Chapter 06

2226 Words
3rd Person POV Ang malawak na horsing field na located sa Metro Manila ay puno na ng tao. Maingay ang paligid at abala sa kani-kaniyang ginagawa ang bawat taong naroon. Ang mga sasali naman sa competition ay inaamo ang kanilang kabayo. Mayroon ring mga judge na nakatayo sa gilid ng field at ang iba naman ay nakaupo na rin sa kani-kanilang upuan. Samantala sina Don August Pallis at ang kaniyang kaibigan ay parang hari na nakaupo sa hindi kalayuan. Ang kanilang mga bodyguard ay nakapalibot sa kanila. Kapansin-pansin silang VIP guest sa gaganaping competition. “Napaka-relaxing pala sa lugar na ito kaibigan. Hindi ko akalain na makakalanghap ako ng sariwang hangin rito. Kung hindi pala ako sumama ay baka pagsisihan ko ang araw na ito,” nakangising sabi ni Benjiamen sa kaibigan niyang si Don August. Ngumisi rin si Don August bago tumango sa kaibigan. “Sabi ko naman sa’yo. Masisiyahan ka sa pag-attend ng competition na ito. Marami kapang hindi nakikitang magaganap na eksena, kaya realax ka lang kaibigan,” sagot naman sa kaniya ni Don August. Tumawa si Benjiamen. “Pinag-isipan ko nga ng maagi kung sasama ba ako o hindi,” makahugan niyang sabi. Binalingan siya ni Don August. “Mabuburo ka lang sa loob ng mansyon mo. Sinisiguro ko sa iyo na magugustuhan mo rito,” sagot niya sa kaibigan. Sinapo ni Benjiamen ang baba niya. Kinahu ang iniinom niyang tsaa na dala-dala pa ng kaniyang mga tauhan para sa kaniya. Tahimik siyang uminom roon at itinuon ang paningin sa mga contestant. Naroon rin sa baba ang kaniyang anak na dalaga at dinadamayan ang kaniyang kaibigan na si Nathalia. Tahimik na umiinom ng tsaa at nagkukuwentohan ang magkaibigan habang hindi pa nagsisimula ang competition. Muling umingay ng malapit na ang simula ng competition. Samantala, ang binatang si Rio ay tahamik na nakatayo sa gilid ni Nathalia habang hinahaplos nito ang gagamitin niyang kabayo para sa karera. Pilit na pinapaamo ni Nathalia ang kabayo niya dahil ito ang unang beses na sasakyan niya ito dahil ito ang una niyang competition. Tahimik rin na nakatayo sa tabi niya sina Hira at Allison, pero ang mga mata ng dalawa niyang kaibigan ay nakatutok kay Rio. Hindi mailigtas sa mga mata ng dalagang si Nathalia ang makahulugang titig ng kaniyang mga kaibigan sa kaniyang personal bodyguard. Sa isip ng dalaga ay isa lamang itong simpling bodyguard at bakit nahuhumaling ang kaniyang mga kaibigan? Wala na ba silang standard pagdating sa lalaki at si Rio pa ang kanilang natitipuhan? Napapailing na lang si Nathalia at pinagpatuloy ang paghipo sa kaniyang kabayo. Bahagyang lumapit sa kaniya si Rio at bumulong. “Kinakabahan kaba?” mahinang tanong ni Rio kay Nathalia. Binalingan siya ng dalaga at tinitigan. Tumango si Nathalia sa kaniya. “Medyo. Hindi nga ako sigurado kong ma-handle ko si Belle. Matagal ko na siyang hindi nasakyan simula ng pumasok ako sa UP university,” sagot ng dalagang si Nathalia. Tinutukoy niya rin ang kabayo niyang puti na pinangalanan niyang Belle. Muling bumulong ang binatang si Rio dahil maingay na rin ang paligid. “Na-handle mo nga ang humawak ng baril ito pang kabayo na matagal mo ng kilala. Naniniwala ako sa’yo na magagawa mo siyang paliparin na kasing bilis ng eroplano,” nakangisi niyang sabi. Nagbiro pa ito upang pawiin ang takot ng dalaga. Pinaliitan siya ng mga mata ni Nathalia. Balak ng sumagot si Nathalia nang makisingit si Allison. “Oh…what’s that? May pabulong-bulong pa na sinasabi,” maarte niyang sawsaw sa usapan nila Rio at Nathalia. Hinawakan siya sa braso ni Hira at hinila. Napansin iyon ni Rio kaya tumingin kay Allison ng deretso. “Gusto ko lang po suportahan ang aking lady boss, Miss. Wala naman yatang problema doon,” seryoso niyang sabi kay Allison. Sa loob-loob ni Allison ay masyado na siyang naiinggit sa kaibigang si Nathalia sa pagkakaroon nito ng guwapong personal bodyguard. Minsan na niya ring sinabihan ang papa niyang si Benjiamen na kunan na rin siya ng personal bodyguard ngunit lahat ng nag-apply sa kanila ay wala siyang natipuhan dahil tanging si Rio lamang ang kaniyang iniisip. Hindi pinansin ni Nathalia ang bad mood ng kaniyang kaibigan bagaman ay nginitian pa niya ito. Nakisingit na rin sa usapan si Hira. “Huwag niyong pansinin ang mga sinabi ni Alle. Ayaw lang niya sa ganitong places.” Paliwanang ni Hira. Totoo naman kasi na ayaw na ayaw ni Allison sa ganitong lugar lalo na at nabibilad siya sa araw. “Hell Hira! Mind your own business!” asik niya sa kaibigan. Si Allison kasi ang englishera sa kanilang magkakaibigan. Suwail rin ito at laki sa layaw. Tumikhim si Nathalia dahil naamoy na niyang may magaganap na naman na bangayan sa pagitan nina Hira at Allison. Nakakahiya sila dahil nasa tabi rin nila si Rio, at hindi lang iyon dahil marami pa silang katabi na contestant. “Girls that’s enough!” bulyaw ni Nathalia sa dalawa. Natahimik naman sila. Samantala si Rio ay tahimik lang na nakikinig sa kanila. Walang ibang pinagtutuonan ng pansin maliban sa kaniyang nag-iisang Nathalia. Muling tumahimik ang kanilang grupo hanggang sa wala ng gustong magsalita. Pinagpatuloy ni Nathalia na haplusin ang kabayo niya. Binubulungan pa niya ito na huwag siya sanang ihulog mamaya sa kalagitnaan ng karera. Napangiti si Rio ng marinig ang huling bilin ni Nathalia sa kaniyang kabayo. Hindi niya iniisip na sasabihin iyon ng dalaga. Dala lang siguro ng takot at kaba. Sino ba naman kasi ang hindi kakabahan gayong maraming magaling ang kaniyang makakalaban. Ayaw niyang matalo dahil ito ang unang pagkakataon na pinanood siya ng kaniyang amang si August. Naging suportado ito at pinagtataka iyon ng dalagang si Nathalia. “Hindi ka niya ihuhulog, basta’t kumapit ka lang ng maiigi,” sabi ni Rio kay Nathalia. Nangingiti pa ito at hindi makatingin ng deretso sa dalaga. “Paano kapag ihulog niya ako bigla sa kalagitnaan ng karera?” biglang tanong ng dalaga kay Rio. Napatingin sa kaniya si Rio at napaisip. Ngumiti siya kay Nathalia. “Kapag ginawa niya iyon ay isasalba pa rin kita,” mahina niyang sagot. Napalunok ang dalaga sa simpling sagot ng binatang si Rio. Sa isip ni Nathalia ay napakaromatiko pala ng kaniyang personal bodyguard kahit na masungit itong tingnan at nakakatakot. Muntik ng masamid ang dalagang si Nathalia sa sarili niyang laway. Kaagad itong tumikhim at umiwas sa mga mata ni Rio na nakatitig sa kaniya. Pilit niyang binabalik ang atensyon sa kaniyang kabayo para lang makaiwas. Pero ang t***k ng kaniyang puso ay para na ring nagkakarera sa sobrang bilis nito. Ano ba itong nararamdaman niya at bakit sa tuwing may sinasabing makahulugan na salita si Rio sa kaniya ay bigla siyang nasasamid sa kaniyang sariling laway. Nag-excuse sina Hira at Allison kina Rio at Nathalia dahil babalik na ito sa kanilang upuan na malapit sa Papa ni Allison. Nagpasalamat na rin si Nathalia sa mga kaibigan dahil sa hindi sila nawala sa kaniyang importanteng competition. Nang makaalis ang dalawa ay biglang natahimik ang pagitan nina Rio at Nathalia. Habang hinihipo ni Nathalia ang kabayong si Belle ay tahimik naman na iginagala ni Rio ang kaniyang mga mata upang mag-imbestiga. Sa loob ng binata ay may kutob siyang hindi maganda. Napansin niya rin sina Don August at Benjiamen na kalmadong nag-uusap sa kanilang upuan habang umiinom ng tsaa. Ang mga bodyguard nila ay nakakalat sa kanilang paligid na tila ba silang VIP guest ng competition na ito. Nagsalita ang MC kaya lahat ay natahimik. “Magandang umaga sa lahat. Gusto kong ipaalam sa inyo na sampong minuto lang ngayon ay mag-uumpisa na ang ating competition. Ready na ba kayo—?” Naghiyawan ang mga tao at nagsipalakpakan. Muling umingay ang paligid ng magpatuloy sa pagsasalita ang Mc. Ang mga taong nanonood ay nagsisigaw na rin. Iyong iba pa ay may mga dalang tarpaulin para sa kanilang chini-cheers na contestant. May mga iba pang nakasulat lang sa puting cartolina ang pangalan ng kanilang paboritong contestant at itinataas pa iyon bilang pagsuporta sa kanilang napiling ilalaban. Nang magsalitang muli ang Mc ay ipinarating nito sa mga contestant na pumunta na sila sa kanilang puwesto dahil mag-uumpisa na. Agad naman kumilos ang bawat contestant at pumunta sa kani-kanilang gate. Naghiyawan ulit ang mga tao at nagsisigawan. “Amanda Nathalia Pallis!” sigaw ng mga taong nasa kaliwang puwesto. Sinulyapan iyon ni Nathalia. Napapangiti siya ng makita ang mga hindi kilalang tao na itinataas ang kaniyang pangalan na nakasulat sa cartolina at iyong iba pa ay naka-tarpaulin. “Nathalia! Nathalia! Nathalia!” sigaw ulit ng mga tao. Ang buong atensyon ay napunta sa kaniya. Hindi akalain ni Nathalia na ganoon na lang ang pagsuporta sa kaniya ng maraming tao. Buong akala ng dalaga ay walang nakakakilala sa kaniya dahil hindi naman siya sikat. At mas lalong hindi siya matalino. Itinaas ng dalaga ang kamay sa mga taong sumisigaw sa kaniyang pangalan. Ngayon pa lang ay nagpapasalamat na siya dahil kahit hindi siya kilala sa lipunan ay may mga taong nakakakilala pala sa kaniya at chini-cheers rin siya sa ganitong activities. Nasa ika-apat ang gate ni Nathalia. Nilapitan siya ni Rio. Muntik ng mapatili ang dalaga ng hawakan siya ni Rio sa baywang at isinampa sa kabayo. Sa simpling pagdidikit ulit ng mga balat nila ng binatang si Rio ay tila umaapoy na ang kaniyang laman dahil pakiramdam niya ay may kuryente ang mga kamay ni Rio. Para makabawi sa pagkabigla si Nathalia ay napatikhim ito ng mahina. “Salamat Rio.” Pinipilit niyang pakalmahin ang sarili upang maiwasan ang pamumula ng kaniyang buong mukha. May iba kasing mga kasamahan niya ang nakakita sa ginawa sa kaniya ni Rio, kaya naman ikinahiya iyon ng dalaga. Sa isip niya ay siguro kung sila lang dalawa ay walang magiging problema doon, pero hindi e…hindi sila nag-iisa. Tinaasan siya ng kilay ni Rio. Ang magagandang mga mata ng binata ay tumitig sa kaniya. “Remember this. I am always in your side,” makahulugang sabi ng binatang si Rio. Ngiti at tango lang ang isinagot sa kaniya ni Nathalia dahil ang puso niya ay lalabas na ng anomang oras dahil sa tuwa mula sa mga matatamis na salita ni Rio. Muling nagsalita ang Mc na mag-ready na sila. Ipinaalala pa niya sa mga contestant na kapag tumunog ang bell at itaas ang bandila ay dapat na silang magsimula. Hindi nagtagal ay tumunog ang bell, kasunod noon ang pagtaas ng bandila, pagkatapos ay bumukas ang gate nila upang umpisahan ang pagpatakbo ng kabayo. Kaagad na hinili ni Nathalia ang reda ng kaniyang kabayong si Belle at nilatigo ito. Agad naman tumakbo ang kabayo. Kumapit ng maigi si Nathalia sa kabayo niyang si Belle, bahagya pa niyang itinaas ang puwitan upang mas madali niyang nahihila ang renda at nalalatigo ang kabayo. Binilisan niya at pinag-igihan. Nasa pinaka-una siyang linya kaya naman ang mga tao sa paligilid ay sinisigaw ang kaniyang pangalan. “Nathalia! Nathalia! Nathalia!” sigaw ng marami. Kahit si Rio ay napapasigaw na rin upang suportahan ang kaniyang amo. Pumuwesto si Rio sa tamang puwesto na malaya niyang nakikita si Nathalia. Nangingiti ito at natutuwa dahil nasa first race line ang amo. Samantala muling nilatigo ng malakas ni Nathalia ang kabayo niyang si Belle upang bilisan ang kaniyang pagtakbo at para hindi sila maabutan ng nakasunod sa kanila. Binilisan rin ni Belle ang kaniyang pagtakbo. Nang nasa ikalawang round na sila palibot ay biglang tumigil si Belle at itinaas ang mga paa. Nagkagulo ang mga tao, ang mga iba namang contestant ay nilagpasan si Nathalia. Muling itinaas ni Belle ang mga paa at pagkababa niya roon ay kaagad itong tumakbo sa ibang dereksyon. Binalot ng kaba at takot si Nathalia na baka ihulog siya ni Belle dahil nagiging wild na ito at paiba-iba ito ng dereksyon. Naalarma si Rio ng makita ang nangyayari. Kaagad siyang sumuot sa mga taong nakaharang sa kaniya at tumalon sa mataas na bakod. Wala siyang pakialam sa nakakakita sa kaniya dahil ang mahalaga ay maisalba niya si Nathalia. Nang mapansin na rin iyon nina August at ang kaniyang kaibigan ang ginawa ng binata ay kalmado lang silang nakatingin rito at hindi inuutusan ang mga tauhan na damayan ang kaniyang anak. Hinila ni Rio ang kabayo ng judge at sinakyan iyon kaagad. Bahagya pang nagulat ang judge sa marahas na kilos ng binata ngunit huli na para mapagsabihan niya ito dahil kaagad ng pinasirit ni Rio ang pulang kabayo at pinatakbo sa kinaroroonan nina Nathalia at Belle. Biglang nahito ang mga contestant. Ang mga tao naman ay natahimik at nag-alala kay Nathalia. Samantala si Nathalia ay mahigpit na kumapit sa renda ni Belle at pinipigilan ito sa kaniyang pagwawala. “Belle stop! Calm down…please—“ alo ni Nathalia sa kaniyang kabayo ngunit hindi ito nakikinig at nagtatakbo nang nagtatakbo. Magkahalo ang galit at pag-aalala ni Rio ng mapantayan sina Nathalia at Belle. Inilapit niya ang pulang kabayo na sinsakyan niya kay Belle at sumigaw siya kay Nathalia. “Bitawan mo ang renda!” sigaw niya sa dalaga. Kaagad naman na bumitaw si Nathalia at sa isang iglap ay inabot ng binatang si Rio ng kaliwang kamay ang baywang ni Nathalia at hinila ito upang mapaupo sa kaniyang unahan. Bumilis ang t***k ng puso ni Nathalia na tila hindi makahinga. Ngayon ay ligtas siya. Ligtas siya sa mga kamay ni Rio na nakayakap sa kaniya nang mahigpit.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD