Chapter 05

2124 Words
3rd Person POV “Humahanga ako sa galing at tapang ng binatang iyon. Nang sabihin sa akin ng mga tauhan ko kung paano niya ponoprotektahan ang anak ninyo ay wala talaga akong masabi sa galing niya at husay,” mahinang sabi ni Benjiamen habang kausap ang kaibigan niyang si Don August Pallis. Nasa bahay sila ni Benjiamen at pinag-uusapan ang ginawa nilang pagsubok sa galing at husay ng binatang si Rio. Pakana nilang dalawa ang nangyaring pagbabaril kay Rio at Nathalia noong araw na dalawin ng dalaga ang puntod ng kaniyang ina. “Nagdududa na rin ako sa kaniya kaibigan. Pero isa lang siyang simpling lalaki na galing sa Mindanao. Buong akala ko nga noong mag-apply siya ng bodyguard sa akin ay wala siyang karanasan sa barilan,” sagot niya rin sa kaibigan. Tumayo si Don August Pallis at minasahe ang baba. Alam niya sa sarili niya na kaduda-duda ang taglay na galing ng binatang si Rio. Nalaman niya rin sa mga tauhan niya na pasekretong tinuturuan ni Rio ang kaniyang anak upang matutong bumaril. Sa isip ni Don August ay natutuwa siya sa ginagawa ni Rio ngunit natatakot siya na baka may motibo lang ang binatang si Rio kaya niya iyon ginagawa at kaya siya namasukan bilang isang bodyguard. “Pinaimbestigahan ko na rin ang pagkatao ng binatang iyon pero wala akong nakuhang impormasyon,” sabi ni Benjiamen. Tumayo na rin ito at pinantayan ang kaniyang kaibigang si Don August. “Wala siyang isa mang background sa lahat ng website. Hinalungkat na rin ng mga tauhan ko ang mga records niya, at wala man lang silang nahanap na kaunting impormasyon tungkol sa binatang iyon.” Umiling si Don August bago nagpakawala nang malalim na hininga. “Baka sadyang simpling tao lang talaga siya, pero may taglay na kakayahan at mahusay sa kaniyang trabaho.” Tumikhim si Benjiamen. “Kailangan nating mag-ingat dahil mukhang kaliwa’t kanan ay mga kalaban tayo,” sabi niya sa kaibigan. Sumang-ayon sa kaniya si Don August. “Secured pa naman tayo sa ngayon. Wala kang dapat na ipag-aalala.” Ang pinatayo nilang Casa sa Bulacan ay naging tagumpay. Dumami ang kanilang kita na magkakaibigan dahil mas rumami na rin ang kanilang mga mayayamang costumer. Mayroon silang mga babaeng nagtatarbaho roon upang sumayaw sa gabi at upang mag-entertain ng kanilang mga mayayamang costumer. At kapag nagustuhan naman ng mga mayayamang costumer nila ang babaeng napili ay binibinta nila ito ng million. Ang ibang kababaihan na nagtatarbaho sa Casa nila ay pambayad ng utang. Ang sinomang umuutang sa kanila na hindi nakakapagbayad ay kinukuha nila kung anoman ang mapapakinabangan nila. Katulad ng, kung may anak na babae ang nakakautang sa kanila ay iyon ang kinukuha nilang ipambayad sa kanila. “Paano ang kay Franco na pagsali sa ating grupo. Tatanggapin ba natin siya?” tanong ni Benjiamen kay Don August. “Paglalaruan muna natin siya sa mga kamay natin. Kapag hindi siya marunong sumunod ay ating tatapusin. Ano bang silbi ni Franco gayong lumulubog na nga sa utang. Wala na siyang natitirang ari-arian dahil lahat na niya naibenta.” Paliwanag ni August kay Benjiamen. Tumango si Benjiamen. Inilagay niya sa likod ang mga kamay. Iyon rin ang nasa isip niya, ang gamitin nila si Franco at gawing alipin nila. At kapag hindi ito sumunod ay tatapusin rin nila. Marami na silang nakabangga sa negosyo na magkakaibigan pero kailanman ay hindi sila natalo o naisara ang kanilang illegal na gawain. “Darating sa linggo si Derek galing sa Russia. Itinawag na niya sa akin na maghanda na tayo dahil may mga dala itong armas. Kailangan ko ang private helicopter mo upang gamitin dahil sa private resort ko itatago ang mga iyon,” saad ni Benjiamen. Binalingan siya ni Don August. “Informed lang ninyo ako. Alam mo naman na palagi akong handa.” Tinapik niya sa balikat si Benjiamen. “Huwag kayong mawawala bukas sa horse riding contest ng anak ko. Aasahan ko kayo roon,” pagyaya niya sa kaibigan. Bukas ay may horse riding contest ang kaniyang anak na si Nathalia. Magaling itong mangabayo at magaling rin sa karate. Sa isip ni Don August Pallis ay muli na naman niyang susubukan ang husay ng binatang si Rio. “Asahan mong darating ako. Isasama ko na rin ang anak kong si Allison. Nakaka-proud nga ang anak mo kaibigan dahil magaling sa lahat. Kakaiba ang anak ko na walang ginawa kung ‘di ang magwaldas ng pera sa mall,” natatawa pa niyang komento sa anak niya. “Ganiyan ang mga babae Benji. Masanay kana,” sagot ng kaibigan. Nagkamot ng kilay si Benjiamen. Umiling ng isang beses habang nangingiti. “Tama. Tama ka kaibigan.” Nagpaalam na si Don August sa kaniyang kaibigan upang umuwi na ng kaniyang mansyon. Agad naman siyang pinagbuksan ng mga bodyguard niya sa likod ng sasakyan. Maraming bodyguard si Don August Pallis. Sa tuwing lumalabas ito ng bahay ay sampong bodyguard ang kaniyang binibitbit. Kaya naman tatlong sasakyan ang palaging nakasunod sa kaniyang sinasakyan. Para siyang Presidente ng Pilipinas kung tutuosin. Sa tuwing bumibisita naman ito sa kompaniya niya ay lahat ng empliyado niya ay nakayuko sa kaniya. May iba’t ibang klasing negosyo si Don August Pallis. May mga condominiums na pinapatayo niya at mga resorts sa iba’t ibang parti ng Pilipinas. Mayroon rin siyang luxury hotels sa Metro Manila kung saan nakalagay rin ang kaniyang luxury’s Bar. Nang makarating si August sa kaniyang magarang mansyon ay kaagad itong bumaba at pumasok sa loob. Ang mga tauhan naman niya ay nagkalat sa labas. Nakasalubong niya ang isa sa kasambahay niya. May dala itong labahan mula sa itaas. “Magandang gabi po, Don.” Pagbati sa kaniya ng kaniyang kasambahay. “Magandang gabi. Nasaan si Nathalia?” tanong niya rito. “Nasa itaas po Don. Sa kaniyang kuwarto,” sagot niya sa amo. Naiilang pa ang kasambahay sa kaniya. Pero sa awa naman ng diyos ay hindi malupit sa kasambahay si August Pallis, bagkos ay galante pa ito. Nagpasalamat siya sa kasambahay at kaagad na pumanhik. Hinanap niya kaagad ang kuwarto ng nag-iisa niyang anak at kumatok ng mahina. Nakadapa sa kama si Nathalia at nagpapalipas ng oras sa social media accounts niya dahil hinihintay ang ama. Nang makarinig siya ng katok ay kaagad itong bumangon at tinungo ang pinto. Napagbuksan niya sa pinto ang daddy August niya. Nakangiti ito sa kaniya. “Daddy!” Kaagad na niyakap ng dalaga ang ama ng makita niya ito. Simula ng makaingkwentro sila ni Rio noong nakaraang araw ay hindi pa sila nagkikita ng ama dahil may importante raw itong trabaho sa ibang lugar. Sinuklian ni August ang yakap ng anak niya. Aaminin niya sa sarili niya na nagkakamali siya sa paglagay sa panganib sa anak niya pero kampante naman siya na kaya itong protektahan ng binatang si Rio. Marami siyang pagkukulang sa nag-iisa niyang anak pero hindi naman siya nagkulang na suportahan ito sa lahat. Aruga. Iyan lang ang pagkukulang ni August sa kaniyang anak na babae. “I miss you my Princess.” Hinalikan niya sa ulo ang anak. “I miss you too Daddy!” Hindi maalis ang ngiti ni Nathalia dahil sa wakas ay nakita na rin ang ama. Nakapulupot pa ang mga kamay niya sa braso ng ama habang pababa sila para sa hapunan. “Ready kana ba bukas para sa competition mo?” tanong ng ama sa kaniya. Nasa hapag na sila at kumakain. Tumango sa kaniya si Nathalia. “Yes Daddy! But I’m a bit nervous. Maraming magaling roon hindi ako umaasa na mananalo,” saad niya sa ama. Tumawa si Don August. “Manalo kaman o matalo Princess. You’re alaways the best for me.” Ngumiti si Nathalia. “I’ll do my best.” Nang matapos silang kumain ay napag-usapan nila ang nangyari noong nakaraan. Kalmadong ikinuwento sa kaniya ni Nathalia kung paano sila sinundan ng hindi kilalang armado at pinagbabaril sila. “I’m still investigating who dare to do that. Don’t worry Princess they will pay when I find out,” sabi niya sa anak. “Kumusta si Rio?” dagdag niyang tanong sa anak. Tumango si Nathalia. Sa simpling pagkarinig pa lang niya sa pangalan ng binata ay may kakaibang pakiramdam siyang nararamdaman sa parti ng kaniyang puso. “He’s fine Dad. He did everything to protect me,” sagot niya. Gusto ng dalaga na ngumiti pero nasa harapan niya pala ang daddy niya at baka kung ano pang isipin nito. Sino ba naman ang babaeng hindi mawawala sa sarili sa kung isang Rio Santos ang kaniyang makakaharap. Makisig, guwapo, malaki ang katawan at higit sa lahat ay matalino at mahusay. “Wala na akong dapat na ikatakot habang nariyan si Rio. He can protect you in danger Princess. Sa tingin ko ay kailangan ko siyang bigyan ng malaking award dahil sa palaging ligtas ang anak ko.” nakangiting sabi ng amang si Don August. “You must Daddy!” sang-ayon ng dalaga. Nagkuwentuhan pa silang mag-ama, pero kailanman ay hindi ipinaalam ni Nathalia sa ama niya ang pagtuturo ni Rio sa kaniya kung paano bumaril. Mahigpit kasing pinagbilin ni Rio sa dalaga na walang sinoman ang makakaalam sa kanilang sekretong pagpupunta sa field upang turuan siyang bumaril. “Sige na Princess. Magpahinga kana dahil mayroon kapang competition bukas,” sabi ni Don August sa anak. “Kayo rin po Daddy,” sagot ni Nathalia. Niyakap niyang muli ang ama bago ito pumanhik upang magpahinga. Samantala, ang team Agila naman ay natuloy sa Bulacan. Kararating lang nila Rio, Clark, at ang iba pa nilang kasama. Umistambay muna sila sa maliit na tindahan malapit sa kinaroroonan ng Casa ni August. Tinagpo sila ni Garon sa tindahan na iyon. Si Giron ang private agent ni Chef Alvarez na unang nakatuklas sa Casa ni Don August dahil sa Bulacan na rin ito nakatira. Lahat sila ay hindi naka uniforme, bangkos ay nakasuot lang sila ng civilian na damit. “Salamat Garon.” Tinapik ni Rio ang kaniyang balikat. Nasa dulo sila ng upuan at hindi naririnig ng mga iba pang tambay sa maliit na tindahan. Ang iba nilang kasamahan ay nagkukunwaring mga tao rin sa bulacan at nakikitambay na rin. Ang makitid na sementong kalsada ay may mga naglalarong bata. Sa gilid naman ay may mga vendor na nagtitinda ng iba’t ibang street food. Nakasanayan na rin ng binatang si Rio ang ganitong klasing buhay dahil simula ng mag-focus siya sa trabaho niya ay palaging ganito ang kaniyang hinaharap. “Nahirapan na rin akong alamin kung anong mayroon ang lumang bahay na ‘yan. Natuklasan kong Casa dahil nagkunwari akong costumer at pumasok sa loob upang maglaro ng casino. At sa mga oras na iyon ay nasa loob sina Don August Pallis at ang kaniyang mga kaibigan.” Paliwanag ni Garon kay Rio. Tahimik nilang pinag-uusapan ang kanilang iniimbestigahan. Tumango si Rio sa kaniya. “Pumunta lang ako upang kabisaduhin kung saan mismo naka-base. Pero salamat pa rin sa’yo Garon. Kung hindi dahil sa’yo ay baka matagalan pa ang imbestigasyon namin. Tatlong buwan na akong namamasukang bodyguard sa mansyon ng mga Pallis pero hindi ko pa nalalaman kung anong tinatago nilang illegal na gawain.” “Sa tingin ko ay huwag muna tayong padalos-dalos sa mga kilos natin. Sapat na munang natuklasan natin ang kinalalagyan ng Casa.” Sang-ayon rin ni Garon. Tumango si Rio at tinapik sa balikat si Garon. “Oo tama. Paano hindi na kami magtatagal. Mag-iingat kana rin,” sabi ni Rio kay Garon. Balak ng magpaalam ni Rio dahil may trabaho pa ito kinabukasan. Kaagad niyang binigyan ng signal ang kaniyang mga kasamahan na uuwi na sila dahil tapos na ang kanilang mission. Agad naman nagsitayo ang kasamahan at tinungo kung saan naka-parking ang kani-kanilang sasakyan. “Panatag na akong matutulog ngayong gabi Sir Rio,” nakangising sabi ni Clark. “Ang dali lang palang hanapin ang butas e,” dagdag niya. Tumawa si Rio. “Huwag kang kampante. Baka sa himbing ng tulog mo ay umulan ng bala.” Sinapo ni Clark ang kaniyang mukha. “Sanay na sanay na ako sa ganiyang pangyayari Sir. Palagi akong handa,” sagot niya kay Rio. Aminado naman ang binatang si Rio na napakahusay na rin ni Clark sa kaniyang mga tauhan. Palagi itong present at hindi nahuhuli sa anomang pangyayari. “Sige na Clark at may gagawin pa ako bukas na importante.” Sumaludo si Clark sa kaniya. “Alam ko po Sir. Alam kong hindi ka mahuhuli sa competition ng reyna mo,” nakangisi niyang sabi kay Rio. Bahagyang nagulat ang binatang si Rio, pero kaagad naman itong nakabawi. Sa isip ng binata ay may nalalaman pang pa-reyna-reyna ang kaniyang tauhan na si Clark. Napapailing na lang si Rio sabay masahe sa kaniyang baba at nginisihan niya si Clark.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD