Chapter 07

2074 Words
Rio’s POV Naging magkasunod-sunod ang malalalim kong paghinga. Gamit ang lakas ko ay nahila ko ng isang kamay si Nathalia at maayos na napaupo sa harapan ng sinasakyan kong pulang kabayo. Ang dibdib ko ay tila kasing lakas ng tambol ang bawat pagtibok. Para ba itong isang bagay na malakas ang tunog. Natakot ako nang sobra nang makita ko si Nathalia na pilit pinapaamo ang kaniyang kabayo dahil ito ay nagtatakbo nang nagtatakbo sa iba’t ibang dereksyon. Alam kong pinagtitinginan ako ng mga tao kanina dahil sumuot ako sa kalagitnaan nila na may pagmamadali. Nang tumalon na rin ako sa mataas na bakod ay may mga narinig pa akong napasinghap nang mahina dahil sa ginawa ko. Hindi ko mawari ang nasa isip ng mga taong nakakakita sa akin kanina kung nasindak ba sila o nagtaka? Basta ang tanging alam ko ay ang marating ang kinaroroonan ni Nathalia at mailigtas siya mula sa ligaw niyang kabayo na kung saan-saan pumupunta. Hindi ko na rin naisip ang puwedeng maramdaman ng judge dahil sa pagkuha ko ng kaniyang kabayo na hindi man lang nagpaalam. Mamaya ay hihingi ako sa kaniya nang tawad. Simula kaninang umaga ay nagdududa na ako. Alam kong may hindi normal na mangyayari kaya naging alerto na rin ako. Hinawakan ko ang renda ng kabayo at bahagyang pumikit. “Ligtas ka,” mahina kong sabi. Idinikit ko ang labi sa likod ng ulo niya at mababaw ko iyong hinalikan nang mabilisan. Baka may makapansin at mahirap na dahil siya ay aking amo at hindi kasintahan. Naramdaman kong lumunok siya. Nang mahawakan ko ang kamay niya ay tila itong yelo sa sobrang lamig. Alam kong natatakot siya dahil sa nangyari. “I’m s-so a-afraid,” sagot niya sa akin. Ang boses niya ay tila nanginginig. Umayos siya ng upo at humawak rin sa renda ng kabayo na kasalukuyan kong hawak. Malalim akong bumuntonghininga. Kung nag-iisa lang kami ay malamang niyakap ko na siya nang mahigpit at ipadamang narito lang ako at hindi siya iiwan. Ngunit paano ko iyon gagawin kung maraming mata ang nakatingin sa amin ngayon na tila ba na nagsi-shooting kami para sa pelekula. “‘Di ba sabi ko sa’yo andito lang ako palagi kaya wala kang dapat na ikatakot.” Sinasabi ko ang bawat salitang ‘yan upang bigyang siya nang lakas. Ayaw kong natatakot siya palagi dahil aminado akong hindi sa lahat ng oras ay nasa tabi niya ako. Ang tungkulin ko bilang isang personal bodyguard sa kaniya ay hindi iyong panghabang-buhay. May sarili akong intensyon kaya ako namasukan na personal bodyguard niya. Hindi ako ordinaryong tao na habang buhay na magtatrabaho sa kaniya at poprotektahan siya. Isang araw ay lilisanin ko na rin ang trabaho ko sa kanila lalo na’t maaga kong natuklasan ang mga illegal na gawaiin ng kaniyang amang si Don August Pallis. Bilang NBI agent ng Pilipinas ay tungkulin kong imbestigahan ang bawat illegal na gawain sa bansa at ibunuyag iyon sa publiko upang isuko nila ang kanilang mga masasamang gawaiin at maiwasan ang corruption ng bansa. Nakakaawa na rin ang mga inosenteng tao na madadamay. Katulad na lang ng mga babaeng kinukuha nila para ipambayad sa kanila. “Natatakot kapa ba?” mahina kong tanong kay Nathalia. Hinila ko ang remda at pinalakad ang kabayo sa aming puwesto kanina. Umiling siya sa akin. Nakahawak pa rin ang kamay niya sa renda ng kabayo. “Okay na ako.” Ngumisi ako. Minsan naiisip ko, ang tapang na babae ni Nathalia kung tutuosin. Sa umpisa lang siya natatakot pero kalaunan ay nawawala na rin iyon. Kaya naman mataas ang pagtingin ko sa kaniya na kahit wala ako sa tabi niya ay magagawa niyang protektahan ang sarili niya. “Kahit hindi ako dumating o wala ako rito ay kayang-kaya mong protektahan ang sarili mo. Naniniwala ako palagi sa tapang mo at husay,” bulong ko sa kaniya. Nang hindi siya sumagot ay muli akong ngumisi. Alam kong ramdam na ramdam niya iyon at natatakot lang siyang lumingon sa akin. Naramdaman ko ang kamay niyang gumapang sa hita ko. Oh baby! Ang bilis naman ng kamay mo. Napalunok ako nang wala sa oras. Ngunit ng kurutin niya iyon at bahagya pang idiniin ang matutulis niyang kuko ay namilipit ako sa sakit. Napakagat labi ako dahil sa sakit mula sa matutulis niyang mga kuko. “You deserve that. Masyado mo na akong pinaglalaruan Mr. Rio Santos.” Kalmado ang kaniyang boses habang nagsasalita. Pakiramdam ko pa ay mas masakit ang mga kuko niya kaysa makipagrambulan sa kalye. Naroon pa rin ang kirot hanggang sa marating namin ang dating puweto. Nahagilap na rin ng mga mata ko sina Don August at ang kaniyang kaibigan, pati na ring ang mga kaibigan ni Nathalia. Agad akong bumaba at hinawakan sa baywang si Nathalia upang tulungan na bumaba sa kabayo. “Salamat.” Pasalamat niya sa akin. Hindi ito nakatingin sa mga mata ko. Tumango ako sa kaniya kahit na hindi siya nakatingin sa akin. Kaagad kong hinila ang kabayo at ibinalik iyon sa naghihintay na judge sa competition. Nahihiya akong lumapit sa kaniya. “Sir. Patawarin mo po ako at hindi na ako nakapagpaalam sa’yo kanina. Hindi ko sinasadya na basta-basta na lang na hilain ang kabayo mo pero wala na ho akong pagpipilian.” Magalang kong hingi ng paumanhin sa judge. Alam kong nakakahiya ang ginawa ko pero nangyari na e, hindi ko na maibabalik pa. Sabi nga nila nasa huli ang pagsisisi. Kaya heto at nagsisisi na ako. Tinitigan niya ako. Buong akala ko ay tatama na ang kamao niya sa mukha ko at bubulyawan ako, pero mali ang hinala ko. Nilapitan niya ako at tinapik sa balikat. Ngumiti siya sa akin habang napapailing. “Nakaka-proud ka nang sobra binata. Hindi pa kita kilala pero alam kong may potential ka sa paggamit ng kabayo. Nararamdaman ko iyon dito,” turo niya sa puso niya. “Alam mo bang walang sinoman ang nakakasakay niyang kabayo ko dahil hinuhulog niya kapag hindi kilala. Pero nang makita kita kanina ay nasabi kong sanay na sanay na ang kamay mo sa paghawak ng renda.” Muli niyang tinapik ang balikat ko. Nakatingin lang ako sa kaniya na tila namamalikmata. Hawak ko pa ang renda ng kaniyang pulang kabayo. Nilapitan niya ang kabayo niya at hinaplos iyon sa ulo. “Red. Mukhang nagustuhan mo ang binatang ito,” sabi niya sa kabayo. Red pala ang pangalan. Binalingan niya ako. “Anong trabaho mo Iho?” tanong niya sa akin. Lumunok ako bago sumagot. “Isa lang po akong personal bodyguard,” Lumingon siya sa gawi ni Nathalia. Naroon na rin sina Don August at kinukumuata ang anak. Tumingin siya ulit sa akin na may ngiting naglalaro sa kaniyang mga labi. May kaedaran na rin siya, baka kasing edad na ito ni Papa. “Siya ang lady boss mo?” tanong niya ulit. Inginuso pa si Nathalia sa ‘di kalayuan. Bahagya akong tumango. Muli siyang ngumisi. Ano bang iniisip ng matandang lalaki na ito? Iniisip ba niyang may malalim akong pagtingin sa amo ko. Hay naku naman! Bakit maraming tao ang manghuhula na ngayon? Wala sa sariling napailing ako. “Patawad po ulit sir,” Mahina niya akong tinawanan. “Huwag kang humingi nang tawad sa akin binata. Tama lang ang ginawa mo kanina. Narinig mo ba ang kasabihan na masyadong nakakawala sa sarili ang magmahal ng sobra?” Kumunot ang noo ko sa tanong niya sa akin. Ano bang ibig niyang ipahawatig? Mukhang pinagtatawanan lang niya ako. Kinindatan ko rin siya. “Kung kasing ganda ba naman niya, sino bang hindi mapapraning sa kaniya,” nakangisi ko ring sagot. Binulong ko pa iyon at sinisiguro kong siya lamang ang makakarinig. Nakangisi rin siyang tumango ulit sa akin at isang beses na sumulyap sa gawi ni Nathalia. Nangingiti akong nagpaalam ulit sa kaniya upang puntahan sina Nathalia. Kaagad akong sinalubong ni Don August Pallis at tinapik sa balikat. “Maraming salamat sa’yo Iho. Kung hindi ikaw ang bodyguard ni Nathalia ay baka napahamak na ang anak ko. Marami na akong utang na loob sa’yo kaya naman asahan mong susuklian ko iyon ng malaking reward,” sabi niya sa akin. Tumango ako sa kaniya. “Ang protektahan si Ms. Nathalia ay trabaho ko po iyon sir. Hindi ko kailangan ng kapalit,” seryoso kong sagot. Tumawa ang kaniyang kaibigan na nasa gilid lang niya. Lahat kami ay napabaling sa kaniya. Bahagya pang tinggal ang magarang sunglasses at isinukbit iyon sa plantsado niyang damit. Ang mga bodyguard naman nila ay naka-stand by sa hindi kalayuan. “Hindi ko akalain na mayroon pa palang natitirang tao sa mondo na hindi tumatanggap ng kapalit.” Singit niya sa usapan. Sa isip ko pa ay mayabang ang boses niya sa paraan ng pagkakasabi niya roon. Wala siyang pinagkaiba sa kaniyang anak na si Allison. Ayaw ko na rin sa anak niyang laging nakatitig sa akin. Kung hindi lang siya kaibigan ni Nathalia ay baka isa na siya sa pinagsusungitan ko. Tiningnan ko siya. “Hindi po lahat ng tao ay nagpapsuweldo sa bawat utos sa kaniya,” sagot ko. Hindi man lang ako nakaramdam ng kaba na ang raming tauhan niya ang nakapalibot sa kaniya. Kailan pa ba ako natakot? Mukhang hindi ko na maalala na may kinatakutan ako sa buhay. Tumawa si Don August bago tumango bilang pagsang-ayon sa akin. “Tama nga naman kaibigan. Hindi naman lahat ng tao ay gano’n ang pananaw sa buhay. Ikinagagalak ko na nakilala ang binatang ito dahil responsible siya sa kaniyang trabaho.” Lumapit sa akin ang kaibigan ni Don August. Inilad niya ang palad sa akin. “Kung gano’n, ikinagagalak ko na rin na makilala ka Iho. Natutuwa ako dahil napoprotektahan mo palagi ang inaanak kong si Nathalia.” Binalingan ko muna nang tingin si Nathalia. Tiningnan niya ako saglit pagkatapos ay muling ibinalik ang paningin sa kaniyang mga paa. Muli kong ibinalik ang mga mata sa kamay ng kaibigan ni Don August at kusa iyong tinanggap. “Benjiamen.” Maiksi niyang pakilala sa akin. “Salamat po sir.” Muling tinapik ni Don August ang balikat ko. “Napakahusay mong tao Rio. Pinanganak kang may taglay na kahusayan sa lahat ng bagay,” sabi niya sa akin. Tinanguan ko na lang ang sinabi niya dahil sa totoo lang ay wala na rin akong maisasagot rito. Nagpasalamat na rin ulit sa akin si Nathalia. Hindi natuloy ang competition dahil sa nangyari kaya naman ipina-schedule nila itong muli at uulitan sa mga susunod na araw. Ang kabayo naman ni Nathalia ay pinadala na ito ni Don August sa nag-aalaga rito. Nagtataka na rin ako sa kabayong iyon dahil napakaamo niya noong umpisa. Inisip ko at pinag-aralan hanggang sa sumanggi sa isip ko na baka may itinurok sa kaniya na gamot kaya iyong nagtatakbo sa kung saan-saang dereksyon na tila hindi napapalagay. Nauuna ang sinasakyan namin ni Nathalia. Nakasunod naman sa amin sina Don August kasama ang kaniyang mga bodyguard. Nang makarating kami sa mansyon nila ay nagpaalam na akong uuwi dahil tapos na ang oras ko sa trabaho. “Mag-iingat ka,” mahinang sabi sa akin ni Nathalia. Binalingan ko siya, pagkatapos ay tumango. “Wala ka man lang sasabihin?” tanong niya. Binasa ko ang mga labi ko. Sinundan niya iyon ng tingin pagkatapos ay muli rin ibinalik ang mga mata sa akin. “Ano bang gusto mong malaman Miss?” balik tanong ko sa kaniya. Masama niya akong tiningnan. Ang ganda niya pa rin. Kumunot ang noo at nagkakahaba ang nguso. “Magpasalamat ka Rio dahil sinabihan kitang mag-iingat ka.” “It’s just a common words Miss. Normal lang na sabihin iyon sa tao,” sagot ko. Iwan ko ba at ikinatutuwa ko sa tuwing naiinis siya sa akin. Iyong tipong kung puwede lang niya akong hambalusin ay gagawin niya. Pinaliitan niya ako ng mga mata. “Huwag kang magpapakita sa akin bukas,” sabi niyang nakasimangot. Balak na niya akong lagpasan upang pumasok na sa loob ng kanilang mansyon ng matapang ko siyang hinawakan sa siko. Bigla siyang napahinto at tumingala sa akin. Pagkatapos ay tumingin na rin sa kamay kong nakahawak sa siko niya. “Baka mapanaginipan mo ‘ko kahit araw kapag hindi na ako magpakita sa’yo,” seryoso kong sagot. “Hindi mangyayari iyon. Bahala ka nga sa buhay mo!” asik niya. Hinila niya ang siko at walang lingon na naglakad papasok sa loob ng kanilang mansyon. Nangingiti na lang akong nasusundan siya nang tingin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD