kong kinabahan siya at natakot. Hindi pa niya tuluyang natatanggal ang seatbelt niya ng tumama na ang bullet sa gilid ng sasakyan namin. Napatili si Nathalia. Inabot ko ang kamay niya at hinila siya sa front set. Nahirapan pa siyang nakalusot. “Rio mamatay na ba tayo?” kinakabahan niyang tanong sa akin. “Huwag kang mag-alala, nandito lang ako.” Pilit kong pinapanatag ang loob ko upang hindi matakot nang husto si Nathalia. Binuksan ko ang dashboard ng sasakyan at hinugot doon ang pistol gun ko. “Iyuko mo ang ulo mo. Kahit anong mangyari huwag kang gagalaw. Maliwanag?” Kinakabahan siyang tumango sa akin at sinunod ang sinabi ko. Niyuko niya ang ulo. Nang makita kong ligtas ang posisyon ni Nathalia ay binuksan ko ang bintana ng sasakyan. Habang nagmamaneho ako nang mabilis ay pinapaputukan kong pabalik ang sasakyang sumusunod sa amin. Bigla kong niliko ang sasakyan. Tumili muli si Nathalia. Wala pa ring tigil sa paghabol sa amin ang nakasunod na itim na sasakyan. “Huwag kang titingin! Steady mo lang ang ulo!” sigaw ko sa kaniya. Pinabalik ko ang sasakyan at matapang na hinarap ang sumusunod sa amin. Isang bullet na naman ang tumama sa salamin. “Anak ng p*ta! Ang tapang ninyo ha,” sabi ko. Binuksan ko ang bintana ulit at pinaputukan sila. Tumama din iyon sa salamin ng sasakyan nila kung kaya ay nabasag. Biglang umatras ang sasakyan. Kaya umatras na rin ako at pinaliko sa makitid na daan. Buong akala ko ay hindi na kami susundan ngunit laking gulat ko nang makarinig naman ako ng putok. Sa gulong iyon tumama dahil bigla kaming napahinto. Muntik na akong masubsob sa manubela kong hindi ko naagapan. “B*llshit!” Nanginginig na sa takot si Nathalia habang nakayuko. Binuksan ko ang pinto at madaliang bumaba. Pinaputukan ko sila pabalik kaya napahinto na rin ang pulang sasakyan. Gumilid ako sa pinto ni Nathalia at madalian ko iyon binuksan. Nang magtagumpay akong mabuksan iyon ay agad kong kinalas ang seatbelt niya. Halos buhatin ko na siya para lang makatakas kami sa mga armadong sumusunod sa amin. “Rio natatakot ako!” “Maniwala ka sa akin,” sagot ko sa kaniya. Ginanap ko ang palad niya at hinila siya upang tumakbo. Sinusundan kami ng bala pero hindi iyon tumatama sa amin. Sumuot kami sa isang madamong lugar. Hindi na rin ininda ni Nathalia ang mga galos mula sa matutulis na damo. Nakahawak lang rin siya sa kamay ko at sinasabayan ang paghila ko sa kaniya. Ramdam na ramdam kong natatakot siya ngunit pinipilit niyang tumakbo. Nang wala na akong maramdaman na sumusunod sa amin ay hinila ko siya sa may puno. Hinang-hina siyang napasandal doon. Nangininig ang mga kamay niya sabay pikit ng mata. “Ayos ka lang ba?” tanong ko sa kaniya. Hindi siya dumilat bangkos ay bumuntong-hininga siya nang malalim. Ginanap ko ang nanlalamig niyang mga kamay at masuyo iyong hinaplos. “Huwag kang matakot…nandito lang ako palagi sa tabi mo.” Idinilat niya ang mga mata at tinitigan ako. Dahan-dahan kong idinikit ang noo sa noo niya at sadyang pumikit na rin ang aking mga mata. “Kapag sinabi kong magtago ka…magtago ka. At kapag sinabi kong tumakbo ka…tumakbo ka,” bulong ko sa kaniya. Napaiyak siya dahil sa sinabi ko. Hinaplos ko ang pisngi niya at pinahid ang luhang namuo mula sa mga mata niya. “Simula sa araw na ito. Tuturuan kita kung paano bumaril.” 3rd Person POV Nasa shooting field sina Nathalia at Rio upang turuan ang dalaga kung paano bumaril. Nakasuot siya ng full black suit at may takip sa tainga. Nasa outdoor shooting range silang dalawa. Pagkatapos nang nangyari sa kanila kahapon ay nangako ang binata na tuturuan niyang bumaril ang dalaga para hindi na ito matakot at maipaglaban ang sarili kung sakali. “Isuot mo ito, Miss.” Inilahad ni Rio ang glasses kay Nathalia upang isuot iyon. Tinanggap iyon ni Nathalia sabay suot. “Salamat, Rio.” Dinapot ng binatang si Rio ang pistol gun na nakapatong sa mesa at inilahad rin iyon kay Nathalia. Limang puting board ang nakatayo sa harap nila at iyon ang target ng dalaga. Nang mahawakan ni Nathalia ang baril ay parang natatakot pa ito. Aminado siya na kinakabahan dahil ito ang unang pagkakataon na makahawak siya ng baril. Magaling siya sa karate ngunit hindi sa pagbaril, kaya normal lang yata na manginig ang kamay niya. Napansin ni Rio ang panginginig ng mga kamay niya kaya nilapitan niya ito. Humawak siya sa kamay ni Nathalia at pinirmi iyon upang hindi gumagalaw. “Relax ka lang. Huminga ka nang malalim. Huwag mong kalimutan na ipirmi ang mga kamay mo para hindi gumagalaw.” Pabulong niyang sabi sa dalaga. Tila nagsindi ng apoy ang binatang si Rio sa kaibuturan ng dalaga. Mas mabilis yata ang t***k ng puso niya kaysa nginig ng kaniyang mga kamay. Hindi niya maintindihan kung bakit sa tuwing malapit sa kaniya ang binata ay iba ang pakiramdam niya. Naguguluhan at natataranta. “Natatakot akong kalabitin ang gatilyo,” sagot ng dalaga sa binata. Pumuwesto si Rio sa may likuran niya. Habang hawak ni Nathalia ang baril ay humawak rin roon si Rio, kaya parang nakayakap na siya dito mula sa kaniyang likuran. Agad naramdaman ng dalaga ang mainit na katawan ng binata nang madikit siya rito. Ang mainit rin niyang hininga ay tumatama na ito sa kaniyang ulo. Matangkad at malaking lalaki si Rio kaya naman kapag malapit na rito ang dalagang si Nathalia ay para na itong bata. Ngumisi ang binata sa kaniya. “Huwag kang matakot. Palagi akong nasa likuran mo. Pakalmahin mo ang sarili mo, pagkatapos ay kalabitin mo ang gatilyo.” Wala sa sariling tumango siya sa binatang si Rio. Huminga siya nang malamim, pagkatapos ay kinakabahang kinalabit ang gatilyo ng baril. Halos mapapikit na si Nathalia sa sobrang pagkatakot. Hindi niya natamaan ang target kaya naman tumawa nang mahina si Rio. Inalis niya rin ang kamay mula sa pagkakahawak sa kamay ni Nathalia. Sumimangot si Nathalia at binalingan si Rio. Nalusaw ang ngiti ng binata nang makita niyang magkasalubong na ang mga kilay ng dalaga at nakakunot pa ang noo. “Wala ka talagang ka-support support, pinagtatawanan mo pa ako e,” sabi niya sa binata. Pinanliitan pa niya ito ng mga mata. Nagkamot ng batok si Rio at yumuko upang hindi ipakita kay Nathalia ang kaniyang pagngiti. Sa isip ng binata ay natutuwa siya sa unang beses na turuan nito ang dalaga. “Oh ano? Wala kang masabi diyan,” dagadag pa ng dalaga. Tiningnan siya ni Rio sa mga mata. Nailang ang dalaga kaya hindi ito makatingin ng deretso. “Unang beses mo itong humawak ng baril at bumaril, Miss. Normal lang na hindi mo mataamaan ang target.” Siryoso niyang sabi sa dalaga. “Subukan mo ulit hanggang sa matuto ka,” dadagdag pa niya. Para makaiwas si Nathalia sa mapupungay na mga mata ng binatang nakatitig sa kaniya ay nagkamot ito ng batok sabay tango. Tumalikod siya kay Rio at dinampot ulit ang baril. Gusto niyang matutong bumaril at hindi siya susuko kahit anong mangyari. “Ganito ba?” tanong ng dalaga kay Rio. Lumapit ulit si Rio sa kaniya at muling hinawakan ang mga kamay ni Nathalia. Sinubukan ng dalaga hanggang sa abot ng kaniyang makakaya. Ilang beses niyang hindi natatamaan ang target pero nagpapatuloy pa rin siya. Na-handle na rin niya kung paano humawak ng baril sa tamang paraan, hanggang sa hindi na siya natatakot at kinakabahan. Hindi nila ininda ang sikat ng araw at nagpatuloy pa rin sila sa kanilang practice. Unti-unti na ring natatamaan ni Nathalia ang target kaya naman natutuwa si Rio para sa kaniya. “Okay Miss. Last bullet na natin ‘to, kaya kailangan mo ng matamaan ang target.” Paalala niya sa dalaga. Tumango sa kaniya si Nathalia. Hindi siya sigurado sa kakayahan ngunit gusto niyang subukan. Gusto niyang ipakita kay Rio na kaya niya itong tamaan para may pakinabang ang kaniyang pagtuturo rito. “Kinakabahan ako, pero susubukan ko.” Mag-isa niyang hinawakan ang baril at itinutok sa target. Inalala ni Nathalia ang instructions ni Rio sa kaniya kung paano matatamaan ang target. Nang nakaposisyon na ang baril sa sentro ng target ay kinalabit niya ang gatiliyo. Tinamaan ang black spot. Kumalabog ang dibdib niya sa tuwa at saya. Napatunayan niya sa sarili niya na nagawa niya rin nang tama. Pumalakpak si Rio sa likod niya. Nakangiting binalingan siya ni Nathalia. “Yes! I did it!” Inilang hakbang niya si Rio at niyakap nang mahigpit.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD